Chapter 27

207 7 0
                                    

Bea's POV
Nadatnan ko si Maddie na nakatulala. Nakatingin siya sa phone niya. Pagtingin ko, nakatingin siya sa picture nila ni Zoey. What have u done, Zoey? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Humanda ka kapag nagkatapat tayo.

"Maddie, kain ka muna. Hindi mo manlang ginalaw mga pagkain na hinanda ko for u. Tatampo ako sige." Sabi ko naman. Parang lambing ganun para mapakain ko siya.

"Sorry. Hindi kasi ako sanay na kumakain ng walang kasabay e." Sabi naman niya at nagsimula na naman siyang umiyak. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Naiisip ko si Jho. Ganito din siguro siya. Sino kayang kasama niya ngayon? Kumakain ba siya ng maayos? Nakakatulog kaya siya ng maayos? How's acads kaya? Sana she's doing well.

"Bea, have u seen Jho?" Tanong ni Maddie. As much as I want to deny, parang kung sumagot ng bibig ko.

"Yes, inabangan niya ako sa labas ng room ko. Inaaya niya ako makipag-usap." Sagot ko naman.

"Oh eh why are u here?" Tanong naman ni Maddie.

"Kasi u need me." Sagot ko naman.

"Please, puntahan mo si Jho. Don't let her feel unwanted. Alam ko ang pakiramdam ng maghabol tapos wala naman balak magpahabol nung hinahabol mo." Sabi naman ni Maddie. Oh Maddie, para kang boses ni Jho.

"Paano ka?" Tanong ko naman. Ayaw ko siyang iwan kasi alam kong kailangan niya ng kasama.

"I can handle myself." Sagot naman ni Maddie. She's indeed a strong girl.

"Hindi ko alam kung nasaan siya." Sagot ko naman.

"Wait. Tatawagan ko." Sabi ni Maddie.

So ayun nga, tinawagan nga ni Maddie. Nga pala, hindi ko pa nalalaman kung paano naging magkakilala si Jho at Maddie ah. Hindi din naman kasi kinukwento ni Maddie.

"Nasa UPTC. Sabi ko magkita kami doon." Sabi naman ni Maddie.

"Sure ka okay ka lang?" Tanong ko naman.

"Oo, go na. Be with Jho na." Sagot naman ni Maddie.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon