Jhoanna's POV
Maaga ako gumising para paghanda si Beatriz ng almusal niya kasi nga may kasalanan ako sa kaniya. Maaga kasi siya ngayon dahil may tryout siya. Manonood kami ni Thirdy. Sabay kami kumain ni Bea. Buti nga ang dami niyang nakain e. Ang payat kasi e. Parang hindi pinapakain.Pagtapos niya kumain ay kinuha na niya ang mga gamit niya dahil baka dumating na daw si KKD. Si KKD ay 'yung bagong kaibigan niya. Bilis nga nilang maging close e. Parang may isang bagay na nagdudugtong sa kanila. Kung ano man 'yun, hindi ko pa alam. Dahil sa tuwing nag-uusap kami ni Bea tungkol sa kaniya ay parang tikom ang bibig niya.
Dumating na ang kasabay ni Bea. Ako muna ang sumalubong kasi pababa palang ng hagdan si Bea. Tinignan ko mula ulo hanggang paa si KKD. Alam ko masama 'yun pero kinikilatis ko lang. Hindi ko siya feel. Hindi ko alam kung bakit.
Bumaba na si Bea nagwave na siya sa akin pero tinalikuran ko na siya. Ay, shoot. Hindi ko pa pala nasasabi na manonood kami ni Thirdy. Panigurado kasi matutuwa 'yun e. Text ko nga muna.
One text message...
From: Beatriz
Jho, bawal daw manood e. Sorry.Luh? Corny naman. Edi bawal. Hindi ko nalang siya nireplyan dahil nainis talaga ako. Hay nako, buti nalang andiyan palagi si Thirdy para sumalo sa akin sa mga ganitong sitwasyon.
Nag-ayos na ako at nagpunta na sa Ateneo para makipagkita na kay Thirdy. Same kami ng class. Buti morning shift lang kami ngayon. Wala ako sa mood e.
"Aga-aga nakasimangot ka diyan. Hindi kayo sabay ni Bealoves mo no?" Tanong naman ni Thirdy.
"Aga-aga nambibwisit ka. Tsaka anong Bealoves? Kaibigan ko 'yun. Malisyoso." Sabi ko naman sabay irap.
"Sungit naman. Tara punta na tayo BEG. Baka magstart na tryout ng Bealoves mo. Mamaya madami na chicks 'yun dun agad." Hindi ata ako titigilan nito ni Thirdy hangga't hindi ko nasasapak e.
"Alam mo, kung puro pang-iinis ang gagawin mo bahala ka na. Papasok na ako mag-isa." Sigaw ko sabay lakad ng mabilis. Fck naman. History pa class ko ngayon. Bullsht. Ang boring.
Nagstart na ang class ko at wala pa din akong presence of mind. Naiisip ko mga sinasabi ni Thirdy kanina. 'Yung about kay Bea. Baka daw may chicks na siya doon. Sino? Si Kianna? Maputi lang 'yun pero maganda din naman ako. Lamang lang siya ng 5 na ligo. Hays.
Sa loob ng 3 hours ko sa History Class wala manlang pumasok sa utak ko. Magsesend naman ng PPT sa group chat namin e. Magseself study nalang ako. Strong independent woman kaya ako.
After ng class ko pumunta akong BEG kaso wala na tao. Kaya nagdecide nalang ako dumiretso kay Bea. I mean sa bahay ni Bea. Wala kasi 'yun class ngayon, for sure nandun lang 'yun sa kuwarto niya.
Pagdating ko sa kanto ng street nila Bea may natanaw akong kotse. And wait? Si Kianna ata 'yung sakay nun. Bakit niya pinipicturan bahay ni Bea? Bakit may sineset-up siyang mini CCTV? Sabi na e. Hindi talaga maganda kutob ko dito sa babaeng 'to. Teka, may kakausapin siya sa phone.
"Nakabit ko na. Mamamanmanan ko na kilos ng mga De Leon pati na din ni Jhoanna. Masasagawa na natin ang balak natin." Sabi ni Kianna sa kausap niya. Pagkababa niya ng phone ay umarte ako na kakarating ko lang. Bago pa siya makatingin sa akin ay sinigurado ko na bukas ang engine pati ang lights ng car ko.
"Jhoanna?" Biglang harap naman niya. Halatang gulat na gulat siya na nasa harapan niya ako. Hindi naman ako nagpahalata na hindi ako nagulat na nakita ko siya.