Bea's POV
Mas nauna ako magising kaysa kay Jho kaya pinaghanda ko siya ng favorite niyang breakfast-pancakes with cheese. Buti nalang kahit papaano marunong ako magluto. Tsaka madali lang naman magluto ng pancake. Para ka lang nagluto ng itlog.After an hour of preparation ay natapos din ako. Pinanik ko na sa kuwarto namin ni Jho dahil may mini dining set naman ako dun. Inayos ko para paggising ni Jho ay ready na. Naligo na din ako para paggising ni Jho, kakain at maliligo nalang siya. Aalis kami ngayon e. Gusto ko sa tahimik na lugar kami mag-usap. 'Yung kami lang ang tao. Wala naman kaming pasok both so okay lang na gumala kami.
Paglabas ko ng CR, nakita ko naman si Jho na pupungas-pungas ang mata. Hays. Magang-maga ang mata niya. :(
Hindi niya pa ako napapansin dahil nakatalikod siya sa akin. Napansin niya agad 'yung mini dining kaya kinuha niya agad ang cup ng milk niya. Nilagyan ko 'yun ng sticky note. I want to make bawi kasi sa kaniya.
"Thanks for caring, Beh." Sabi ni Jho. Binasa niya kasi 'yung nakadikit sa cup niya.
"Corny pero romantic ah." Pabulong naman niyang sabi.
"Goodmorning, Beh." Panggugulat ko naman sa kaniya.
"Ay palakang sweet." Sigaw naman niya sa akin.
"Sweet ako pero I'm not a frog naman Jho." Sabi ko naman sabay pout.
"Tsaka kung palaka ka man, ang cute mo namang palaka." Sabi naman ni Jho.
Aaminin ko, after the incident na nangyari about sa amin ni Kianna Jho and I became sweet and vocal about sa isa't isa. Like, we can say our appreciation to each other ganun.
"Nako. Kumain ka na nga diyan, Beh." Sabi ko naman sabay lagay ng pancake sa plato niya.
"Why are u calling me Beh ba? Ang bilis mo masyado Beatriz ah. Hahaha joke!" Sabi ni Jho. Actually Jho, mas mabilis ka e. Hahahaha. Joke.
"Beh stands for the shortcut of BEH-stfriend. Hahaha." Sagot ko naman. It seems like she's disappointed. Oww, ang assuming ko.
Tahimik na kami kumain. Medyo matagal kami kumain dahil gutom kami. Hindi na kasi kami nakakain ng maayos ng dinner kagabi dahil we're both tired. Kaya kaunting subo lang tapos busog na. Tas we rest na.
"Jho, take a bath na. Aalis tayo. We'll go to Tanay." Sabi ko naman.
"We have so many things to talk about, Bea. We don't have time for gala." Sagot naman niya sa akin. Hays, Jho talaga.
"Dun tayo mag-uusap. Relaxing kasi ang ambiance doon. Wala naman tayong pasok ngayon at bukas e. I already talked to Mom and Dad about my plan naman and they're okay with it." Explain ko naman.
"Okay? I'll take a bath lang. Ready mo na mga dadalhin lalo na foods." Sabi naman niya bago tuluyang pumasok ng CR. Nako talaga 'tong si Jho.
Habang naliligo siya, inayos ko na ang gamit ko. After naman nun, inayos ko ang foods. Lastly, 'yung mga gamit niya. Balak ko kasi mag-overnight sa hotel doon. Hassle kasi kung uuwi pa kami ng gabi. Delikado.
After maligo ni Jho ay umalis na din kami. Tahimik lang kami sa biyahe. I told Jho kasi to sleep muna. Kulang pa kasi ang pahinga niya and mapapagod kasi siya later sa gagawin namin. Syempre, aakyat kami ng bundok. Nakakapagod 'yun. Hahaha!
After almost 3 hours ay nakarating na din kami. Inayos ko muna ang mga dapat bayaran bago ko ginising si Jho. Pinadala ko sa kaniya ang gamit niya. Magaan lang naman 'yun, isang back pack lang. After that, inorient na kami about sa gagawin naming pag-akyat. May tour guide kaming kasama kasi baka daw maligaw kami. Btw, we're here at Treasure's Mountain. Nakita ko kasi 'to sa FB last month. Ngayon lang napuntahan dahil ngayon lang nagkaroon ng perfect timing.