Chapter 9

254 11 0
                                    

9:30AM
So, we're going to Ateneo today. Ngayon na kasi 'yung pag-audition ni Jho sa Drama Club and I want to support her. As a bestfriend, gusto ko sinusuportahan namin ang isa't isa.

Habang naglalakad Jho was so nervous. Kinakabahan din ako para sa kanya pero alam kong kayang-kaya naman niya 'yun e. Magaling umarte 'yun. Bilib nga ako dun e. Hindi ako magaling dun pero sabi niya kaya ko naman daw umarte.

"Bea, kinakabahan ako." Sabi ni Jho. Nammumutla na siya at nanginginig ang kamay.

"Jho, I got your back always!" Sabi ko naman. I tapped her head.

Nandito na kami sa auditorium kung saan gaganapin ang audition.

"Hala! Open 'to, edi madaming makakarinig tsaka makakakita sa akin? Ayoko na. Tara na. Hindi pa naman ako tinatawag e." Sabi ni Jho sabay tayo da kinakaupuan niya.

"Jhoanna Maraguinot, please come to stage." Sabi nung facilitator.

"Jho, ikaw na. Bilis. Kaya mo 'yan. I got u!!!" Niyakap ko siya. Naghug back naman siya.

"Hindi ko alam kung alin ang tanga, 'yung nagmamahal ng taong may mahal na iba o 'yung taong nagmamahal ng iba kahit naman alam nilang may mas karapat-dapat sa pagmamahal nila." Ayan 'yung line na inarte ni Jho. Inarte niya ng masaya, malungkot, galit at takot.

Tapos na siya mag-audition. Niyakap niya ako pagbaba ng stage.

"Bea, baka hindi ako matanggap. Hindi ako magaling. Hays. Pinahiya ko lang sarili ko. Tara na. 'Wag na tayo mag-antay ng result. Panigurado namang wala ako dun e." Sabi ni Jho na halatang malungkot.

"The qualified applicants will be posted in our FB page later. Thanks to those students who tried to be part of our Drama Club!" Sabi nung facilitator.

Jho looked at me. Nakikita ko sa mata niya na she's so hopeless. I believe in her, alam kong kaya niya. I need to do something.

"Jho, kapag may dumaan na lalaki tas kumaway sa akin ibig sabihin pasok ka sa drama club." Sabi ko naman. Patay ako kapag walang dumaan. Lalong malulungkot 'yun. Hays.

"Bea!!! Bea!!! Kinakawayan ka nung lalaki oh!" Sigaw ni Jho.

"Are u Bea?" Tanong nung lalaki.

"Uhm, yes. Why?" Tanong ko dun sa lalaki.

"Uy, Jho! Kasama mo pala 'tong magandang babaeng 'to e." Sabi nung lalaki.

"Excuse me? Magkakilala pala kayo e. Bakit hindi nalang kayo ang mag-usap?" Sagot ko naman. Sungit ko no? Hindi kasi ganun kalapit ang loob ko sa mga lalaki.

"Sungit mo naman, Bea. Kaibigan ko 'yan." Sabi ni Jho. Nahiya tuloy ako bigla kay Jho. Ang rude kasi ng inakto ko dun sa friend niya.

"Sorry, Jho. Btw, what's your name?" Apologize ko naman kay Jho.

"Thirdy Ravena, Thirds for short. Finally, nameet na din kita. Nakukuwento ka sa akin ni Jho sa text e. Hindi na kasi kami gaano nagkikita dahil lagi kayo may lakad. Hindi ako makasingit e. Hahaha!" Introduce naman ni Thirdy sa sarili niya. Teka, sinisisi ata niya ako dahil hindi na siya nakakasama ni Jho ah. Or should I say na sinisisi niya ako dahil hindi siya makaporma kay Jho. Nako, babantayan ko 'tong si Jho. Kahit na sabihing matagal na silang magkaibigan niyang Thirdy na 'yan wala pa akong tiwala diyan.

"Hmm. Lunch date nalang tayong tatlo. Para naman magkasama kayo." Offer ko naman. Thirds and Jho agreed about what I said.

May car si Thirdy so since nagpapakagentleman naman siya, pinagdrive niya kami. 'Yung car ni Jho ay iniwan muna namin sa Ateneo dahil safe naman doon at tutunog naman 'yun kapag may nag-attempt na buksan 'yun without the use of right keys.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon