8:30 AM
Ang sarap ng tulog ko. Ang saya-saya ko. Ang sigla ng puso ko. ❤️Nagring naman bigla ang phone ko. May phone na ako, binilhan ako nila Mom and Dad. Iphone lang naman. 😂
Sino kaya 'yun? Aga-aga pa e.
Jho calling...
'Yung kunot sa noo ko biglang napalitan ng ngiti.
Ngiti muna bago sagot. Hehe.
"Hi Jho." -Bea
"Hi, Bea. Goodmorning! Baba ka na. Kain na tayo." -Jho
"Nasa baba ka lang pala tumawag ka pa. Sana kinatok mo nalang ako." -Bea
"Actually, kakatukin at papasok na nga sana ako diyan. Kaso sabi nila Tito masyado daw restricted 'yang room mo. Hindi nga daw sila nakakapasok diyan at hindi mo pinapalinis kay Manang." -Jho
Ay sht, oo nga pala. Baka isipin ni Jho masyado na akong komportable sa kaniya pero feeling ko kasi unti-unti na ako nagiging comfortable sa kanya e.
"Jho, mag-aayos lang ako at bababa na din. Bye." Hindi ko na siya inantay pang sumagot. Nag-ayos na ako sa CR at agad na bumaba.
Pagbaba ko naman ay nagulat ako dahil may laman na pagkain agad 'yung plato ko. Siguro si Mom ang naglagay nun. Ang caring talaga ni Mom.
"Ayos lang ba sa'yo 'yung mga pagkain na nilagay ni Jho sa plate mo?" Tanong ni Mom. Nagulat ako sa tanong ni Mom dahil akala ko nga si Mom ang naglagay ayun pala ay si Jho.
"Opo, Mom. Dami nga po e. Thanks, Jho!" Sagot at pagpapasalamat ko kay Jho at Mom.
"Actually Bea, ako na sana magsasandok ng pagkain mo. Kaso itong kaibigan mo makulit. Siya na daw. Makulit talaga 'yan e. Hindi magpapatalo. Kapag gusto niyang gawin, gagawin niya." narrate naman ni Mom.
"Nako Jho, hindi mo naman kailangan gawin 'yun e. Pero salamat." Hiyang sabi ko sabay subo na ng bacon.
Ghad. I'm so full. Kasalanan ni Jho 'to. Baka tumaba ako nito. Ayoko naman magtryout ng AWVT na mataba ako. Baka hindi ako makapasa. Mahirap na.
"Bea, baka matunaw ako." Pabirong sabi ni Jho.
"Ha? Ah eh, napatingin lang ako bigla." Defensive na sagot ko.
"Alam ko ako 'yung sasali ng Drama Club pero bakit parang ikaw 'yung magaling umarte? Hahaha." Birong sagot ni Jho.
Tumayo nalang ako at nag-ayos na. Mamimili kasi kami ng gamit. Ayaw kasi namin ni Jho na makipagsiksikan pa sa mga susunod na linggo kaya aagahan nalang namin mamili.
"Be, hop in. Tara na!" Tawag sa akin ni Jho. Ang englishera niya. Naiinis ako.
"Nasa Pilipinas ka Jhoanna, magtagalog ka." Sagot ko naman.
"Wow, Bea. Ikaw ba 'yan? Nakakapagjoke ka na!!! Yes!!!!!" Para namang bata kung makareact 'tong si Jho. Siguro nagulat lang siya kasi nakapagbiro na ako. Kilala kasi ako nun as a serious person at limited ang salita.
Hindi ko na siya pinansin at agad na umupo. Habang nasa biyahe kami, si Jho ang daldal. Ang daming tanong. Siguro, hindi 'to napapanisan ng laway. Gamit na gamit e. Ubod ng daldal.
"Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa buhay mo bago ka mapadpad kayla Tito Elmer." Sabi ni Jho.
Napatingin ako sa kaniya bigla. Hindi pa ako ready ispill sa kaniya. Masyadong untold 'yung story na 'yun. Ikukuwento ko din naman sa kaniya pero hindi pa sa ngayon. Kapag okay na ako, kapag hindi na ako maiiyak kapag kinuwento ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/145160077-288-k920031.jpg)