EGQ 50: Abducted

6.6K 166 7
                                    

This chapter is dedicated to JarbellaSmith02, Hope you'll like it!

^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^


Carianne's Pov.



"Okay, thanks John. Always send me updates" Ako at ibinaba na ang tawag.






Kakatawag lang ni John sakin, isa kung tauhan na apo ni Manang Dulce at sinabi sakin na may kahinahinala rawng umaaligid sa labas ng school at may pabalik balik na puting van sa gate nito. Minsan ko na ring nakita yung van na yun na nakastambay di kalayuan sa main gate ng Lewis A.






Akala ko magiging tahimik ang paglalagi namin dito sa Pilipinas tulad ng inaasahan. Pero nagkamali ako dahil mas malaking responsibilidad pala ang naghihintay samin dito. Nabuhay kami ng mga kagrupo ko ng puro dahas, ni hindi nga kami nakakatapos ng isang araw ng walang pinapatay pero ngayong nandito kami sa Pilipinas ay nawawalan na kami ng oras para diyan.






Napansin ko ring unti unti nang nagbabago ang mga kagrupo ko which is bad. Natuto na silang makisalamuha sa iba na hindi naman nila ginagawa noon. Oo masaya ako sa progress nilang yun pero natatakot akong bumalik na naman sila sa dati, yung mga babaeng walang bilib sa sarili, palaging umiiyak at mahihina. Ako normal na sakin ang ganitong ugali, bata palang ako ganito na ako pero ang sabi nila lumala raw. Hindi ko alam na ang pagpunta namin dito sa Pilinas ang makakasira ng lahat ng pinaghirapan kung pagtrain sakanila.






Kung magbago man sila ay hindi ko nalang sila pipigilan basta't siguraduhin lang nilang hindi sila magsisisi.






Napalatak nalang ako sa aking naisip at naisipang bumaba at kumain.






Ang tahimik. Yun agad ang pumasok sa isip ko pagbaba. Wala si Devon nandun sa Master niyang si Vaile. Bumabawi ang loko dun sa mga araw na hindi niya naging slave si Devon dahil sa pag eemo niya. Dumiretso nalang ako sa kusina.






"Oh Leca, nandyan ka pala. Sakto at  nagluto ako ng adobo, gusto mong kumain?" Tumango nalang ako sa sinabi ni Manang Dulce.






Tiningnan ko ang bawat galaw niya. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng pamilya namin at parang parte na rin siya ng pamilya namin.






"Oh sya kumain ka na" Sabi niya pagkalapag ng pagkain sa harap ko. Nagsimula na akong kumain.






"Nasan sila?" Tanong ko. Nakatingiting nakatingin kasi ito sa akin. Umiling siya.






"Gagala daw sila sa mall at bibili ng gamit para sa camping" Napatango nalang ako. Wala ako sa mood sumagot.






"Leca" Napatingin ako kay Manang Dulce.






"Oh?"






Ngumiti siya. "Pupunta nga pala dito si John, matagal tagal narin kayong hindi nagkita diba?" Napatango nalang ako.






Si John, yung tumawag sakin kanina. Matagal na nga rin nung huli ko syang nakita. Hanggang tawag nalang kasi ang koneksyon namin sa isa't isa. Basta close kami noon.






"Kelan?"






"Ngayon. Paparating na siguro yun" Pagkasabi niya nun ay biglang may nagring ng bell. "Baka siya na yan" Manang at dali daling pumunta ng pinto.






♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon