Chapter 25

199 6 0
                                    

I don't know where we go wrong, I know we started out alright.
It's been a week since I left Jho, since I part my way to her. I feel so alone. I need someone to save me. I don't have anybody.  Do I deserve this?

"Ma'am Bea, may bisita po kayo. Kaibigan niyo daw po." Sabi ni Manang. Buti nalang someone saved me sa anxiety kahit for awhile lang.

"Pakisabi akyat nalang po. Salamat. Padala na din pong breakfast for two." Utos ko kay Manang. Wala pa kasi ako gana bumaba kaya papapanikin ko nalang bisita ko. Hahaha.

"Ay Ma'am, andito na pala e. Tsaka siya na din ang gumawa ng breakfast." Sabi ni Manang. Hala. Anubayan? Nakakahiya naman.

"Hi, Beatriz!" Sabi naman ni Maddie. What? Hay nako. Siya 'tong broken tas ako pa iniintindi.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko naman.

"Edi pinaghandaan kang breakfast. Jusko. Baka kasi mamaya hindi ka na kumakain kakaisip mo kay Jho." Sabi naman niya. After ng walkout thingy ko last week, Maddie and I became close. Maybe because of some common denominator. Broken siya, ako naman malungkot. Gets niyo? Pareho kami naghahanap ng makakasama. Pareho kami naghahanap ng comfort. Pareho kaming naghahanap ng taong magse-save sa amin. Then, we found each other. Ahm. Wait. I mean, Maddie found me.

"Luh? Nahiya naman ako sa pagkabroken mo, Madayag." Sabi ko naman. Medyo comfortable na kami ni Maddie sa isa't isa kaya nag-aasaran na kami.

"Gago ka ah. Inaano kita? Ako na 'tong concern sa'yo tapos mananakit ka pa ng feelings ng iba. Paepal puta."  Sagot naman ni Maddie. Hahaha. Pikon amp.

Kumain na kami ni Maddie at agad na umalis. So, wala naman kaming class kaya naghiking nalang kami. Hahaha! As usual, sa Tanay. Siya ang nag-drive. Ewan ko ba dito, tila walang tiwala sa akin kapag ako nag-drive. Hindi ko naman siya ibabangga o papababain. Jusko.

Nandito kami ngayon sa Mt. Daraitan. Eto kasing si Maddie gustong mag-escape sa reality. Ganun din naman ako. Cold war kami nila Mom & Dad. Hindi ko sila kinakausap e. You may say that I'm bastos, hindi niyo kasi naiintindihan 'yung nararamdaman ko e.

"Ganda naman dito. Ang sarap mag-isip." Sabi ko kay Maddie nang makarating na kami sa tuktok.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon