EGQ 64

3.1K 56 20
                                    

Carianne's Pov.

Napuno ng katahimikan ang bahay, tila naghahanap sila ng kasagutan kaya naghihintay sila na magkwento ako sa nangyayari.

Napabuntong hininga ako at tiningnan sila isa isa bago magsalita.

"Nung araw na kinausap ko si Dred." Pag uumpisa ko, wala namn silang reaksyon kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. "I ask him about Love-- I mean Gabriella's whereabouts. At first, he hesitated to tell me but in the end he doesn't have a choice but to spill the truth." Naalala ko pa ang pinag usapan namin nung araw na yun.

"Anong pag uusapan natin Rianne?"  Tanong sa akin ni Dred.

Tumingin lang ako sakanya at umupo bago ko sya sinagot. "You're sister, Gab"

Nagtaka ako sa reaksyon niya, bumalatay sa mukha niya ang lungkot. "W-what about her?" Tanong nito pero halos 'di na sya makatingin sa akin.

"Where is she? It's been years since we last saw her." Napansin kong parang hindi siya mapakali sa upuan niya at panay nalang ang yuko nito. "Dred look at me and answer my question. Bakit na saiyo ng kwintas niya? As far as I know, ayaw na ayaw niyang mawalay sakanya ang kuwintas na yan, ang kuwintas na kalahati nito"  Ipinakita ko sakanya ang kalahati ng kuwintas na pag aari ko. Napatingin nmn siya sa kuwintas na hawak ko at napabuntong hininga. May kinuha siya sa loob ng bulsa niya at iniabot ito sa akin.

"May 21, birthday niya" Sambit nito pagkatapos kong kunin sakanya ang kuwintas ng kapatid niya.

Naalala ko ang araw na yan taon taon, I greeted her every year through her social media accounts but nong mga nagdaang taon wala na akong reply na nakukuha sakanya pero kahit ganon hindi ko parin kinakalimutang mag greet sakanya.

"Pinuntahan ko sya sa Japan upang samahan siyang icelebrate ang birthday niya. Wala kase siyang kasama sa tinutuluyan niya, mag isa lang ito." Napatigil ito kaya nagtaka ako. "It was no doubt a splendid day for the both of us. Makita ko lang na masaya ang ate ko sa araw na yon ay okay na okay na ako. Ni wala kang makikitang iba sa mukha niya kundi purong kasiyahan lamang. I asked her many times if may problema ba syang kinakaharap dun, and without me by her side ay baka mahirapan siyang harapin kung ano man iyon, but she keep on denying" Napatingin ito sakin at ngumiti. Gusto kong magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko at naghintay nalang na magsalita itong muli.

"Wala daw syang problema kaya nmn isinawalang bahala ko nalng ang tanong kong iyon. Namasyal kaming dalawa buong araw at ginawa namin ang lahat ng gusto niyang gawin, hinde nga mawala ang mga ngiti sa mukha niya nun e" Napatawa ito. "Gabi na ng mapagdesisyonan naming umuwi sa apartment niya at mag movie marathon nalang. Ang saya nun, sabay naming pinanoud ang pelikulang pareho naming paborito."  Napatingin siya sa kuwintas na hawak ko. "Bago kami matulog ay binigay niya sa akin ang kuwintas nayan at sinabing ibigay ko raw ito sa taong may hawak ng kalahati nito o sa taong may hawak ng susi nito. Tinanong ko siyang bakit ako pa eh pwede naman ring siya nalang ang magbigay pero ningitian niya lang ako at natulog na kami ng magkayakap."  nabigla ako ng makita kong nangingilid na ang luha sa mga mata nito. "Kinabukasan ay una akong nagising, wala mn lang ka laman laman ang apartment niya"  napatawa ito ng mahina pero makikita mo pa rin ang nagbabadyang mga luha sa mga mata nito.

"Napagpasyahan kong lumabas nalang upang mamili ng mga gamit at mga sangkap sa pagluluto. Alam ko namng gustong gusto niya muling matikman ang mga luto ko kaya I kissed her forehead at lumabas, 'd ko na inabalang gisingin siya. An hour passed at bumalik na ako sa apartment niya, nagtaka ako ng hindi na nakalock ang pinto nito na inilock ko naman ito paglabas ko. Pagpasok ko ay tahimik naman ang apartment kaya naisipan kong baka nasa kwarto lang ito at natutulog pa. Pagbukas na pagbukas ko sa kwarto niya" Natigil siya at tumulo na ang mga luha nito. Nagulat ako kaya tumayo ako at tumabi sakanya at hinagod ang likod nito.

♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon