EGQ 56: Stay

4.5K 117 14
                                    

Carianne's Pov.


Hindi na natuloy ang camping dahil sa nangyari, pagkatapos mag imbestiga ng mga pulis at masiguradong ligtas na ang lugar ay pinauwi ang mga estudyante.








"Yan pupunta daw rito sila Win" Napangiwi ako ng marinig ang sinabi ni Bernice.








It's been 3 days mula nung nangyari yung paglusob. Hindi na muna pinapasok ang mga estudyante sa eskwela dahil baka may na trauma pa kaya to make sure ay no classes nalang, kaya heto kami busy sa pag iimbestiga kung sino ang may gawa nun kahit may ideya na ako kung sino ay kailangan ko parin makasigurado.








"Rianne, ito pala yung resulta nung dna test galing sa dugo na nakuha natin dun sa pocket knife" Kinuha ko yung papel na hawak ni Zhyra.








Muntik ko na tong makalimutan ah? Ngayon tingnan natin kung sino ka.





(A/N: Kung nakalimutan niyo po ay paki BR nalang po sa EGQ 48: Threat, yun po yung time na nahimatay si Nice at hinabol ni Rianne yung may gawa)







Napangisi ako, sabi ko na nga ba. Tsk tsk, patay ka saking babae ka.








"Hon tumawag nga pala sakin kanina si Angelo, kelan daw tayo babalik? Marami daw tayong mga pending na projects" Sabi ni Demi. Si Angelo ang bakla naming manager. Remember? We're artists at the same time models.








Napakibit balikat ako. "Kung kelan matatapos to, dun tayo babalik" sabi ko habang nakatingin pa rin sa mga papel na nasa harap ko.








"Teka hon, may hinala ka na ba kung sino ang nasa likod ng lahat ng to?" Napaangat ang tingin ko sakanya at kibit balikat na sumagot at binalik muli sa papel ang atensyon.








"Cross"








"Yan din yung hinala ko hon eh pero bakit kaya no?" Nangunot ang noo ko at napatingin sakanya.. Srsly? Playing dumb again?









"Gusto kasi nila tayong pabagsakin kaya ganun" Sabat naman ng kakambal niya.








"Pabagsakin saan?" Demi. Muntik ko ng masapo ang noo ko sa sagot ng babaitang to.








"Aray naman!" Hiyaw niya ng batukan siya ni Briana.








"Gumising ka nga! Nasan na ba yang utak mo ha? Ano ba tayo?" Sabi ni Briana rito.








Napailing nalang ako at naglakad palayo roon mukhang mahaba habang bangayan pa kasi ang mangyayari sa lugar na iyon eh, ang ingay lang.








"Tao malamang" Huling narinig ko at napalayo na ako.








Nakita ko si Zhyra na nakatutok sa computer at may tinitingnang picture. Nakita kong yun yung kuha niya dun sa "death threat" kuno para sakin.








"Anong meron dyan?" Ako. Gulat na napatingin naman siya sakin.









"I'm examining the handwriting Yan, sa totoo lang malapit na nga eh kaya tutok na tutok ako." Sabi niya at itinoun muli ang tingin sa computer niya.








"No need"








"Huh??" Nagtataka niyang tanong.. Di ko ba sila nasabihan?? Oh well, mukhang hindi nga.








♔ Extraordinary Gangster Queen♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon