EGQ 37.4: 10 Rebels

7.4K 204 49
                                    

I dedicate this chapter to CuteScarLetGrace_15 dahil siya yung pinakaunang sumagot sa tanong ko sa last chapter... Salamat pala sa pagsagot! Sana magustuhan mo to! 😉


^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°

Joy's Pov. (Devon)



Hay, ang hirap palang maging waiter. Lakad dito, lakad doon. Serve dito, serve doon. Utos dito, utos doon. Aish! Di ko na alam.






"Oi girl! May nakakita raw kay Franchesca dun sa storage room. Patay na raw" Rinig kung sabi nung mga babaeng bisita






"Franchesca? Yung isa sa 10 Rebels?" Tanong nung kasama niya.






"Oo yun nga"






"Hala! Mabuti pa't umuwi na tayo, katakot na dito. Ang rami ng namatay" Sabi nung isa at umalis na sila.






Franchesca? 10 rebels? Well, baka sya yung napatay ni Baby (Briana)






"Oi Joy!" May biglang tumawag sakin.






"Oh? Cutie, bakit? San ka galing?" Tanong ko






"Dun sa backstage. May namatay daw? Sinong pumatay?" Tanong niya. Hay, di nanaman ito nakikinig.






"Oo, si Baby at pwede bang soutin mo ng maayos yang earpiece mo, kaya hindi mo naririnig yung pag uusap namin eh" Sabi ko sakanya.






"Oo na po, eto na tapos na. Happy?"  Siya






Tumango nalang ako.






"Nga pala, ilan nalang ang natira?" Siya.






"6 nalang" Ako






"Ahh" Sagot niya






Bahala na nga siya jan. Nagsimula na akong maglakad pero sinundan niya pala ako.






"San ka pupunta?" Siya.






"Maghahanap ng papatayin, sama ka?" Aya ko. Totoo yan






Gusto ko nang matapos ang gabing to, gusto ko nang umuwi!






"Ofcourse! I want to see blood" Sabi niya at ngumisi ng malademonyo.






Tss. Iba talaga tung kambal ko!






Naglakad lakad kami at hinanap ang mga target namin. Napadaan kami sa party hall at nakita namin si Angel at Sweet na nag uusap at nakaupo sa stool sa may bar counter.






"Uhmm.. Joy pwede mo ba tung ihatid tung mga drinks dun sa may pool area? May pinapagawa pa kasi saki si Marco eh" Sabi sakin ni Clara, Waiter rin. Si Marco naman ay ang head ng mga waiter.






"Ah, Sige bah" Ako at kinuha ang tray na dala niya na may tatlong lamang wine.






"Sige, Salamat talaga ah?" Siya at umalis na.






Papunta na ako sa may pool at nakasunod pa rin sa akin si Cutie, parang buntot lang.






Hindi pa man kami nakalapit ay may nakita na akong tatlong pigura. Dalawang babae at isang lalake. Yung lalake ay may katawag sa telepono.






♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon