Chapter 7

300 14 2
                                    

5:30AM

"Bea, wake up." Sabi nung boses na nanggigising sa akin. Agad akong dumilat para alamin kung sino 'yun. Familiar 'yung scent, parang si Jho.

"Kanina pa kita ginigising. Ang tagal mo gumising. Kakainis." Iritang sabi ni Jho.
Ayan! Diyan ako naiinis sa kanya. Masyadong apurado. Masyadong sinasabuhay 'yung time is gold. Mabagal ako kumilos tapos siya mabilis kaya madalas mairita sa akin kasi lagi siya nag-aantay. Girly siya pero mabilis siya kumilos. Ako, plain pero pagong kumilos.

"Jho, Bea, baba na. Breakfast is ready. Ibaba niyo na gamit niyo." Tawag naman ni Mom.

"We'll be there in few minutes, Mom." Sagot ko. Nagulat naman ako kasi pinanlalakihan ako ng mata ni Jho.

"Problema mo, Maraguinot?" Tanong ko. Hindi ako sinasagot. Naglakad paikot-ikot sa akin na akala mo may iniimbestigahan.

"Anong paborito kong kulay?!" Tanong niya na parang imbestigador.

"Yellow." Plain kong sagot.

"Asan si Bea? 'Yung totoong Bea. Hindi ka si Bea." Sagot niya.

"Jhoanna, baliw ka na. Dahil lang nag-english ako e. Tsk. Bilib ka agad." Mahangin kong sabi sa kanya.

Aba tinalikuran lang ako. Bwisit na 'to. Hahaha. Gutom na siguro. Umakyat na kasi dito sa kuwarto ko 'yung amoy nung hotdog. Paborito nun 'yun kainin e.

Mabilis lang kaming kumain para makaalis na kami agad. Kanya-kanya kaming bitbit ng dalahin namin. 3 maleta dala ko. Jusko. Bwisit talaga e. Dami kong dala.

Habang nasa biyahe tahimik lang ang lahat. Paano ba naman mga tulog. Aga kasi namin gumising e. Hindi naman daw matagal ang biyahe sabi ni Dad.

After an hour...

"My, Dy, Jho, dito na tayo." Panggigising ko sa kanila.

Nagpunta na kami sa kaniya-kaniyang room. Binilisan ko maglakad dahil ang dami kong dala. Pagdating ko sa room ko, nilock ko agad. Mahihiga na sana ako nang may biglang kumatok. Padabog kong binuksan ang pinto. Pagbukas ko...

"Ayaw mo ako kasama sa room?" Sabi niya habang nakasimangot at hingal na hingal. Shet. Nakalimutan ko magkasama nga pala kami ni Jho sa iisang room.

"Sorry. Nagmamadali kasi ako. Ang dami kong dala. Ang bibigat pa." Angal ko naman.

Pumasok na siya at nag-ayos na kami ng gamit. Maya-maya lang ay bababa na kami para kumain. Medyo gutom na nga ako e. Minadali kasi kami kumain kanina e.

"Jho, bakit ka tahimik?" Tanong ko.

"Gutom na ako e. Hahahaha!" Sagot niya. Hays baliw talaga.

"Tara na. Nagtext na si Mom. Kakain na daw." Aya ko sa kaniya.

Bumaba na kami agad. Mabilis naman kami natapos ni Jho dahil excited na kami pumunta sa beach. Pumanik kami sa room namin at nagpalit ng damit.

Nang makapagpalit na kami ay bumaba na kami agad dahil nag-aantay na sa amin sina Mom. Pagbaba namin ay gulat na gulat naman si Dad sa nakita niyang itsura ko.

"Sexy naman, Bea ko." Pang-aasar at compliment ni Dad.

"Well, mana sa'yo Dad!" Sagot ko naman.

Nagpunta na kami sa beach.

"Bea, papicture tayo. #friendship goals daliiii!" Excited na aya ni Jho.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon