Chapter 4

307 12 1
                                    

5:30PM
Nakalipas na ang huling linggo ng pananatili ko sa bahay na kinalakihan ko. Mag-isa lang ako ngayon dito kaya malaya kong napagmasdan ang bawat sulok nito. Hindi ko maikakaila na mamimiss ko 'to. Hindi tiles ang sahig, pero laging nilalagyan ng floorwax. Nag-aagawan pa nga kami kung sinong magbubunot ng sahig e. Kasi instant exercise kapag magbubunot ka ng sahig.

Walang pintura ang mga pader pero kami? Kaming pamilya ang nagsisilbing kulay ng bahay namin pero dati lang 'yun. Nagbago kasi lahat nung magkasakit ako e. 'Yung mga ngiti namin na nagbibigay saya at kulay sa bahay? Napalitan na ng dilim at mga nakukot na noo. Grabe no? Iba ang hampas ng problema sa mga tao. Nakakapagpabago talaga ng tao ang problema.

'Yung sahig namin multi-purpose. Bakit? Kasi dining table din namin 'yun, upuan, higaan kung minsan tapos study table din minsan. Oh diba, panis! 😂

Ang dami palang masasayang alaala dito sa bahay na 'to na mahirap kalimutan. Mahirap pero kailangan. Parang pagmumove on sa ex. Mahirap sa umpisa pero kapag nasanay ka na, kaya mo na kahit wala siya.

Paalis na ako sa bahay na 'to. Paglabas ko ng pintong 'to ay iiwan ko na ang dating ako. Mamaya lang ay ibang tao na ako. Mamaya lang ay iba na ang pamilyang makakasama ko. Mamaya lang iba na ang pamumuhay ko. Mamaya lang iba na ang bahay ko. Mamaya lang iba na ang magulang ko. Mamaya lang iba na ang kuwarto. Mamaya lang ay magiging iba na ang mundo ko.

Excited ako mgayon na malungkot. Excited kasi may bago akong pamilya. Malungkot naman dahil maiiwan ko na ang pamilyang kinagisnan ko.

Aaminin ko nagsasawa na ako sa buhay namin na hikahos. Gusto ko ng asensadong buhay. Gusto ko magkaroon ng magagarang damit at gadgets. Never kasi ako nabigyan ng luho ng magulang ko e. Imbis kasi na ibili ng kung ano-ano ay inilalaan nalang sa pagkain ng pamilya. Ang hirap maging mahirap. Hindi mo alam baka bukas wala na kayong pagkain. Baka bukas wala na kayong bahay. Baka bukas hindi na kayo kumpleto.

Kahit na ganun ang sinapit kong buhay sa malapit ko na maging dating pamilya ay naging masaya ako sa kanila. Nakuha kong maging masaya kahit na walang luho. Pinaramdam nila sa akin na hindi mo kailangan ng kung ano-anong magagarang bagay para sumaya. Dahil para sa kanila at sa amin ni Ate, pamilya lang sapat na. 'Yang katagang 'yan ay babaunin ko pa din pero syempre magkakaroon na ako mg luho. Mayaman sila Tito Elmer imposible naman na hindi 'yun techy. Baka nga halos lahat ng bagong gadgets sa bansa meron na. Iba talaga kapag mayaman. 😌

Tama na ang pag-alala sa mga bagay na dapat kalimutan na, Cassie. Paano ka uusad niyan?

Lumabas na ako ng pinto. Hindi ako nag-iwan ng anumang marka sa bahay na 'to na maaaring makapagpaalala sa kanila na minsan din nila akong naging pamilya.

Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay papuntang terminal ng jeep. Sa Marikina kasi ang bahay nila Tito Elmer. Isa sa executive village sa Marikina. Parati naman ako nagpupunta sa kanila kaya alam ko na ang bahay nila pati ang daan papunta doon.

Pasado alas otso na ng makarating ako sa kanila. Buti nalang at hindi ganun katraffic kaya naman nakarating din ako agad. Pinindot ko na ang doorbell. Sht. Kinakabahan ako.

"Sino po sila? May ID po ba kayo? Kailangan po kasi ng ID bago po ipaentertain sa mga De Leon e. Nag-iingat lang po." Usisa naman nitong yaya nila. Bago kasi kaya hindi ako kilala. Wala na kasi si Ate Lisa, ayun ang kaclose ko.

"Manang, papasukin mo siya. Anak ko 'yan." Utos ni Tito Elmer.

Pinagbuksan naman ako ng gate ni Manang at tinulungan ako magbuhat ng dala ko.

Akmang magmamano ako kay Tito Elmer at Tita Det pero pinigilan nila ako. Akala ko nandidiri sila sa akin. Ayun pala ay gusto nila beso. Well, mayaman nga pala sila. I forgot. Hahaha.

"Let's have dinner na, Bea." Sabi ni Tita Det.

"Uhmm. Tita, Cassie po ang pangalan ko." Sabi ko kay Tita. Omg. Baka tarayan ako nito bigla ah.

"Simula ngayon Beatriz De Leon na ang pangalan mo, Hija. Pinapalitan ka namin ng pangalan ng Mommy mo. Gusto ko kasi kaapelyido ka namin at maipangalan namin sa iyo ang pangalan na gusto namin sana sa magiging anak namin. Ito ay kung ayos lang naman sa'yo. Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo." Mahinahon na paliwanag ni Tito Elmer.

"Ayos lang naman po, Tito. Kayo naman na po ang bago kong mga magulang e." Sabi ko naman kay Tito.

"Tawagin mo na akong Daddy, Mommy ang itawag mo kay Tita Det mo." Pagtatama naman sa akin ni Daddy.

Agad ko naman sinang-ayunan ang sinabi ni Daddy. Hindi ako sanay. Sanay kasi ako sa Mama at Papa lang e. Wala e. Mayamang pamilya ang napuntahan ko e. Kailangan ko masanay.

Natapos na ang dinner and we decided to go in our own places to rest.

Grabe ang gara ng kuwarto ko. Tila nakacustomize. Ang yaman talaga nila Daddy. Ang swerte ko naman sa pamilyang napuntahan ko. Ibang-iba sa dati kong pamilya.

Pupunta kami sa Ateneo De Manila University bukas para magpaenroll at magpareserve na ng slot. Grabe. Pangarap ko lang dati makapag-aral dun tapos magiging totoo na. Tila nananaginip ata ako. Sinampal ko ang sarili ko at narealize ko na totoo nga ang lahat ng nasa paligid ko.

Inayos ko lang saglit ang mga gamit ko. Ayoko kasi na ibang tao ang mag-ayos nun dahil private things ko ang gamit ko. Kaya gusto ko, ako lang ang mag-aayos nun.

Pagtapos ko mag-ayos ay agad na akong nagpahinga. Excited na ako magpunta sa ADMU bukas. Sana may makilala akong kakaibiganin dun. Aayusin ko ang sarili ko para magmukha talaga akong mayaman at kapantay nila.

Zzzzz

—————————————————
Hi, sa 10 readers. Salamat sa inyo. ❤️ Gusto ko sana kayo iacknowledge dito kaso hindi ko naman alam kung sino-sino kayo. Please keep on reading.💋

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon