Chapter 12

218 10 0
                                    

Bea's POV
Nakatulugan ko na si Jho. Ayoko na kasi makipagbangayan sa kaniya. Puro siya Thirdy, edi dun na siya sa bestfriend niya.

Hindi naman ako nagseselos dun sa Thirdy na 'yun. Naiinis lang ako kasi pinapamukha niya lagi na nauna siya kay Jho.

"Hi, Beaaaaa! Breakfast is ready!" Natigil ang pag-iisip ko dahil sa sigaw ni Jho. Ang aga naman magising nitong babaeng 'to.

"Jho, ang aga-aga ang ingay mo." Sabi ko naman kay Jho sabay bangon.

"Ang aga-aga ang sungit mo sa akin. Pinagluto pa naman kita ng breakfast." Sabi ni Jho.

"Nako, tampo naman agad 'tong kaibigan ko. Sige na, kain na tayo sa baba. May tryout pa ako e." Sagot ko naman kay Jho.

"Ay, oo nga pala no. Manood ako ah. Sunod nalang ako. May kasabay ka naman pumasok e. Sasama ko nalang si Thirdy." Sagot naman ni Jho sa akin.

Bumaba na kami at kumain. Grabe, busog na busog ako. Buti nalang medyo maglalakad pa kami bago makarating sa Blue Eagle Gym. Dun kasi 'yung tryout namin e.

Pagtapos kong kumain ay naligo na ako. Malapit na kasi dumating si KKD e. Nakakahiya naman kung pag-aantayin ko pa.

*beep beep*

"Sino ba 'yun? Sabi ko kay Thirdy 'wag na magdala ng kotse dahil tinatamad ako magdrive e." Sabi ni Jho. Siya kasi ang lumabas. Bida-bida e. Akala mo naman siya ang pakay. Hinayaan ko nalang siya at kinuha ko na ang gamit ko para sumunod na kay Jho.

"Hi, KKD." Bati ko naman kay KKD.

"BDL, tara na! Baka malate na tayo." Tawag sa akin ni KKD. Kaya naman nagwave na ako kay Jho. Luh? Tinalikuran lang ako. Parang tanga lang. Bahala nga siya diyan.

"Ayun ba 'yung bestfriend mong si Jho?" Tanong ni KKD habang nagdadrive. Hindi naman matraffic, sadyang madaldal lang talaga siya.

"Ah, oo. Pasensiya ka na sa attitude niya ah." Apologize ko naman kay KKD dahil sa pag-approach ni Jho kanina sa kaniya.

"Gaano mo na katagal----" Putol na salita ni KKD kasi biglang nagring ang phone ko.

Jhoanna calling...

Sinagot ko naman agad.

"Hoy, Beatriz!" Sigaw ni Jho.

"Oh bakit ka sumisigaw?" Tanong ko naman.

"Puntahan ka namin ni Thirdy sa tryout niyo." Sabi ni Jho.

"Sige. Sige. Text me nalang kapag malapit na kayo." Sabi ko naman then binaba ko na 'yung phone.

"Si Jho 'yun?" Tanong ni KKD.

"Ah, oo. Manonood daw sila ng tryout e." Sagot ko naman sa kaniya.

"Ha?! What?! It can't be!!" Sigaw ni KKD. Muntik pa siya makabangga. Ang OA naman ng reaction niya.

"Huy, okay ka lang? Bakit ganun reaction mo?" Tanong ko naman.

"Ah, eh, oo. Ano, sino ba kasama ni Jho?" Utal-utal naman niyang sagot sa akin.

"Si Thirdy, 'yung isa pa niyang kaibigan." Tinignan ko siya habang sinasabi ang sagot ko. Halatang may iba sa reaction niya. Pinaghalong gulat at kaba.

"Sabihin mo bawal manood." Sabi niya sa akin. So, tinext ko agad si Jho na bawal daw manood.

"Ay ganun, sige. Naitext ko naman na agad kay Jho." Sagot ko naman sa kaniya.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon