A P R I L 2 6 2 0 1 8
two ud today!
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
Pagdating namin sa bahay nila ay kaagad kaming tinanong ng Nanay niya kung saan kami nanggaling.
"Kumuha lang siya ng gamit niya, Nay." Sagot ni Anghel sa kanya. Napakunot ang noo ng Nanay niya tsaka inakay si Anghel papunta ng kusina. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
Mukhang may seryosong sasabihin ang Nanay niya sa kanya.
"Ang ibig mong sabihin ay mananatili siya dito?" Mahinahon lang ang boses ng Nanay niya pero rinig ko pa rin. Napalunok ako at napayuko. Mukhang ayaw ako dito ng Nanay niya.
"Nay, hindi naman siya magstay talaga dito. Ilang araw lang ho. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang totoong dahilan niya kung bakit siya umalis sa kanila, pero sa nakikita ko, mas mabuti na huwag muna siyang bumalik doon." Dinig kong sabi ni Anghel. Nagpatay malisya ako nang bigla nila akong nilingon. Sana ay pumayag na ang Nanay niya na magstay muna ako dito.
"O sige na. Maaari na siyang manatili dito. Sa isang kondisyon, kailangan ay matuto siya ng mga gawaing bahay." Nakangiting sabi ng Nanay niya. "Mabuti na lang at nais ko talaga magkaroon ng anak na babae." Pagpapatuloy pa niya kaya maging ako ay natuwa.
"Pabebe ka pa, Nay. Papayag ka rin naman pala." Dinig kong sabi ni Anghel sa Nanay niya at kasunod nun ang pagdaing niya dahil kinurot siya sa tagiliran.
Lumapit na sila saakin at sinabi nga na pwede na akong magstay dito sa bahay nila.
"Thank you po...?" Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa kanya.
"Nanay na lang din ang itawag mo saakin." Nakangiting sabi niya kaya hindi ko napigilan at nayakap ko siya. "Salamat po, Nay." Sagot ko at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
Naalala ko bigla si Nanay Elisa sa kanya.
"Maglinis na kayo ng katawan niyo at magpahinga. May pasok pa kayo bukas, hindi ba? Saan ka ba pumapasok, hija?" Tanong saakin ni Nanay.
"Sa KFIS po." Sagot ko sa kanya. Mukha namang namangha sila pareho dahil sa narinig nila. Kahit sino naman ay mamamangha talaga kapag narinig ang eskwelahang iyan. Marami ang nagnanais na makapasok doon.
"Bakit ka nga ba umalis sainyo, hija?" Tanong niya saakin. Binaling ko muna ang paningin ko kay Anghel at nginitian lang naman niya ako.
"Ano po kasi eh..tumakas lang po ako sa ospital nang makita ako ni Anghel sa daan." Pagsabi ko ng totoo. "Nagkaroon po kasi ng misunderstanding habang nasa ospital ako, ayaw ko na ho malaman lahat ng iyon kaya tumakas na lang ako paalis." Pagkukwento ko. Hindi ko na sinabi ang buong detalye tulad ng pinagsasabihan ni Lola si Mommy dahil hindi ako naalagaan ng maayos sa puder ni Mommy. Ayaw kong isipin nila na masama ang Mommy ko.
"Ganun ba? Panigurado nag-aalala ang mga magulang mo dahil sa pag-alis mo." Binigyan ko ng pekeng ngiti si Nanay tsaka marahang napailing. "Nasa malayo naman po sila. Hindi nila malalaman na umalis po ako." Marahan din akong napayuko. Iba talaga ang pakiramdam na dulot saakin kapag sina Mommy at Daddy na ang pinaguusapan.
"Sige na, Nay. Huwag mo na tanungin itong si Inna, nalulungkot lang siya eh." Humarang sa pagitan namin si Anghel tsaka hinawakan ako sa magkabilang braso. "Mauna ka na maligo para makapagpahinga ka na." Nginitian ko siya tsaka tumango. Itinuro naman niya saakin kung saan ang banyo nila kaya sinimulan ko na ang dapat kong gawin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa tinitignan ang cellphone ko. Panigurado ay napakarami ng missed calls at texts ni Lola Min at Nanay Elisa saakin. Ayaw ko man sila pag-alalahanin, pero gusto ko na muna talaga makalayo doon sa kanila. Gusto ko makalayo sa magulong buhay ko bilang anak ng dalawang sikat na artista.
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18