Chapter 21

178 11 0
                                    

Bea's POV
"Beatriz, Mahal kita!"

That line put me in trouble. Naging center of attraction ako sa room namin.

"Uy, kayo na pala ni Jho?" Salubong ni KKD.

"Kaya pala ayaw sa akin ni Jho, kasi gusto babae." Sabi naman ni Thirdy.

Pinagtitinginan ako ng halos lahat ng kaklase ko. Hindi ako pumatol. Nanahimik lang ako. Para akong sasabog sa kahihiyan. Hindi ako bisexual o lesbian man. Straight ako, hindi ako katulad ni Jho. Kadiri. Never. Halos buong klase, alam kong iba ang tingin sa akin ng mga kaklase ko.

After ng class ko, tinawagan ko si Jho. Hindi siya sumasagot. Fck naman. I need to escape. Ang daming nagbubulungan. Nakakaparanoid. Feeling ko ako ang pinag-uusapan nila. Uggggh.

"Huy? Tulala ka diyan?" Sabi nung Head Coach namin.

"Coach?" Sagot ko naman.

"Ate Ly nalang kapag outside the court." Correct naman niya sa tawag ko sa kaniya.

"Uhm. Can I ask advice po? I'm in trouble po kasi." Sabi ko kay Ate Ly. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Alam ko naman na maiintindihan niya ako e.

"Sure, halika. Sakay ka sa car ko. Dun tayo sa condo, andun din si Loves ko e. Sabihin ko kasama kita." Sabi ni Ate Ly. I cannot. She's so kind.

"Nakakahiya naman po kay Assistant Coach, sisingit pa po ako sa inyo." Sagot ko naman.

"Hindi naman e. Hindi lang naman tayo dapat sa court nagkakaintindihan. Pwede din maging adviser mo sa lovelife." Sagot naman ni Ate Ly.

"Thanks, Ate Ly. Ang unexpected na ikaw ang makakasama ko ngayon ah. Balak ko lang sana mapag-isa kaso parang mababaliw ako kapag ganun." Sabi ko kay Ate Ly. Pinipilit kong 'wag maging awkward.

"Alam mo Bea, 'pag may problema ka 'wag mo i-isolate ang sarili mo. Talk to someone na alam mong maiintindihan ka at hindi ka huhusgahan. For example, bestfriend mo. Ganun." Sabi naman ni Ate Ly habang nagpa-park ng kotse niya.

"What if siya ang problema mo?" Sagot ko naman kay Ate Ly.

"Normal naman sa mag-bestfriend ang nag-aaway. Parang ayun ang spice sa pagsasama niyo." Sagot naman ni Ate Ly.

Napaisip ako sa sagot ni Ate Ly. Parang feeling ko tuloy ang selfish ko.

"Hi, Loves!" Bati ni Ate Den kay Ate Ly. Sabay kiss sa lips.

"Hi, Loves! Kasama ko si Bea. May problema kasi e." Sabi ni Ate Ly sa asawa niya.

"Oh tara Beatriz, pumasok na kayo. Pag-usapan natin 'yan. Buti nalang hindi tuloy ang bisita namin ni Ly." Sabi ni Ate Den.

Pinaghanda kami ng merienda ni Ate Den. Pinaghanda din niya ng damit si Ate Ly na pamalit at slipper nito na pambahay. Ang swerte naman ni Ate Ly sa asawa niya. 😭

"Bea, akala ko may problema ka?" Tanong ni Ate Den na halatang nagtataka.

"Meron nga po. Bakit niyo po natanong?" Sagot ko naman kay Ate Den.

"E bakit ka nakangiti habang nakatingin sa akin? Ang creepy mo, Beatriz ah." Sabi naman ni Ate Den. Hala, nakakahiya. Nahuli niya ako nakatingin sa kaniya. Hahahaha.

"Ang cute niyo po kasi. Ang swerte po ni Ate Ly sa inyo. Ang caring niyo po as wife." Sagot ko naman. Ate Ly, where are you na ba? Awkward ako sa asawa mo e. Ang sungit ng mukha. Parang anytime, kakagatin ako. :(

"Nako Bea, pareho lang kaming swerte. Give and take lang, balance lang kami. Ganun dapat, hindi ka pwedeng bigay ng bigay dapat may matanggap ka din." Sagot naman sa akin ni Ate Den.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" Tanong ni Ate Ly habang winawagwag ang buhok niya. Naligo kasi e. Ang lagkit daw kasi ng pakiramdam niya.

