FF ⏭
12:30 PM
After our vacation in Siargao, bumalik na kami ng Manila. Malapit na ang pasukan kaya naman sinusulit na namin ang gala.Habang nag-iiscroll ako sa FB, may umagaw ng pansin ko. Isang post about sa museum. Naalala ko si Jho, ito 'yung museum na gusto niyang puntahan pero hindi niya alam kung saan nakalocate.
Flashback...
Habang nasa room kami nakita ko si Jho na busy sa phone niya. So, nakiosyoso ako.
"Grabe ang art lover mo pala talaga no? Halos puro art laman ng gallery mo." Sabi ko.
"Oo, sobra. May gusto nga akong puntahang museum e. Kaso hindi ko alam kung saan." Sagot ni Jho.
"Hayaan mo, kapag nalaman ko kung saan 'yun, pupuntahan agad natin. Para naman ikaw ang mapasaya ko." Sagot ko naman.
Natuwa naman si Jho sa sinabi ko at excited na excited.
End of flashback...
"Jho, fetch me here dito sa bahay. May pupuntahan tayo dali." Text ko kay Jho.
"Okay, I'll be there in few minutes." Reply ni Jho.
After half an hour dumating na si Jho. Wala sila Mom & Dad kaya nilock ko ang bahay at inantay nalang si Jho sa labas.
"Saan tayo punta? Biglaan ah." Tanong ni Jho.
"Unplanned moments are the best." Sagot ko.
"Corny, Bea." Sagot ni Jho.
Ako na ang nagdrive ng kotse ni Jho kasi gusto ko siya isurprise. Marunong naman na ako magdrive. Nagpaturo ako kay Jho nung nasa Siargao kami sawa na kasi kami magswim kaya sabi ko turuan niya nalang ako magdrive. Kaya lumabas kami ng resort at nagdriving lesson. Madali akong natuto kasi magaling ang nagturo sa akin. 😎
Hindi naman ganun katagal ang biyahe dahil hindi naman malayo ang Antipolo sa Marikina. Hindi din naman ganun katraffic kasi normal day lang naman.
"Jho, we're here!" Panggigising ko kay Jho. Tulog kasi buong biyahe. Puyat na puyat e. Ewan ko diyan kung anong pinagkakaabalahan.
"Pinto Art? Sht." Tanong niya.
"Yup, diba sabi ko sa'yo kapag nakita ko at nalaman ko kung paano puntahan ay pupuntahan natin agad. Tsaka bawi ko 'to sa'yo. Ako nalang lagi 'yung nagiging masaya e. Dapat ikaw naman." Sagot ko naman.
"Halaaaa!!! Thank you, Bea. Grabe sobrang gusto ko talaga makapunta sa museum na 'to." Pasasalamat naman ni Jho.
Pumasok na kami ni Jho at agad na naglibot. Knowing Jho, hindi 'to mapapakali na libot lang ang gagawin. Bawat lakad niya basta may matripan siyang kuhaan ng picture kinukuhaan niya.
"Bea, lika nga dito." Tawag sa akin ni Jho. Tanginang 'to, ang bossy. Hahaha!
"Ano na naman?" Sagot ko.
"Umupo ka dito. Ayusin mo itsura mo." Utos na naman niya. Puta talaga.
"Wow, Jho ah. Hindi mo ako utusan, sapakin kita diyan!" Biro ko naman. 😂
Finally natapos din ang picture taking. Hay nako. Tuwang-tuwa naman si Jho sa mga nakita niya. Pero may hindi siya nagustuhan sa mga nakita niya. 😂
"Ano ba naman 'to ang bastos." Sabi ni Jho. Nagulat ako akala ko may umaaway sa kanya.
"Anyare Jho?" Gulat na tanong ko.
"Kasi naman ang bastos nung painting. Anubayan!!! Naiinis ako." Parang batang nag-iinarte amp.
"Hahaha! Jho ano ka ba? Art 'yan. Para kang highschool diyan." Sabi ko naman kay Jho.
Lumipat na siya dahil sa inis niya. Nakakatuwa talaga minsan 'to si Jho. Habang naglalakad ako may nakita akong papel. Pinulot ko at binulsa.
"Huy, Bea! Bakit may binubulsa ka diyan?" Panggulat ni Jho.
"May nakita kasi akong papel pinulot ko tapos wala akong makitang basurahan kaya binulsa ko. Be a responsible traveler kasi dapat." Sabi ko naman at naglakad.
Nalibot na namin ng buo ang museum. Mukha namang masaya si Jho maliban nalang dun sa nakita niyang painting. Hahahaha. Ang weird ni Jho minsan. Hahaha!
Habang nasa kotse kami ang daldal ni Jho. Halatang masayang-masaya siya. Gutom na siya kaya inaya niya ako kumain. Nandito kami ngayon sa Corner Cafe. Napadaan lang kami tas sabi niya dun nalang kumain. Ang gaan ng ambiance ng lugar na 'to. Nakakarelax.
"Bea, ang saya-saya ko. Salamat talaga. Akala ko hindi ko na mapupuntahan 'yung museum na 'yun. You made it possible." Sabi ni Jho habang kumakain kami.
Ang sarap sa feeling may nakakaappreciate sa akin. Ang sarap pakinggan na masaya sila dahil sa ginagawa ko. Nasanay kasi ako na problema at lungkot ang nabibigay ko kaya naman natutuwa ako kasi nakapagbigay ako ng saya sa isang tao.
"Jho, maliit na bagay lang 'yan kumpara sa mga nagawa mo para sa akin. Mas salamat sa'yo." Sagot ko kay Jho.
"Ang drama naman natin. Hahahaha! Willing ako tulungan ka sa problema mo, Bea. Willing akong tulungan kang bumangon. Alam ko 'yung pakiramdam mo kaya susubukan kong alisin 'yun." Sabi naman ni Jho. Napangiti ako sa sinabi ni Jho. Ang swerte ko kasi siya ang naging bestfriend ko. Over all package na siya. Sana hindi na siya mawala sa akin. Sana hindi niya ako iwan. Sana hindi siya magsawa.
We decided to go home. Sabi ko mag-overnight nalang siya sa bahay wala kasi sila Mom and Dad. Para kahit papaano may kasama ako bukod kay Manang.
Pagdating namin sa bahay, binuksan ni Jho 'yung ref.
"Jho, anong hinahanap mo?" Tanong ni Manang.
"Wine sana Manang. Magcecelebrate sana kami ni Bea." Sagot namab ni Jho.
"Anong icecelebrate natin Jho? Pasok ka na ba sa Drama Club?" Tanong ko. Naguguluhan kasi ako.
"Bea, belated happy 1st week of friendship! Ily!!! ❤️" Sabi niya sa akin sabay yakap. Nagulat ako kaya napayakap nalang din ako.
"What? Hahaha. Sweet mo, Jho. Ily! Thanks for everything." Sagot ko naman.
"Parang magjowa lang e no. May weeksary. Hahahaha!" Biro ko kay Jho.
"Happy Weeksary, Babe!! Iloveyou!!" Bati ni Jho sabay tawa ng malakas.
"Panindigan mo 'yan, Jhoanna ah!!" Biro ko naman. Hahahahaha!
Remember: Jokes are half meant true. Charottt! Hahahaha!
I don't know what might happen in the next days but one thing that I'm sure, I'm not going to drop this friendship.
-🍂