A P R I L 2 5 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
"Ako nga pala si Anghel, ang guardian angel mo. Pinakagwapong guardian angel mo. Kung gusto mo, pinakagwapong future husband na rin." Nilahad niya ang kamay niya tsaka ako kinindatan. Napangiwi ako dahil sa ginawa at sinabi niya. Dating pa lang niya ay playboy na.
Mukhang napansin niya iyon kaya natawa siya. Ang lalim ng mga dimples niya.
"Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong niya saakin. Tinanggap ko ang kamay niya. "Georgina." Sagot ko at nagkamayan kami. Nginitian ko rin siya para ipakitang may dimples din ako. Namana ko pa yan sa Daddy ko.
"Anghel, mamamalengke lang kami ng Tatay mo. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Mamayang kaunti ay magsaing ka na para mamaya ay iluluto na lang natin ang ulam. Pakainin mo ang bisita natin, may pandesal at kape pa dyan sa lamesa." Dinig kong bilin sa kanya ng Nanay niya.
"Opo, Nay." Nangangamot ulong sagot naman ni Anghel. "Kain ka muna ng almusal, Georgina." Pangaaya niya saakin. Kaagad namang nagliwanag ang mga mata ko nang makarinig ako ng pagkain. Gutom na gutom na kasi ako. Tumayo na ako at naupo sa may dining area nila.
"Pasensya ka na at pandesal at kape lang ang meron kami dito. Gwapo lang ako at hindi mayaman." Inabot niya saakin ang isang supot ng pandesal at isang tasa ng mainit na kape. Medyo mahangin siya, ano?
"Isawsaw mo yang pandesal sa kape para mas masarap." Pagpapatuloy pa niya. Napalunok ako saglit. Marami ang nagsasabi na magandang kombinasyon daw iyon, pero hindi ko pa nasusubukan. Ito na siguro ang pagkakataon ko para makakain ng ganun. Kahit naman hindi ako mahal ng mga magulang ko ay pinapakain naman nila ako ng masarap.
Dahan-dahan ko sinawsaw ang buong pandesal sa kape ko.
"Tae hahahahaha!" Napalingon ako kay Anghel na tawa ng tawa ngayon. "Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ako sinagot at patuloy pa rin sa pagtawa habang tinuturo pa niya ang hawak kong pandesal na babad na sa kape ngayon.
"Bakit sinawsaw mo ng buo? Dapat kumurot ka ng kaunti at iyon ang isawsaw mo. Huwag buo! Hahahaha!" Natatawang sabi niya. Napairap ako sa isip-isip ko. Ang sabi kasi niya isawsaw ko ang pandesal, hindi naman niya sinabing kumurot ako ng piraso at iyon ang isawsaw ko. Aish!
Kinain ko na muna ang pandesal na iyon tsaka kumuha ulit at ginawa na ng tama. Nag-thumbs up naman siya saakin tsaka medyo natawa pa. May pahabol pa siyang ganun.
"Nasaan ang mga kapatid mo?" Pang-uusisa ko habang kumakain.
"Wala. Mag-isa lang akong anak. Kaya nga ako parati ang napapansin nina Nanay at Tatay. Ako parati ang nauutusan." Napapailing niyang sagot at para bang naiinis na siya. Napatigil naman ako sa pagnguya tsaka nilunok ang kinakain ko.
"Mabuti ka pa nga at napapansin ka ng mga magulang mo." Mapait akong natawa. Mas pipiliin ko na ang mautusan parati, at least napapansin nila ako diba? Kesa sa ganito, parang hindi ako nag-eexist.
"Bakit ikaw ba? Nasaan ang mga magulang mo? Sigurado ako nag-aalala na ang mga yun sayo ngayon." Tanong niya saakin. Napangisi ako dahil sa sinabi niya.
"Asa pa." Bulong ko sa sarili ko. Kita ko namang napakunot ang noo niya.
"Anong sabi mo?" Tanong niya saakin. Ngumiti ako tsaka umiling.
"Wala sila." Sagot ko. "Nasa malayo." Pagpapatuloy ko. Nandyan lang sila pero pakiramdam ko napakalayo nila saakin. Hindi lang pala sa magkakaibigan o magkasintahan ang 'so near yet so far' na mga kataga, pwede rin sa magkakapamilya. Nakakatawa dahil ganun ang relasyon ko sa mga magulang ko.

BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanficI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18