"Wala, hahahaha!" Sagot ni Ate Den.

"Teka lang, kunin ko lang merienda natin at dito na tayo sa sala mag-usap." Sabi naman ni Ate Ly.

"Bea, 'wag ka mahiya. Parang baby ka na namin ni Ly, tutal wala naman kaming anak. Ikaw nalang. Hahahaha." Sabi naman ni Ate Den. Hahaha. Kilig ako. Mabait naman pala si Ate Den. Akala ko hindi niya ako gusto e.

"Oo nga, Bea. Feel at home. Welcome ka dito anytime, 'wag lang gabi ha? Hahaha." Sabi naman ni Ate Ly kay Ate Den.

"Hoy, Loves! Pasmado bibig mo ah. Sampalin kita!" Saway naman ni Ate Den kay Ate Ly. Kaya naman eto si Ate Ly, napakamot nalang sa ulo at napatakip ng bibig.

"Tawagin mo nalang kaming Moms, Bea." Sabi ni Ate Den sa akin.

"Luh? Moms? Pati sa akin? Dads dapat." Kontra naman ni Ate Ly.

"Okay po, Moms and Dads." Sagot ko naman. Ang cute nila as a couple. Ewan ko ba kung bakit may "s" ang tawag ko sa kanila. Kakaiba din trip ng mag-asawang 'to. Hahahaha.

"So Bea, anong problema?" Open ni Ate Ly ng usapan.

"About me and Jho." Tipid naman na sagot ko sa kaniya. Nag-iba bigla aura ko. Lumungkot bigla.

"What? So, you are???" Tanong naman ni Ate Den. Napasigaw pa.

"Ano ba 'yan, Loves? 'Wag ka nga sumigaw. Natatakot 'yung bata e." Sabi naman ni Ate Ly, kaya natawa ako. Hahahaha.

"I'm gay? No, I'm not. Kaya nga po kami nag-away ni Jho dahil ganun siya." Sagot ko naman. Wait. Parang mali 'yung sagot ko dahil napakunot ang noo nung dalawa.

"It's not what you think Moms and Dads. Hindi ako against sa LGBT. Pero what she did makes me confuse." Continue ko naman ng paliwanag. Para unti- unti silang maliwanagan sa sinasabi ko.

"Eh anong problema mo?" Tanong naman ni Ate Den.

"Si Jho nga po." Sagot ko naman.

"Eh anong problema mo kay Jho?" Tanong naman ni Ate Ly.

"Hindi ko alam." Sagot ko naman. Napairap naman si Moms dun sa sagot ko.

"Mahirap mamroblema kung hindi mo alam kung anong problema." Sagot naman ni Ate Den.

"Mag-isip ka muna alone, Bea. Tas naintindihan mo na sarili mo tsaka mo ipaintindi sa amin." Sabi naman ni Ate Ly, habang hinahaplos likod ko.

"Dahil mahirap ipaintindi ang bagay na ikaw mismo sa sarili mo ay hindi mo maintindihan." Dugtong naman ni Moms.

"Salamat Moms and Dads. Ipapaintindi ko po sa inyo kapag naintindihan ko na din po sarili ko." Sagot ko naman sa kanila.

"We're here for you always, Bea. You can count on us." Sabi naman ni Dads.

Inubos na namin ang merienda namin. Napahaba na din kasi ang usapan namin. Inabot na kami ng halos maggagabi na.

"Moms, Dads, uwi na po ako ha?" Paalam ko naman sa kanila.

"Ingat ka, anak ha? Balik ka dito. Para mas madami pa tayo bonds ni Moms mo." Sabi naman ni Dads sa akin.

"Hatid ka na namin sa labas, Beatriz." Sabi naman ni Moms.

Nag-grab nalang ako pauwi. Nag-offer si Moms na ihahatid na niya ako. Hindi na ako pumayag dahil ayoko makaabala sa oras nila para sa isa't isa at sa pahinga nila.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako nila Mom and Dad. Niyakap nila ako. Uhm, ang weird naman. Hindi ko alam kung ano nangyayari.

"Hi, Bea." Bati nung babae sa akin. Familiar 'yung boses. Hindi siya si Jho.

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon