Carianne's Pov.
"Sigurado ka bang sasama ka? Hindi pa humihilom yang mga sugat mo oh" Sabi ni Demi sa kambal niya na maraming benda sa katawan.
"Okay lang ako Dem and besides, malakas kaya to!" Devon at pinakita pa yung kamao niya.
"Oo nga naman Demi ang lakas kaya ng babaeng yan, parang kalabaw sa lakas, baka isang sipa niya lang lumipad ka na hahaha" pang iinis ni Deck.
"Eh kung ikaw kaya yung sipain ko para mas masaya?" Nangangalaiting tanong ni Demi. Yan kase, high blood yan ngayon.
"Awee ito namang si Demi girl ang init ng ulo, liguan kaya kita ng ice upang lumamig yan?" Di pa nadala.
Sinamaan siya ng tingin ni Demi kaya yumuko ito.
"Eh kung tahiin ko kaya yang bibig mo para manahimik?" Taas kilay na sagot ni Demi
Naglalaking mata namang tiningnan ni Deck si Demi. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Tss, para kayong bata. Umalis na nga tayo" Sabat ko kaya tiningnan nila ako pagkatapos ay tumingin ulit sa isa't isa, inirapan siya ni Deck at dumila naman si Demi. Mga isip bata talaga.
Kinuha ko na ang backpack ko na may laman ng aking nga gamit, sumunod naman sila. Ewan ko nga ba't ang rami nilang bags na dala eh ako nga isa lang eh. At isa pa, 1 week yung camping namin. Tagal no? Ewan ko nga dun eh inaprobahan ko nalang.
"Hatid na namin kayo sa labas" Xyle
Pagkalabas namin ay bigla akong hinila ni Xyle at niyakap.
"Mag iingat ka roon princess ah? Wala pa naman ako ron para protektahan ka" Bulong niya, niyakap ko nalang rin siya.
"Ano ako? Bata? Alam mo naman kung anong kaya kong gawin diba?" Tanong ko.
"Ang yabang talaga nito hahaha sige na baka malate pa kayo" Binitawan na niya ako. Tinignan ang mukha ko tas kiniss ako sa noo.
"Hoy tama na nga yan! Kung di lang kayo magkapatid mapagkakamalan na namin kayong mag jowa" Sigaw ni Demi na nasa loob na ng van. Tsk.
"Tss. Bantayan niyo tong prinsesa ko ah? Pag may nangyari dito, lagot kayo sakin" Habilin ni Xyle kela Demi. Napailing nalang ako, kahit kailan talaga.
"Yes boss! Oh siya halika na mahal na prinsesa at baka'y tayo mahuli pa" Birong sabi ni Demi. Baliw.
Nailing nalang ako't sumakay.
"Enjoy kayo ron guys!" Chris
"Dala kayo foods pagbalik" Deck
"Mag iingat kayo" Brane
"Take care" Xyle
"Dalhan niyo ko ng pasalubong galing doon! Remembrance! Kahit kahoy lang sapat na" Tane
"Oi! Ako rin kahit dahon lang o di kaya wild animals" Deck
BINABASA MO ANG
♔ Extraordinary Gangster Queen♚
Acción"We clash with no fear. We kill with no mercy. We're the definition of death. Hurt one of us and you'll surely meet hell." -Devil'BC