Chapter 15

194 10 0
                                    

Jho's POV
Hindi na ako makapagtimpi kay Kianna dahil I have the proof-her earrings. I know it's not enough but my eyes captured what she have done.

While Bea and others are introducing themselves with each other nag-escape kami ni Kianna. Actually, nauna siyang umalis sinundan ko lang siya dahil alam kong may ilalagay siya sa drinks ni Bea. Ang galing ah. Sa CR pa talaga siya nagsagawa ng kademonyohan.

"Sa CR ka umiinom? O sa CR mo nilalagyan ng kung ano 'yung iinumin ni Bea?" Tanong ko.

"What?! Are u insane? Ang sama ng tingin mo sa akin ah." Sagot naman niya. Defensive pa ah. Akala mo naman talaga malinis.

"Pwede bang layuan mo si Beatriz. 'Wag mo siya idamay sa insecurities mo." Sigaw ko sa kanya.

"Hindi. Hindi naman ako makakayang layuan ni Bea dahil hawak ko ang sikreto niya. Once na i-spill ko 'yun, mapapahiya siya sa buong Ateneo." Sagot naman niya sa akin.

Wtf! Biglang sumulpot si Bea. Sana hindi pa siya matagal na nandun. Nagpanggap nalang kaming magsi-CR pero alam kong hindi naman maniniwala 'yun e.

We drunk na. Halos lahat tipsy na. Ako? Hindi talaga ako uminom dahil hindi ko pwedeng pabayaan si Bea. Aabutan pa sana ng isang baso ni Kianna si Bea pero tinabig ko agad na naging dahilan para masugatan ako. Wala akong pakialam basta ko na si Bea.

Masyadong mabigat si Bea kaya nahirapan akong ipasan siya. Pero keri lang, basta kailangan makauwi na kami. Kailangan na niya magpahinga. Kailangan ko na din makausap si Tita Det.

Nakahiga na si Bea. Papikit-pikit na din. Biglang pumasok si Tita Det at sinabing mag-uusap kami. Lumabas ako agad at lumipat ng ibang kuwarto.

"Paano nagkakilala si Bea at Kianna?" Umpisang tanong ni Tita Det.

"Actually, hindi ko po alam. Basta nagulat lang po ako one time silang kumakain sa SM Marikina. Pagtapos po nung incident na 'yun hindi na sila mapaghiwalay. Hindi na nga po kami nagsasabay umuwi at pumasok ni Bea kasi lagi pong nakaabang si Kianna." Explain ko naman kay Tita Det.

"Natatakot ako sa mga possible na mangyari kay Bea kapag hindi pa niya nilayuan si Kianna." Sagot naman ni Tita Det. She's really worried halata sa boses niyang nangangatog.

"Ako din, Tita. Kaya nga sinusubukan kong kuhain ang loob niya pero alam ko pong hindi po magiging madali 'yun pero para po kay Bea po susubukan ko pong gawin." Sabi ko kay Tita. Gusto kong kumalma siya but how can I make her calm kung ako din nag-aalala?

"Sinabihan mo na ba si Isabel na layuan na niya si Kianna?" Tanong ni Tita.

"Hindi, Tita. Pero kahapon nung nakita ko si Kianna na naglalagay ng mini CCTV sa malapit sa mailbox ay sinabi ko sa kaniya. Unfortunately, hindi po siya naniwala sa akin." Sagot ko naman.

"I tried to convince Kianna na layuan si Bea pero she insisted na hindi niya gagawin 'yun. She even said na hindi din daw gagawin ni Bea 'yun dahil they made a deal daw and matatakot daw si Bea sa kaniya dahil kapag daw inispill niya ang sikreto ni Bea ay mapapahiya siya sa buong Ateneo." Dugtong ko naman sa sinabi kong una. Tita Det was really shookt. Siguro pati siya hindi din alam kung ano 'yung sinasabi ni Kianna na humahatak kay Bea para hindi siya layuan.

"Jho, please guide Bea always. Alam mo naman na hindi na namin 'yan magagawa dahil parati kaming wala. Pinagkakatiwala ko sa'yo si Isabel ha? 'Wag na 'wag mo ako bibiguin, Jho. Nagpapasalamat na ako ngayon palang." Pasasalamat naman ni Tita Det habang hawak ang kamay ko at may tumutulong luha. Niyakap ko ng mahigpit si Tita Det. Naiintindihan ko siya. Alam ko na malaki ang takot niya na baka may mangyari sa anak nila. Kahit ampon lang si Bea, sobrang tinuring na nila itong tunay na anak.

"Tita, magpahinga na po kayo. May trabaho pa po kayo bukas e." Sabi ko kay Tita. Nandito kasi ako ngayon sa kuwarto nila. Dito kami nag-usap para hindi kami marinig ni Bea.

"Sige, bumalik ka na sa kuwarto niyo ni Isabel at magpahinga ka na din. Madaling araw na oh. May pasok ka pa mamaya." Sagot naman sa akin ni Tita. Ang swerte ko na kahit hindi nila ako ampon/anak ay hindi nila ako tinuturing na ibang tao.

"Opo, Tita. Wala naman po akong pasok bukas kaya makakapahinga po ako. Tsaka hindi ko din naman po hahayaan na nandito lang ako sa bahay habang si Bea nasa school at kasama si Kianna." Sagot ko naman kay Tita.

"Maraming salamat, Jho." Pasasalamat naman ni Tita.

"Jho..." Tawag sa akin ni Tita bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto.

"Bakit po Tita?" Sabi ko naman at lumapit sa kaniya.

"Dito ka nalang tumira. Tutal, lagi ka naman nandito. May guest room pa naman doon, gawin mo nalang kuwarto mo." Sabi ni Tita. What? Hala.

"Really Tita? Omg!!" Sabi ko naman.

"Oo. Para mas magkalapit pa kayo ni Bea. Gusto ko malinawan siya unti-unti sa nangyayari sa paligid niya." Sagot naman ni Tita.

"Salamat po talaga, Tita. Labas na po ako." Sagot ko naman at paalam.

Lumabas na ako sa kuwarto nila Tita Det at agad na binalikan si Bea. Naabutan ko siyang nakasubsob sa sink ng CR ng kuwarto namin.

"Bea?! Fck naman!" Sigaw ko at agad siyang nilapitan. Inalalayan ko siya para maiangat ang ulo niya. Iinom-inom kasi hindi naman kaya. Pinunasan ko na naman siya, hays. Pinalitan ko uli ng damit. Inihiga ko na siya sa kama dahil anytime tutumba na siya. Pinatay ko na din ang lights sa kuwarto namin dahil ayaw nun natutulog ng may ilaw.

"Jho, 'wag mo ako iwan. Kahit anong mangyari sana tanggapin mo ako. Kahit na..." Sabi ni Bea. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nakatulog na siya.

"Bea, kahit ano pa man 'yang sikreto mo, tanggap kita. Sana magkalakas ka na ng loob para sabihin sa akin. Sana ako din matanggap mo kapag sinabi ko ang tunay kong pagkatao." Sabi ko kay Bea. Alam kong hindi na niya maririnig pero at least nasabi ko. Hindi ko pa kasi kaya ipagtapat sa kaniya ang lahat.

"When you discover the true color of someone don't try to repaint them."

———————————————————
Thanks for reading.
Comment or vote if u want to.
Sorry if may typo errors. ❤️

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon