EGQ 63

3.9K 84 36
                                    

Carianne's Pov.

Tinitigan niya ako ng punong puno ng pagmamahal.

"Fuck, what did you do to me?" Siya at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm, I'm just being me" Sagot ko at niyakap rin siya pabalik.

Binitawan niya na ako at nakangiting tinitigan. Bigla siyang napangiwi.

"Ang patay-patay ko tingnan" Sabi niya. Napahalakhak naman ako.

"Okay lang, basta sa akin ka naman patay at hindi sa ibang babae" Napatawa siya at tumitig uli. Baka matunaw na ako ah?

"Fuck, I love you so much Lewis" Nakatingin siya sakin ng punong puno nang pagsusumamo at pagmamahal. Napangiti naman ako dahil dun.

"Mas mahal kita Xian" Ako at ngumiti ng napakatamis.

Natulala siya ng marinig ang mga katagang yun, parang hindi naniniwala. 1, 2, 3, 4.. Ba't ang tagal?

Nginitian ko sya at pasimpleng tinapakan ang paa. Parang natauhan naman siya at di na alam ang susunod na gagawin.

"CUT!" Napailing nalang ako.

"Ano ba naman yan King? Parati ka na lang bang matutulala? Get back to your senses will you? Let's focus in practicing guys"

Ilang ulit na kaming pabalik balik sa parteng iyon. Pano kase tuwing napupunta ron ay natutulala si hambog. Sayang na sa oras.

"Oh King, naaalala mo ba yung gagawin?" Napakamot lang ng ulo si Hambog. Langya nito.

"John! Ikaw nga muna rito, ikaw muna ang gumanap as Naix then iact mo yung part pagkatapos mag sabihan ng Iloveyou nung dalawa. Go! King, tingnan mong mabuti ah"

Lumapit naman si John sakin at nginitian ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko si hambog na nakasimangot.

"Hi Yan" tumango nalang ako.

"In 3, 2, 1 Action!"

Lumapit naman si John sakin tas hinawakan ang bewang ko at hinila ako palapit sakanya. Umarte naman akong parang nabigla at lumaki pa raw yung mata ko sa gulat. Hinawakan niya ang pisngi ko at unti unting lumapit ang mukha niya sakin. I closed my eyes pero bago pa man magkadikit ang labi namin ay bigla nalang may tumulak kay John kaya napabitiw ito sa akin at nakahiga na.

"Gets ko na. Alam ko na kung pano" May halong galit na saad ni hambog. Gumagalaw pa nga yung panga niya eh, halatang nagtitimpi.

Anong ikinagagalit nito? Kasalanan ko bang may kissing scene talagang inilagay yung mama ko?

"Oh sya, ayusin mo yang sarili mo King. Sa monday na gaganapin yung play tas wala na tayong practice bukas dahil sunday na." Inirapan pa niya si Hambog at tumalikod.

Ngunit di pa man siya na kakalayo ay humarap ulit siya sa amin.

"And also, I forgot to te you King na kung naiilang kayong maghalikan, I mean yung lips to lips is pwede lang na halikan mo sya sa pisngi niya para di kayo ma awkward dalawa" Sabi ni Prof na nagsilbing director namin at umupo na.

"Tss, sinong may sabing d ko gagawin?" Bulong niya ngunit rinig ko naman.

Tiningnan ko naman sya ng malamig.

"Ayusin mo" Napangisi naman siya.

"Passionate, Torrid or French?" Nakakalokong tanong niya sakin.

"Just a peck, baka d ako ma satisfy kapag narinig mo ang sagot ko" Mapang asar kong sambit.

"Wanna bet?" Sasagot na sana ako ng biglang sumigaw ang isa sa panot naming prof na nagsilbing assistant ng director.

"Tama na ang harutan mga peeps. In 3,2,1 ACTION!"

♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon