Chapter 2

553 11 0
                                    

4: 30AM
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Hindi siya literal na alarm clock. Isa siyang manok, siya si Clocky. Ewan ko ba, I find her sound different from other chickens kaya ginawa ko siyang alarm clock. 😂

Agad naman akong tumayo at walang ganang bumaba sa hagdan para mag-almusal. Nadatnan ko dun si Mama at Papa na nag-aayos na para sa kanilang pagpunta sa kaniya-kaniyang trabaho. Pinagtimpla na ako ng gatas ni Papa, pinagpalaman naman ako ng tinapay ng Mama ko.

"Ma, Pa, hindi naman po ako baldado e. Migraine lang po 'yung sakit ko. Tsaka kailangan ko din po masanay na wala kayo kasi diba hindi naman po kayo hamabuhay nandiyan. Kailangan ko din masanay tumayo sa sarili kong paa habang maaga palang." Sambit ko kay Mama at Papa. Alam ko medyo nakakawalang respeto 'yun sa kanila. Pero gusto ko lang naman kasi talaga masanay at ayoko din dumagdag pa sa mga kailangan nilang asikasuhin. Tsaka diba, ipapaampon nga nila ako.

"Bakit ganiyan ka kung magsalita sa amin ng Papa mo? Wala kang respeto. Pasalamat ka nga at may magulang ka na gumagawa sa'yo niyan. 'Yung ibang bata nga, sabik na sabik sa alaga ng magulang. Tapos ikaw ganiyan?!" Singhal naman ng Mama ko sa akin na halatang nagalit sa inasta ko sa kanila.

"Gusto ko lang naman po masanay na wala kayo para pagsilbihan ako. Ayoko lang naman po dumagdag pa sa mga inaasikaso niyo. Ayoko lang naman po maging PABIGAT PA NG SOBRA." Sagot ko naman kay Mama. Diniinan ko talaga 'yung pagsabi ko ng PABIGAT PA NG SOBRA. Para naman maisip nila na baka narinig ko silang nag-uusap kagabi. Pero ano naman sa kanila kung narinig ko diba? Never naman narinig dito sa bahay namin 'yung sarili kong boses e. Kasi bata lang ako na may sakit.

Agad na akong humigop ng gatas at kumagat ng kapiraso sa pandesal. Pagtapos ay tumayo na ako at kinuha ang aking mga kakailanganin sa paliligo at pagbibihis. Nawalan ako ng gana kumain kung kaya hindi ko naubos ang inihain sa akin. Hindi naman ako usually ganun e. Parati kong inuubos pero simula nung marinig ko sila, tila nawalan na ako ng gana sa lahat.

"Cassie, bilisan mo male-late ka na. Paalis na 'yung mga kapitbahay natin na lagi mong kasabay." Sigaw naman ng Ate ko.

Natigil ang pag-iisip ko dahil sa sigaw ng kapatid ko. Bwisit talaga. Hindi na ako nag-effort pang sumagot pa sa kanya. Wala talaga akong gana. Buti nalang, hindi ko naman ka-close 'yung mga kasabay ko kaya hindi nila ako kukulitin na magsalita. Introvert kasi ako. Natatakot kasi akong mahusgahan ng ibang tao.

Natapos na ako mag-ayos at paalis na ng bahay. Sakto naman paglabas ko ng bahay ay padaan na ang mga kasabay ko. Inantay ko lang sila at agad na akong naglakad. Literal na kasabay ko lang sila maglakad. Nag-uusap sila pero ako hindi kasali at ayoko din makisali. Ako kasi 'yung tipo ng tao na takot magsalita kasi feeling ko sa tuwing magsasalita ako ay may maooffend akong tao. Kaya madalas tahimik nalang ako at sinasarili nalang ang mga gusto kong sabihin. Magsasalita lang ako kapag may recitation o kung kailangan ng presensya ko. Madalang naman kailanganin ang presensya ko e. Kasi tila hangin nga lang ako dito sa classroom namin e. Wala din kasi akong kaibigan dito. Lahat kasi sila ay may kaya, e ako? Pobre. Yagit. Dukha.

Nakarating na kami sa school at kanya-kanyang punta na sa kaniya-kaniyang room. Eto ako, habang naglalakad ay nagdadasal. Dahil first subject namin 'yung may recitation.

Sana naman masagot ko ng tama. Baka ikabagsak ko pa kapag hindi ko nasagot. Jusko. Bulong ko sa sarili ko.

