EGQ 62: Gab

3.1K 71 2
                                    

Carianne's Pov.

"Love" Napatingin ako sa kanan, sino yun?

"Love! Sa likod mo"

"G-gab" Nanginginig kong sambit. Is this really true? Nasa harap ko na ba talaga siya ngayon?

"Love namiss kita" Sabi nito. Alam kong isa lang itong panaginip pero bakit parang totoo?

"Gab kelan ka babalik?" Tanong ko. Sinubukan kong lumapit sakanya pero 'di ako makagalaw.

Biglang dumilim ang paligid. Pagtingin ko kay Gab ay puno na ng dugo ang kanyang damit habang siya'y umiiyak. Takot at kaba ang nakalatay sa kanyang mukha, malayong malayo sa masayahin at maaliwalas niyang ekspresyon noon. Anong nangyayari?

"Gab anong nangyari sayo?" Sinubukan kong humakbang ngunit parang naugat na ang aking paa sa lupa.

Si Gab, siya ang ikapitong miyembro ng grupo namin. Siya (at si Demi) ang maituturing kong parang kapatid ko na. Our gang won't be complete without her.

Hinding hindi ko mapapatawad ang mga taong may ganang manakit kahit isa lang sa mga kagrupo ko. They'll face the Devil'BC leader's wrath. And I tell you beforehand, it's not easy to fight against a bitch like me.

"Mag iingat ka parati Lewis. Nasa paligid lang sila." Pahayag niya sakin habang umiiyak.

"Gab ano bang pinagsasabi mo? Kilala ko na sila, kilala ko na kung sino ang mga kalaban natin" sabi ko sakanya at sinubukang humakbang ngunit nakaugat pa rin ako sa lupa.

"Don't let your guard down Love. You can trust the bitches but not the people that surrounds you. Open your eyes, make the first move cuz the war's coming."  Makahulugang pahayag nito at lumapit sakin. May inilagay siya sa kamay ko.

"I'm inviolable and precious Love but when you came I learned that not all things work the way I want it to be. Thank you for the memories Love, bye" Saad nito ng nakangiti at tumalikod na sakin at bigla nalang itong naglaho.

Napatingin ako sa hawak ko.

"It's her bracelet"

"QUEEN" Napamulat ako sa biglang sumigaw.

Nakatayo sa harap ang aming professor na ang pula na ng mukha habang nakatingin sa akin.

How dare her shout at me? Tinaasan ko sya ng kilay, lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ito ng takot.

"Q-queen are you w-with me?" Nauutal na tanong niya sakin at nag iwas ng tingin. Scared, huh?

Napabuntunghininga ako at umiling nalang. Makikita ang pagkabigo sa mukha niya. Tumikhim nalang siya at tumingin sa ibang estudyante.

"So as I was saying, this play was a continuation of a play that we made years ago. This was written by our Queen's mother. Any questions?" Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya. Napataas ang kilay ko.

"Woah" mga kaklase ko, what kind of reaction is that?

But,

Mom? What?

"Bakit ngayon lang ginawa ang continuation Prof?" tanong ng isa sa mga kaklase namin. Napangiti naman ang Prof at tumingin sa gawi ko.

"Good question, simply because the main lead actress is back"

♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon