EGQ 9: Visiting MY School

11.6K 300 19
                                    

Demi's Pov.

Nandito lang kaming lima sa sala, nakatunganga..



"Hay ang boring, anong magandang gawin guys?" Ako eh sa nabobored na talaga ako dito sa bahay eh. 1 week na simula nung umuwi kami galing Korea.



"Matulog" Devon.... boring



"Magbasa" Zhyra.....boring



"Magboy hunting" Briana.....mas boring! Cassanova talga nito.




"Boring naman nyan eh" Ang panget naman ng mga sinugest nila.



"Magpakamatay ka nalang" At ang pinakamatindi ay kang Rianne.



"Grabe ka naman Rianne, gusto mo naba talagang mamatay ang iyong oh-so-cute-loving-and-caring bestfriend?" Saad ko sabay pout.



Hindi niya ko sinagot imbes naglakad na siya tas pumunta sa elevator, alangan namang mag stairs siya di kaya bukas pa yan makarating? eh sa 9th floor ang room niya ay este namin pala eh.



"San punta mo Rianne?" Tanong ni kambal, Devon.



"L.A" Sagot niya.. but what? Sa L.A? Is she serious?



"What the!? Pupunta ka ng Los Angeles eh kababalik lang natin dito last week" Sabi ko. O.A ba? Yaan niyo na cute naman ako.



"Tss, babo I'm going to MY school" Siya... Sinabihan pa ako ng stupid.
(Babo=Stupid)



"Ahh... nasa L.A pala yung school mo?" Sabi ko na may patango tango pa.



"Tss." Siya sabay lakad ulit.



"Sama kami!" Saad ko.. Sana naman pumayag to.



"Oo nga!" Pagsang ayon namn nung tatlo.



She just answer us with a nod. Kaya naman sumunod na kami sakanya papuntang elevator.



"Rianne bitch magdadala ba kami ng mga shirts?" Tanong ni Briana.



"Nope" Rianne... Baka naman may mga shirt na kami dun diba? Hay, ngayon ko lang nalaman na nasa L.A pala ang school ni Rianne.



Pagdating ko sa kwarto ko ay dali dali akong naligo. Nagsout lang ako ng Pink dress na may ribbon sa side, pinaresan ko siya ng pink na wedge shoes at ng pink headband yung may dalawang tenga..... Pagtingin ko sa salamin... Perfect!



"Ang cute ko talaga" Bulalas ko bigla.. Makababa na nga baka tapos na rin sila Rianne.



Pagbaba ko ay nandun sa sila twinny Devon, Briana at Zhyra si Rianne nalang ang kulang... Si Devon at Briana ay naka dress din samantalang si Zhyra ay naka short and off shoulder shirt lang.



*ting* (Tunog po yan ng pagbukas ng elevator)



Napatingin kami sa elevator at iniluwa nun ay isang dyosa ay este si Rianne.... Nakakatibo talaga siya. Kahit nakasout lang siya ng high waist short, crop top na may nakasulat na "Fuck Off" at ng black wedge, kahit sobrang simple lang nyan ay napaka elegante na tignan pag sya ang nagsout.



"Let's go" Rianne kaya sumunod na kami.




Pagdating namin sa labas ay bumungad kaagad sa amin ang kanyang Aston Martin One-77, ang gaganda talaga ng mga sasakyan ng babaeng to.



♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon