Chapter 3

315 13 0
                                    

8:30AM
Kakaiba 'yung araw kagabi. Kakaiba din 'yung araw ngayon. Tila may mabigat na nakadagaan sa katawan ko kaya ayaw kong bumangon. Teka, paano mga ba ako nakatulog kagabi?

Flashback...

7:30PM
Nagising ako sa yugyog ng kapatid ko. Kakain na daw kasi ng hapunan.

Tumayo naman ako at agad na bumaba. Inayos at kinondisyon ko lang ang sarili ko sa CR at agad na pumunta sa dining.

Nakakapagtaka, walang pag-uusap ngayon. Tila lahat kami ay walang gana. Ano pa nga bang aasahan ko sa buhay na meron kami? Hay.

Alam mo 'yung pakiramdam na alam mong may problema pero hindi mo alam kung ano.

Siguro, nalulungkot sila kasi kailangan nila ako ipamigay diba. Ako din naman nalulungkot. Ramdam ko nga 'yung unti-unti kong pagbabago dahil dun sa nalaman ko. Masakit kasi e. Hindi ako galit sa kanila. Nasasaktan lang ako. Alam ko naman na gagawin lang nila 'yun para sa ikabubuti ko.

Pumanik ako sa kuwarto pagtapos magpababa ng kinain. Gusto ko na matulog. Sa mga araw na lumilipas, sleep became my escape from problems.

Ayt. Sabi ko na nga ba e. Natulog ako ng malungkot. Hayyyy. Ano kaya mangyayari sa araw na 'to? Pababa na ako at parang may mga ibang tao sa baba. Hindi ako pamilyar sa mga boses pero alam ko ang pinag-uusapan nila.

"Pare, alam na ba niya 'yung ipapaampon niyo na siya?" Tanong ni Tito Elmer De Leon. Kababata ng Papa ko at best friend niya.

"Hindi namin masabi e. Nahihirapan kami. Alam kong sobrang malulungkot 'yun. Sobrang family-oriented nung bata ma 'yun e." Sagot ng Papa ko.

"O siya Pare, hindi ko pa naman siya ngayon kukunin. Kayo na ang magset ng oras para dalhin siya sa bahay. Ihanda niyo muna siya. Medyo malapit na din naman sa akin 'yang batang 'yan. Kaya hindi na ako mahihirapan na pakisamahan sa iisang bahay." Sabi ni Tito Elmer.

Hindi muna ako bumaba. Inantay ko na umandar ang kotse ni Tito Elmer. Ayaw kong malaman nilang alam ko lahat. Alam ko lahat ng plano nila. Alam ko kung kanino nila ako ipapaampon. Ay, hindi ko pala alam lahat kasi hindi ko alam kung kailan ako lilipat sa bahay nila Tito Elmer.

Umandar na ang sasakyan ni Tito Elmer. Hudyat na ito na maaari na akong bumaba. Pagpasok nila Mama at Papa, bigla naman pumanik si Ate sa taas at sinignalan akong lagot daw ako.

"Bumaba ka na dun. May pag-uusapan kayo. Lagot ka!!" Pananakot naman ng demonyita kong kapatid.

Inirapan ko lang siya at bumaba na din. Wala akong panahon sa kanya. Hindi ko 'yan pinapatulan e. Immature kasi. 20 years old na. Immature pa din. Hay nako.

"Oh anak, andiyan ka na pala." Bati ng Tatay ko.

"Good morning Ma, Pa. Kain lang po ako ah. Mamaya nalang po tayo mag-usap, gutom na po kasi ako e. Gaano po ba kaimportante 'yun at tungkol saan?" Dire-diretso kong sabi na tila bawat banggit ko ng salita ay may saksak sa dibdib ko.

"Anak, ano kasi eh. A-a-ano..." Utal-utal na sabi ng Mama ko.

"Ipapaampon niyo po ako kay Tito Elmer diba?" Paiyak kong sabat kay Mama.

"Paano mo nalaman?!" Gulat naman na tanong ng Papa ko.

"Hindi na po mahalaga 'yun, mabuti at nalaman ko po. Kailan po ba ako aalis?" Pagago kong sagot at tanong.

"Kung kailan mo gusto." Sagot ng Tatay ko.

"Ah sige. Hindi na po ako magpapaalam sa inyo kapag umalis ako ha? Mabuti na rin 'yun. Para mabawasan na ang problema at mabigat na pasanin niyo." Sabi ko naman na bawat salita ay may tunog ng pagtataray.

Pumanik ako sa kuwarto ko at nagpipigil ng iyak. Hindi ako galit sabi ko sa sarili ko. Pero bakit ganun? Ramdam ko may galit e. Mabuti nalang at sa puder ako ni Tito Elmer babagsak.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Sinigurado kong lahat ng dala ko ay akin talaga. Ayoko na magtira pa ng gamit na nakuha ko sa kanila. Kahit naman hindi ako magdala ng damit ay paniguradong ipagsha-shopping nila ako. Baka nga maging brat ako e. Kasi walang anak sila Tito. Buti nalang. Walang magmamaldita sa akin. Hahahaha!

Ewan ko ba. Bigla akong naging pusong-bato. Parang hindi ko na maramdaman na minahal ko ang pamilyang kinagisnan ko. Desidido na akong magsimula ng bago at masayang pamilya.

Sa isang linggo ako lilipat kayla Tito Elmer. Buti nalang at bakasyon na at ayos na din ang mga papeles ko sa school na dati kong pinag-aralan. Madami kasing connection 'tong si Tito kaya ayun, tapos agad. Iba talaga kapag RK. 😌
—————————————————
Hi guys! May nagbabasa ba? Comment and vote naman kayo. Thanks sa support. ❤️

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon