EGQ 14: Xyno's P.I

10.7K 296 2
                                    

EGQ 14: Xyno's P.I (Private Island)



Xyno's Pov.

"Manang si Prince po?" Tanong ko.


"Nasa taas pa, pababa na rin yun iho" Manang


"Ah salamat po manang" Sabi ko tas umupo na rin katabi yung 3. Nandito pala kami ngayon sa bahay ni Prince sinusundo namin sya, ang aming mahal na prinsipe. Pagkatapos nito ay pupunta na kami kela Princess, alangan naman pano na ang Prinsipe kung wala ang kanyang prinsesa bwahahaha.


"Xy hindi mo naman sinabing maganda ang kapatid mo" Vaile


"Talaga! nasa lahi kaya namin ang magaganda't gwapo di ba Onyx?" Ako eh sa totoo naman eh.


"Oo naman Xy" Pagsang ayon ni Onyx.


"Pero Xy ganun ba talaga yung kapatid mo?" Dred.. huh? Anong pinagsaaabi nito?


"Huh? What do you mean" Ako


"Yung palaging naka pokerface tapos ang tipid pang magsalita." Dred


"Oo nga, she changed a lot" Dugtong ni Onyx.


"I don't know. Simula kasi nung pumunta siya ng Korea eh  wala na masyado akong balita sa mga nangyayari sakanya dun." Ako.


"Huh? Bakit naman?" Vaile


"They block all my connections with her. Bumalik lang yun nung dumating sya dito. Sinabihan nya din kasi ako na okay lang daw sya dun at wag nalang daw akong mag alala" Ako


"Bakit naman di ka bumisita dun?" Onyx na may pagtataka sa mukha.


"She didn't allow me. Sinabihan pa nga nya ako na kung pupunta daw ako dun ay papatayin niya daw ako" Ako... Totoo yun sinabihan niya talaga ko na papatayin nya talaga ako pag pumunta ako dun.


"So meaning nung pumunta tayo dun eh wala syang alam?" Dred kaya tumango lang ako.


"Eh yung isa mong kapatid Xy nasaan?" Vaile.


"Ah yung baklang yun? Nasa Korea, ang bad nga eh dahil pinayagan siyang pumunta dun tapos ako hindi" Ako tapos nag pout.


"Yuck bro yuck para kang bibe na di makatae" Vaile, may ganun ba?


"Ewan ko sayo Vaile-lot" Asar ko sakanya.


"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Gross" Siya sabay irap. Yung totoo bakla to no?


"Vaile-lot! Hi Vaile-lot!" Pang asar ko muli.


"Sabi ng wag eh" Pasigaw niyang sabi.


"Tumahimik na nga kayo" Napatingin kami sa hagdan ng may nagsalita.


"At last dumating na din ang ating mahal na prinsipe" Dred. Tumayo pa siya tapos nag bow. Ayan tuloy nabatukan ni Prince.


"Umalis na nga tayo" Prince sabay labas kaya naman sinundan na namin.


Walang isang umiimik sa amin nung patungo kami sa bahay nila Princess. Hanggang sa may nakita na kaming malaking gate kaya naman pumasok na kami.


"Xyno sure ka bang bahay to ng kapatid mo? Baka naman nagkamali lang tayo. Ang laki oh" Sabi ni Vaile.


"Oo sure na sure bahay to ni Princess!" Masaya kung saad.


"Tss. Pwede bang wag mo syang tawaging Princess?" Sabi ni Prince sa akin, sinamaan pa niya ako ng tingin.


"Aish oo na! Ikaw nalang! Ikaw nalang tumawag sakanya ng Princess!" Saad ko kaya naman mas lalong sumama yung tingin niya sa akin.


"Hihi sabi ko nga eh shut up na!" Sabi ko na may pa zipper zipper pang nalalaman.


"Oi Xy kanino galing yang bahay? Sa parents mo?" Dred


"Huh? Hindi" Ako


"Eh kanino?" Vaile


"No one. Sariling pera niya ang ginamit niya pampatayo niyan" Ako eh sa totoo naman ding sya ang nagpatayo niyan eh.


"Totoo?" Tanong nung 3. Si King walang imik lang na pinagmamasdan yung bahay.


"Eh sino ang architect? Nang ma hire ko para sa future house namin ng magiging pamilya ko" Vaile. Naks fumu future na ang gago.


"Siya lang din" Bigla namang nanlaki ang mata nila tila ba may nasabi akong hindi maganda.


"Halina't pumasok na tayo" Pagyaya ko sakanila.


Nadatnan namin sila Princess na nakaupo sa couch. Si Princess nag heheadphone  habang nakapikit. Si sungit (Briana) ay nagbabasa ng magazine. Si Demi nanonood ng Phineas and Ferbs. Si Zhyra may kung anong kinukutingting sa cellphone niya. And last si Devon na nakatunganga at parang malalim ang iniisip.


"Hi guys!" Sigaw naming 4 ecept kang Prince.


Tiningnan lang nila kami sabay sabing "Yow" nung tatlo except din ni Princess atsaka ni Zhyra.


"Let's go??" Pagkasabi ko nun ay tumayo na sila at nauna pang maglakad sa amin.


Van lang yung sinakyan namin. Nasa harap na upuan namin nakaupo ang mga babae. Walang umiimik hanggang dumating kami sa airport. Pagdting sa airport ay dali dali kaming sumakay sa private plane ko papunta dun sa isla.


"Excited na ako" Narinig kung sabi ni Demi


Katabi ko pala ngayon si Briana. Nagbunutan kasi kami bago sumakay eh.


                                 S
Princess-Prince         Ako-Briana
                                 P
Demi-Dred                 Onyx-Zhyra
                                 A
Vaile-Devon
                                 C
                                 E         


Yan yung arrangement namin.


"Hi" Sabi ko sa katabi ko. Pero tiningnan niya lang ako. Sungit talaga.


"Sungit" Bulong ko.


"Anong sinabi mo?" Siya.


"Wala! Sabi ko matutulog muna ako" Sabi ko pero inirapan lang ulit ako. Tss siguradong mahabang habang biyahe ito.
                

♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon