EGQ 60: D-day

3.4K 72 4
                                    

Carianne's Pov.

May nakapagsabi sa akin na ang susi sa tagumpay ay harapin mo ang lahat ng pagsubok. Sa buhay hindi natin maiiwasang mawalan ng pag asa lalo na sa mga bagay na sa tingin nati'y napakahirap gawin.

Naalala ko noon ako'y bata pa palagi akong nawawalan ng pag asa. Sa murang edad ko'y tinuruan na akong gumamit ng mga bagay na hindi angkop sa aking edad. Imbes na mga laruan ay mga sandata ang aking nilalaro. Imbes na magsaya ay tinuturuan ako kung pano mamuno at pano patakbuhin ang aming mga negosyo. Bata pa lamang ay natutunan ko na kong pano maging independent. Sa lahat ng pagsubok na ibinigay nila sa akin ay buong puso ko itong hinarap kahit alam ko sa sarili ko na mahihirapan ako. Pero dahil rin sa mga iyon ay naging matagumpay nman ako sa aking buhay. Tama nga naman ang sinabi nilang kapag gusto mo ang isang bagay ay pagtrabahuan mo, paghirapan mong maabot ito.

"Hoy Hon! Tama na ang pagmo-monologue mo dyan! Late na tayo oh" Demi. Panira talaga to kahit kailan.

Ngayon na pala yung raw nung search tsk.

"Hala! Bakit hindi ka pa naghanda? Wala ka pa ring make up oh" Demi pagkalabas ko ng kwarto ko.

"Kakagising ko lang" Ako.

"Hala sige maligo ka na hon dahil pupunta na tayong school. 1 hour nalang oh tas magsisimula na"

"K" Ako at pumasok na.

Hay... 'Di naman importante yung search na yun eh. Sayang lang sa oras.

"Hon!! Una na ako ah? Sunod ka na ah? Magsisimula na baka mahuli ka" Sigaw ni Demi sa labas ng kwarto ko.

Napatingin ako sa mukha ko sa salamin. Katatapos ko lang magbihis. Naguguluhan ako kong mag aayos ba ko o hindi na. Maganda na naman ako eh. Lol.

Sa huli ay naisipan kong wag nalang. Natural beauty kumbaga. Hindi ko rin naman inisip na ipanalo yun.

Pagkababa ko ay wala na akong nahagip ni isang bruha--- I mean ni isa sa mga kagrupo ko. Napatingin ako sa relo ko. Tsk kung minamalas ka nga naman. 10 minutes na lang at magsisimula na. Dali akong lumabas at sumakay sa sasakyan ko. Kahit namn di ko gustong manalo, ayaw ko rin namang magawan na namn ng issue😑

Hindi pa nga nakaabot ng 5 minutes ay nakarating na ako sa school. Lumabas na akong at nagtungo na sa gym. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko. May tumatawag, tsk.

"Oh?"

"Ghad! Rianne where are you?" Napakunot naman ang noo ko. Anong problema ng babaeng to?

"Malapit na"

Pagkarating ko sa backstage ng gym ay nakita ko si Devon na parang natatae na ang mukha at yung ibang kagrupo ko na parang wala lang. Oa ni Devon ah?

"Exact location Yan" Sabi nito. Luh, highblood masyado.

"Nasa likod mo" Ako at tinapos na ang tawag.

Napatingin naman siya sakin at sinigawan agad ako.

"Wtf Yan? Alam mo ba kung anong oras na? At ba't di ka nag ayos? Alam mo bang 2 minutes nalang at magsisimula na? Are you out of your mind?" Sinamaan ko sya ng tingin. At ba't niya ko sinisigawan?

"Sa-sabi ko nga n-natural beauty yung gusto mo hehe" Bawi niya. Takot rin naman pala.

At dahil dun sa pagsigaw niya ay napatingin yung ibang contestant sa amin most specifically si Hippo na ang pula ng mukha, make up ba to o clown?

"Wow! Ready na ready ka nerd ah?" Hippo. Nasa likod niya yung mga alagad niyang tumatawa pa habang nakatingin sa akin.

"Yea, ready na akong talunin ka"  Ako at umalis na sa harap nila. Magbibihis pa ako, balakayojan.

♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon