Bea's POV
Jho is really acting weird.First, she talked to me about KKD and she's so exaggerated kung magsalita. Parang there's something that I should know but KKD interrupted her. I don't really know. X_X
Second, she's digging something dun sa may gate near our mailbox. She's finding CCTV daw. Who the heck will put CCTV in that place? Ano 'yun para sakop lahat? Weird.
Third, she asked me about accessory ni KKD. Myghad. She's insane.
Btw, nag-aayos na kami para sa night life later with KKD. Hindi ko natanong kung sino pa kasama e. I already texted Mom and Dad about it and pumayag naman siya. Nung una ayaw pa nga e kasi I'm not like that naman daw so 'wag ko daw pilitin sarili ko.
Si Jho nasa CR. Nauna na kasi ako maligo, mabagal kasi ako mag-ayos. Suot ko ngayon, hmm. Usual na panglakad lang. Cropped pants and crop top na sando tas sneakers. Simple lang naman kasi ako. Tas nilugay ko nalang buhok ko.
Natapos na maligo si Jho, nakabihis na din siya.
"Jho, sneakers ka din?" Gulat na tanong ko. Ayaw kasi nun ng shoes, laging nakasandals na may heels.
"Oo, para mabilis makatakbo. Mahirap na. Ang panganib pa naman nandiyan lang." sagot naman ni Jho. Pinagsasasabi nito?
"Weird mo Jho." Sagot ko naman.
"Ganun talaga kapag alam mo ang totoo. Kapag ikaw lang ang may alam ng totoo." Sagot naman niya. Hay nako, ewan ko ba dito.
"Jho, Bea, andiyan na ang sundo niyo." Sigaw ni Manang sa baba.
"Jho, bilisan mo ah. Nandiyan na si KKD. Sabi ko kasi hindi tayo familiar sa Waltus kaya sabi niya sabay nalang daw tayo sa kaniya. 'Wag ka na magdala ng car." Sabi ko sa kaniya.
"What?! Magdadala akong car at sa akin ka sasakay, hindi kay Kianna. Kailangan mo mag-ingat, Bea." Sagot naman niya sa akin.
"Creepy mo naman, Jho. Para tuloy may nagbabalak ng masama sa akin." Sagot ko naman.
Bumaba na si Jho at sumunod na ako. Napapaisip na ako sa mga sinasabi ni Jho. Gusto ko siyang paniwalaan pero si KKD kaya 'yun? Hindi maaari. Close friends kami and we made a deal.
Flashback...
"I told everything about you, KKD. Don't break my trust. Ayokong lumabas ang mga tungkol sa akin." Sabi ko kay KKD.
"I won't but stay with me. Lagi kang sasabay sa akin whenever we have training at lagi kitang ihahatid sa bahay niyo. Don't worry, wala akong gusto sa'yo." Sabi naman niya. Actually, ang weird. Diba dapat siya ang bantayan ko kasi siya ang may alam tungkol sa akin? Pero bakit ako ang binabantayan niya?
"Pakilala kita kayla Mom and Dad para naman hindi sila magugulat kapag hindi si Jho ang kasabay ko." Sabi ko naman.
"Hindi! Hindi mo ako pwedeng ipakilala. Ayoko." Sigaw niyang sagot sa akin. What? Ayaw niya? E ayun nga ang dream ng mga kaibigan e. 'Yung makilala 'yung magulang ng kaibigan nila at makaclose.
"Okay, ikaw bahala." Sagot ko naman.
"Bea, we made a deal. You will do everything I want para hindi ma-spill ang secret mo. One wrong move at sasabog lahat 'to." Banta ni KKD sa akin.
End of flashback...
"Bea, tulala ka. Sumakay ka na!" Sigaw sa akin ni Jho.
"Ay, hahaha. Saan na si KKD?" Tanong ko naman.
"Sabi ko convoy nalang. May kotse naman ako." Sagot ni Jho.