Chapter 5

340 15 0
                                    

6:30AM
Ang aga ko nagising. E ba't ba? Sobrang excited kaya ako. 😂 Tas perstaym ko makakasakay sa sasakyan. Ano kayang feeling? Hindi kasi ako nakakasakay dun dahil may migraine ako. Isa kasi 'yun sa nakakatrigger sa migraine ko e. Ewan ko kung ganun din sa iba. Sa akin kasi ganun e.

"Ma'am Bia, bumaba na daw po kayo. Nakahanda na po ang brikpas." Sabi ni Manang. Bisaya pala itong si Manang. Ang cute lang.

"Opo, Manang. Pababa na po." Sagot ko naman.

Agad naman akong nagpunta sa bathroom ng kuwarto ko. Magpapafresh muna ako bago bumaba. Nakakahiya kasi kung bababa ako dun na puro muta at panis  na laway tapos magulo pa buhok. Dati kasi ganun ako, NUNG MAHIRAP PA AKO.

Pagpasok ko ng banyo, nagulat ako sa nakita ko. Grabe ang daming gamit pucha. Ang daming panghilamos, mamahalin pa ang sabon. Jusko, pati toothbrush mukhang mamahalin. Shet, hindi na ako magiging bad breath. Bungi-bungi kasi ako e. Alam niyo naman, anak mahirap e. Hahaha. Pangarap ko nga mapaayos 'to e. Kaso matagal pa 'yun, wala pa akong pera.

"Bea, let's have breakfast na. Hurry up, Darling!" Tawag naman sa akin ni Mommy Det.

Binilisan ko na ang paliligo at pag-aayos sa sarili. May mga make up din dito. Shet. Talagang pinaghandaan nila ang pagdating ko ah. Buti nalang at naalala kong kakain pa pala kami so mamaya na ako mag-aayos ng mukha. Magme-make up ako kahit simple lang. Syempre, para kunwari natural na ganda. Actually, hindi naman ako pangit, sakto lang ganun. Nakapagsuklay na ako at napagdesisyunan ko na bumaba. Kumakalam na din kasi ang sikmura ko.

Ang daming pagkain. Hindi ko alam kung anong kakainin ko, gusto ko kasi tikman lahat e. Hahaha! PG ako, sorry naman. Ngayon ko lang kasi matitikman 'yung mga ganitong pagkain e.

Hindi ko alam kung saan ako uupo. Ang dami kasing upuan e. E halos 5 lang naman kami dito. Ako, Daddy, Mommy, Yaya at 'yung driver namin na minsan umuuwi pa sa kanila. Ay nako kapag talaga mayayaman madalas sobra nag gamit. Madami kasing pambili e. 😂

"Hija, sit here." Sabi ni Mommy Det.

"What do you want to eat?" Tanong ni Daddy.

Jusko. Hindi ko alam isasagot ko. Hindi dahil sa hindi ako marunong mag-english ah. Marunong ko. 95 nga grade ko dun e. Sadyang patay gutom ako at hindi ko alam ang kakainin ko. 😥

Sinandok na sa akin ni Daddy halos lahat ng nasa hapag. Pinapataba ata nila ako. Ang payat ko kasi tapos ang tangkad. Tila toothpick amp. 😂

Natapos na kami kumain. Pinag-ayos na ako ulit ng parents ko para daw makaalis na kami. Akala ko naman mag-eenroll lang ako ayun pala ay magpapalista din para sa tryout ng Ateneo Lady Eagles sa volleyball. Grabe, parang biglang taas ng estado ko. Shet.

Teka nabanggit ko na ba na marunong akong maglaro ng volleyball? Eh, hindi niyo natatanong may skill ako sa paglalaro nun. Isa sa advantage ko ang body built ko. Matanggad kasi ako at mahahaba ang braso. Sabi nga ng mga nakaraang PE Teachers ko ay may potential daw akong maging blocker sa volleyball. Wala naman akong balak ipursue 'yun, pero mukhang ipupursue ata ako nila Tito Elmer dahil balak nga nila ako sa Ateneo pag-aralin. Siguro gusto din nila na matuto ako makipasalamuha sa iba. Tsaka para matuto akong magsalita, parati kasi akong takot magsalita kaya 'yung opinion ko never mavoice out.

Mabilis akong natapos mag-ayos at umalis na din kami. Mabuti at walang traffic kung kaya naman nakarating kami agad. Hindi naman ganun karaming tao. Siguro, sobrang mahal talaga ng tuition dito kaya onting pamilya lang ang may afford. Sabihin ko kaya na 'wag nalang ako dito ipaenroll? Teka. Ahm...

"Dad, Mom, teka lang po." Pagtapos ko 'to sabihin ay agad naman silang napatigil sa paglalakad.

"Bakit?!"
"Inatake ka ba ng migraine mo?"
"Tawag tayong ambulance."
Sunod-sunod na sabi ni Daddy.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon