Chapter 16

216 12 0
                                    

Jho's POV
Nagising ako dahil nakarinig ako ng isang taong suka ng suka. Nilingon ko si Bea kung nasa tabi ko pa, nung nalaman kong wala na akong katabi ay agad akong bumalikwas ng tayo para puntahan agad si Bea sa CR.

"Hangover pa din? Ayan, iinom-inom kasi akala mo naman talaga kaya. 'Wag ka kasing gumaya dun sa kaibigan mong hilaw na masyadong pa-cool e nalasing din naman." Sermon ko kay Bea habang patuloy pa din siyang nagsusuka. Napaka bad influence talaga niyang Kianna na 'yan kay Bea eh. Jusko Beatriz, kung alam mo lang ginawa niyan sa parents mo for sure kakasuklaman mo 'yang kaibigan mong hilaw.

"Stop being nagger, Jho. My head really hurts. I think inaatake ako ng migraine ko. Sht!!!" Reklamo naman ni Bea habang hawak ang sintido niya.

"Kapag kasi hindi naman kaya ng katawan 'wag subukan, ikapapahamak mo 'yan." Sermon ko ulit sa kaniya. Ayoko talaga sa mga ganiyan e. Feeling kaya, e hindi naman. Jusko.

"Ginusto ko 'to Jho, diba? Ako ang may gusto nito. Can u please stop? Hindi naman ikaw ang nahihirapan e." Sagot niya sa akin sabay hawi sa akin dahilan para mapasandal ako sa pinto ng CR.

"Wow? Ayun na nga e. Hindi naman ako ang nahihirapan kaya doble 'yung hirap sa akin. Kasi wala akong magawa para mapagaan 'yang paghihirap mo." Sagot ko naman. Akala ko naman pinapakinggan pa ako pero hindi na pala. Ayun, nagtakip siya ng unan sa mata at nagtakip ng ears niya. I guess she's resting again.

Nakita ko naman na umilaw ang phone ni Bea kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

From: KKD
Hindi ako natuwa sa inasta ng bestfriend mo Beatriz, magkita tayo ngayon. Kung hindi ka magpapakita, kami ang magkikita ni Jho.

Hindi alam ni Bea na may nagtext sa kaniya. Hindi ko naman nireplyan si Kianna. Sisiguraduhin ko na hindi sila magkikita ni Bea para makipagkita siya sa akin. I'm really desperate to know the truth kung bakit niya ginugulo si Bea.

Bumaba muna ako para maghanda ng brunch namin ni Bea. Magluluto akong sopas. Soups are good for people who's sick kasi kaya I will make some. Nakikinig ako ng music while cooking then bigla 'tong nag-stop. I thought it's low batt. Someone is calling, it's unknown. Sinagot ko agad but I didn't talk.

OTP:

Caller: Let's meet in UPTC sa may parking if you want to know more about Bea. I will wait for u.

Agad kong ibinaba ang phone at binilisan kong tapusin 'yung niluluto ko. Nang matapos ko ay agad naman akong naghanda ng pamunas kay Bea. Panigurado kasing hindi makakaligo 'yun. Pumanik na ako sa kuwarto niya para linisan at pakainin siya.

"Bea? Gising ka muna diyan. Kain muna. Tas inom kang gamot after." Panggigising ko naman kay Bea.

"Jho, where's my phone? May nagtext or tumawag ba sa akin?" Tanong ni Bea. Nanlamig ako bigla sa tanong niya. Sorry, I need to lie.

"Wala naman, Bea. May gagawin ka bang importante today?" Tanong ko naman.

"Wala naman, may pasok ako pero I can't even stand." Sagot naman niya.

"Oh edi just rest. 'Wag ka muna magphone. Drink more water. Oh eto soup, kain ka muna." Sagot ko naman sa kaniya. Ayos, hindi siya aalis ngayon for sure hindi din siya makakagamit ng maayos ng phone.

"I will, Jho. Please take care of my phone muna ah." Sabi naman ni Bea.

"I will. Bea, I'll just go to UPTC after natin kumain ah. Nagke-crave kasi ako sa grilled burger e. Dun 'yung gusto ko e." Paalam ko naman sa kaniya.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon