Hindi ko ba deserve na sumaya?
Bakit kapag gusto kong sumaya pinagkakait ng mundo?
Ano bang ginawa ko?First, Jho is gay.
Second, Jho left me because of my immaturity.
Third, KKD was former ampon of my Mom and Dad.
Fourth, they all lied to me. Mom, Jho, Dad and KKD.
Fifth, I don't have anybody.I AM ALONE. Hindi naman ako literal na mag-isa. Pakiramdam ko lang mag-isa ako. Ewan ko. Depression hits me again. Axiety hits me too. Sila nalang ata ang tapat sa akin. Hahaha.
Gaano ba kahirap ingatan ang tiwala at madaming tao ang nagsasawalang-bahala?
Ang dami kong iniisip.
"Ouuuch!" Natigil ang pag-iisip ko ng matamaan ako ni Maddie ng bola. Ay sht, ngayon lang ako natauhan na nasa training pala ako.
"Halaaa. Sorry, Bea. Sinaktan din kasi kita katulad nila." Sabi ni Maddie.
"Hindi, ayos lang. Kasalanan ko." Seryosong sagot ko naman. Totoo naman kasi na kasalanan ko e. Kasi wala ako sa focus e. Kasi wala dito 'yung utak ko. Kasi kung ano-ano iniisip ko.
"Lahat muna maupo. Naiinis ako sa inyo." Sabi ni Dads. Patay! We're dead.
"Ayan, lagot kayo. Wala na kayo free buffet. Hahaha!" Pang-aasar naman ni Moms sa amin.
"Dennise, nakikiano ka pa sa mga bata e. Take everything inside the court seriously." Sabi naman ni Dads kay Moms.
Napahiya si Mom at halatang nagtampo. Kaya lumayo siya kay Dads. Medyo unreasonable naman kasi si Dads e. Dapat hindi niya dinadamay si Moms. Pareho silang coach e. Siguro, nagiging professional lang si Dads. Hay panigurado LQ 'to.
"De Leon! Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka lang. Kung ayaw mo mag-training you better go. Hindi ka kailangan ng team. May mga pwede pa naman pumalit sa'yo e." Sabi ni Dads. I'm hurt. Hahahaha. I'm stuck between holding my pride and to fight for my dreams. Pero wait, medyo parang feeling ko namaliit ako e. So, I hold my pride. Lumabas ako ng gym. Iniwan ko gym bag ko. Buti nalang wala sa loob ng gym bag ko ang car keys ko and wallet.
Hindi ko alam kung saan talaga ako papunta pero dinala ako ng isip ko sa apartment ni Jho pero hindi sa room ni Jho. Umakyat ako sa rooftop ng building ng apartment ni Jho. Malilim kasi doon at tahimik. Ayun siguro ang kailangan ko.
Ano bang nangyayari sa buhay ko? Parang wala na patutunguhan e. Nagkaleche-leche lang friendshp namin ni Jho sunod-sunod na kamalasan sa buhay ko. Ang dilim na ng buhay ko. Parang wala na akong hope na nakikita.