Nakarating na ako sa room namin. Nakaupo na din ako at patuloy pa din na nagdadasal dahil sobrang kabado talaga ako. Time na at paniguradong parating na ang teacher namin.

"Get 1/8 piece of paper. Write your name and the date today. Then fold it into four and pass it forward." Jusko. Dumating na pala teacher namin. Wala manlang kasing pabati. Hay nako. Pero kapag sila nakasalubong mo at hindi mo binati, magagalit at sasabihan kang bastos.

Nakapagpasa na ang lahat ng papel at inilagay ito ni Sir sa isang garapon. Bilib ako dito kay Sir, kahit na hindi naman palarecite and lahat ay nakabisado niya ang mga pangalan namin. Palibhasa science teacher, matalino talaga.

"You, stand up." Turo niya sa isang kaklase ko na malapit sa akin pero ayaw nito tumayo.
Teka, bigla siyang tumingin sa akin. Sht! Ako pala. Akala ko 'yung katabi ko. Omg. Sana alam ko sagot. 😭

"I said you and I'm pointing to you. Yes, Ms. Perez stand up and answer my question." Pagbibigay niya ng instruction sa akin.

"What is the powerhouse of cell?" Pasigaw na tanong ni Sir. Tila nangwiwindang at iniisip na hindi ko masasagot kapag sumigaw siya.

"Ahm. Mitochondria." Agad ko namang sagot.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko dahil hindi naman naglesson tungkol dun si Sir at hindi 'yun ang definition na nasa book namin.

"Very good. You may now sit down and relax." Kalmado naman niyang sabi.

Nakahinga na ako ng maluwag. Salamat po Lord. Sunod-sunod naman na nagtawag si Sir. Halos madaming hindi nakasagot. Most of them are member of "spice girls" or sa ibang tawag ko "mga paganda" Puro kasi sila ayos ng kilay at kung ano-ano pero hindi naman naaayos ang pag-aaral. Tila hindi nila naiisip ang katagang "What is beauty if your brain is empty?" Nakakaawa ang mga magulang nila.

Lumipas ang oras sa school. Wala namang espesyal na nangyari. Ano pa bang aasahan ko? E isa lang naman akong patatas.

Dumating na ang oras ng uwian. Hindi ko na inantay ang mga kasabay ko. Sanay naman silang iniiwan ko minsan e. Mas gusto ko kasi 'yung mapag-isa. Masyado kasing madilim ang mundo ko at ayokong magsama pa ng iba sa dilim na tinatahak ko. Ayokong mandamay ng ibang tao sa problema ko.

Nandito ako ngayon sa isang park na malilong. Buti nalang at hindi ganun karami ang tao. Walang mga bata dito ngayon. Puro mga high school students din, may mga kasamang jowa at kaibigan. Buti pa sila naeenjoy ang buhay. Ako kaya? Siguro, kaniya-kaniyang choice 'yun no. Kung pinili mo maging malungkot, edi malulungkot ka lang talaga. Pero kung pipilitin mo ngumiti at maging masaya kahit may problema, edi sasaya ka. Sana ganun kadali para sa akin na maging masaya no. Sana katulad ko din sila. Tila malaya kahit nakakulong sa loob ng pagkatao nila.

Pagtapos ng mahigit isang oras na pagmumuni-muni napagpasyahan ko na din umuwi. Buti nalang at Sabado bukas hindi ko kailangan mag-aral ngayon. Para kasing wala ako sa kondisyon sa lahat ng bagay. Gusto ko lang mapag-isa, umupo at tumulala.

Pag-uwi ko ng bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kuwarto at nagpahinga. Bababa nalang ako kapag kakain na ng hapunan. Wala akong ganang kumain ng tanghalian. Parang puno ang tiyan ko kahit na almusal lang naman ang kinain ko.

7:30PM
Nagising ako sa yugyog ng kapatid ko. Kakain na daw kasi ng hapunan.

Tumayo naman ako at agad na bumaba. Inayos at kinondisyon ko lang ang sarili ko sa CR at agad na pumunta sa dining.

Nakakapagtaka, walang pag-uusap ngayon. Tila lahat kami ay walang gana. Ano pa nga bang aasahan ko sa buhay na meron kami? Hay.

—————————————————
Hi, guys! Come on! Vote and comment po kayo. May nagbabasa ba? Kung meron, salamat. Sana ipagpatuloy niyo ang pagbabasa. ❤️

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon