Chapter 11

212 10 0
                                    

Jho's POV
Sa room ako ni Bea matutulog ngayon. Nirequest ko kasi 'to kay Tito at Tita. May nagawa kasi ako kay Bea. I want to say sorry sana sa kaniya. Kaso hindi niya ako pinapansin mula kanina nung maghiwalay kami sa school nung dumating si Thirdy.

Flashback...

"Jho, anyare kay Bea?" Tanong ni Thirdy.

"Malay ko dun. Tara na malelate na tayo." Sagot ko kay Thirdy.

Sobrang nabadtrip kasi ako kay Bea kasi ang tagal niya kumilos. Hindi ko tuloy manlang natanong kung saan ba room niya. Hays.

Naglakad na kami ni Thirdy papunta sa room namin and I saw Bea. May kausap siyang babae. Parang close na close sila.

"Si Bea ba 'yun?" Tanong ni Thirdy.

"Ah, oo ata. Ewan. Tara na." Irita kong sagot.

Ang shunga ko kasi e. Kung ano-ano sinasabi ko kay Bea. May bago na tuloy kaibigan. Hays. Hindi ko naman sinasadya.

Dismissal na ni Bea, aayain ko siya maglate lunch. Panigurado gutom na 'yun. Ayan na si Bea. Teka may kasama na siyang iba. Okay, close talaga sila. Tumikod ako para hindi ako makita ni Bea. Sinundan ko sila. Nakita ko sumakay si Bea dun sa car ni Girl. Sumakay na din agad ako ng kotse ko. Sinundan ko sila. Nang malaman ko kung saan sila papunta ay nagtago ako at pinagmasdan sila sa malayo. Mukhang enjoy na enjoy sila sa company ng isa't isa.

Naglakad na ako pabalik sa car ko. Sobrang nakakakonsensya mga sinabi ko kay Bea. Hay. Aantayin ko nalang siya umuwi sa kanila. Ipapagluto ko nalang siya ng dinner. Hindi pa naman alam nun na marunong ako magluto e. Panigurado magugulat 'yun. Kaya, nagdrive na ako papuntaa sa kanila. Sinalubong ako ni Tita Det, halatang nagtataka siya kung bakit ako lang.

"Tita, hindi ko po kasabay si Bea. Nag-away po kami. May mga nasabi po kasi akong masakit kanina sa kaniya e. Hindi ko naman po sinasadya e." Explain ko kay Tita Det.

"Kung ano man 'yan, sana maayos niyong mapag-usapan. Lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan. Mabait naman 'yan si Beatriz, malawak ang pang-unawa niyan. Baka pinakalma lang muna  niya sarili niya." Sagot ni Tita Det sa akin.

"Tita, magluluto po ako. Pagluluto ko po kayo ng dinner pati na din po si Bea." Sabi ko kay Tita Det. Agad naman siyang umagree kaya nagproceed na kami sa pagpunta sa kitchen.

"Jho, here's the list of foods that Bea might like." Sabi ni Tita Det sabay abot nung cookbook pati list.

Una kong niluto ang adobo, sumunod naman ang pork steak, tapos hotdogs. Pinagluto ko na din siya ng adobong fried rice. Sa palagay ko, magugustuhan niya din 'yun e.

Natapos na ako magluto kaya naman pumanik na ako sa kuwarto ni Bea para sana mag-ayos.

End of flashback...

Ayan ang dahilan kung bakit napadpad ako dito sa bahay ng mga De Leon. Tapos na ako mag-ayos ng sarili. Nadatnan ko naman si Bea na nag-aayos ng gamit niya for volleyball.

"Bea?" Tawag ko sa kaniya. Sasagot kaya siya. Mukhang galit pa din e.

"Oh?" Plain niyang sagot sa akin. Hala. Galit pa din.

"Galit ka pa din?" Tanong ko. Ang tanga mo, Jho. Sino ba naman hindi magagalit dun sa mga pinagsasabi mo.

"I'm not mad, I'm hurt there's a difference between the two." Cold na sagot ni Bea. Ah, so nasaktan siya. Hays.

"Sorry. May binigay akong peace offerings sa'yo, alam mo ba kung ano 'yun?" Tanong ko naman. Napaisip naman siya dun sa tanong ko.

"Ano 'yun? Ikaw ang nagbigay diba? Bakit ako tinatanong mo? Manghuhula ba ako?" Sagot niya sa akin sabay kuha nung towel niya at nagpunta na sa CR.

"Ayun 'yung dinner natin. Umuwi ako dito pagtapos kitang sundan kasama 'yung bago mong friend. Pinuntahan kita sa classroom niyo kaso hindi mo ako napansin kasi may kasama ka. Kaya dito nalang ako dumiretso para ipagluto ka ng mga pagkain na pwede mong magustuhan. Alam mo ba tamad ako magluto pero ginawa ko para magkabati tayo. Sorry na, Beatrizzzz!!" Sigaw ko sa kuwarto. Nasa CR na kasi siya. Para akobg tangang nagsisisigaw dito. Antayin ko nalang siya makalabas.

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw nung nasa CR ako? Alam mo bang hindi ko naman naiintindihan? Para kang alien." Sita sa akin ni Bea sabay tawa. Nakuha pa niya akong pagtawanan. Nahiga nalang ako at hindi na siya pinansin.

Nakakainis. Gusto ko na nga makipag-ayos tapos ganun pa gagawin niya. Pagtatawanan pa ako. Hindi manlang naappreciate effort ko. Grabe kaya pagod ko. Ang dami kong paso. Hindi naman ako sanay magluto.

"Jhoanna." Tawag ni Bea.

"Ano?" Sagot ko naman.

"Sinundan mo ba ako kanina?" Tanong niya. Nagulat naman ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Akala ko ba hindi niya ako narinig. E bakit parang alam niya?

"Akala ko ba hindi mo naintindihan 'yung mga sinabi ko kanina?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Narinig ko kasi na para kang alien. So, lumabas ako ng CR. Hindi mo namalayan dahil nakapikit ka pa habang nagsisisigaw ka. Cute mo nga e. Hahahahaha!" Nanlamig ako sa hiya sa sinabi ni Bea. Kaya napataklob ako ng kumot dahil sa hiya.

Hay nako. Gusto ko lang naman makipagbati pero ang dami ko nang napagdaanan. Jusko. Pasalamat nga siya gusto ko magsorry e. Tutulugan ko nalang siya. Bahala siya diyan. Nakakainis siya. Naramdaman ko na tumayo si Bea sa kama at lumabas ng kuwarto. Nakita kong dala niya ang susi ng kotse niya.

Susundan ko sana kaso napagod talaga ako kanina. Antayin ko nalang na umuwi siya.

5 minutes later...

Hay nako Bea, nasaan ka na ba? Gabing-gabi na e.

20 minutes later...

Nagulat nalang ako na may gumigising sa akin. Si Beatriz pala.

"Amoy fries." Sabi ko sabay pupungas-pungas pa ng mata.

"Oh, peace offering. Pinagluto mo naman ako e." Sabay abot ni Bea ng potato corners.

"So, sabay tayo bukas?" Tanong ko sa kanya.

"Ay Jho, kasabay ko si KKD e. Sabay kasi kami magtatryout. Bukas na kasi tryout ko e." Sabi ni Bea. Okay?

"Sino ba si KKD?" Tanong ko kay Bea.

"Ayun 'yung nakita mong kasama ko kanina. Diba sinundan mo ako?
Hahahaha." Sagot ni Bea. Kakainis. Inopen na naman niya 'yun. Kainis.

"Mukhang enjoy ka nga kasama 'yun e." Sabi ko naman.

"Oo naman. Mabait naman e." Sagot naman niya. Aba.

"Buti nalang nandiyan si Thirdy. Lagi ako sinasanahan." Sagot naman. Syempre, hindi ako papatalo.

"Okay." Plain niyang sagot.

"Ba't ba ayaw mo kay Thirdy?" Tanong ko kay Bea.

Putek. Hindi sumasagot.

Ay jusko. Tinulugan ako. Makatulog na nga din. Bukas ko nalang siguro itatanong. Maaga gigising 'yun. Maaga tryout niya e.

Sana naman bukas okay na kami. Kahit na naiinis ako sa kaniya alam ko pa din naman 'yung kasalanan ko e.

Words cannot be taken away once you said it. -Jho

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon