Chapter 1

1.1K 18 1
                                    

6:30pm
Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Nag-aaral ng mabuti. Gusto ko kasi mabigyan ng magandang buhay sila Mama at Papa tsaka ang Ate ko. Ayokong mamatay silang mahirap. Teka, nanunuyo na ang lalamunan ko ah. Makainom nga muna ng tubig tamang-tama may pinalamig ako kanina.

Habang pababa ako ng hagdan, narinig kong nag-uusap sila Mama at Papa. Pasado alasais na pala, hindi ko namalayan. Kaya pala ang sakit na ng ulo ko. Sobra na naman ang nalaan kong oras para sa pag-aaral ko. Hay... baka atakihin na naman ako ng sakit ko kapag nagkataon.

Bakit parang nagbubulungan sila? Nag-aaway na naman siguro at ayaw iparinig sa akin. Kailan ba matatapos 'tong ganitong eksena sa pamilya ko. 😭

Bago pa ako magpatuloy sa pagbaba ng hagdan, napatigil at sumikip ang dibdib ko sa naulinigan ko.

"Ipaampon nalang kaya natin 'tong bunso natin. Hindi natin kaya ipagamot e." bulong ng Papa ko sa Mama ko.

"Hindi naman na talaga magagamot 'yan e. Migraine 'yan. Pangmayamang sakit. Hindi natin siya kayang bigyan ng tamang pagkain araw-araw. Kulang pa nga sa atin ang pera na kinikita natin araw-araw e." Sagot naman ng Mama ko na halatang sobrang aburido dahil sa taas ng tono ng kanyang pananalita.

Bumalik na ako sa kwarto ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Ipapaampon na ata nila ako. Ayoko mawalay sa pamilya ko. Iaahon ko pa sila sa hirap. Bibigyan ko pa sila ng magandang buhay.

Bakit kaya ganun no? Kung sino pa 'yung mga hikahos sa buhay, sila pa 'yung binibigyan ng mga sakit. Wala naman akong malaking kasalanan na nagawa sa Poong Maykapal para mangyari sa akin 'to. Ayokong kwestyunin siya pero hindi ko maiwasan.

Ang dami kong pangarap para sa pamilya ko pero parang ako mismo ang hadlang sa sarili kong pamilya. May migraine ako. Masyado pa akong bata sabi ng doctor para magkaroon nito pero hindi naman daw imposible 'yun dahil napapasa din daw ito through genes of parents. May migraine din si Papa sa kanya ko ito namana.

Nang dahil sa migraine kong 'to nagkautang-utang ang pamilya. Naisanla ang tricycle ng Tatay ko, napasara ang tindahan ng Mama ko, naubos ang ipon, madaming taong pinagtataguan ang magulang ko dahil wala silang pambayad sa inutang nila. Araw-araw ang bigat sa pakiramdam na ikaw mismong nangangarap para tumaas ang pamilya mo ay siya ring dahilan kung bakit hikahos kayo ngayon. Hindi ko ito gagawing hadlang sa pagbibigay sa kanila ng magandang buhay. Mangangarap ako at tutuparin ko 'to.

I'm Cassie Perez, tunog mayaman pero 'wag kayo palinlang diyan sa pangalan ko. Isa lang akong dukha na nakatira sa may Santolan. 10 years old ako ng madiagnose ako sa sakit na migraine. Ang Nanay ko ay si Miracel Perez, isang businesswoman. Taray! Business woman, 'wag kayo ulit palinlang. Sari-sari store 'yun, hahahaha. Pero someday, malay natin diba. Isa 'yun sa pangarap ko na gawing grocery store sa future ang isang maliit na tindahan ng Mama ko. Ang Tatay ko naman ay si Lito Perez, isang tricycle driver. Oh. 'Wag niyo maliitin 'yang Tatay ko ah. Mabait 'yan at masikap. Hindi ko ikinakahiya ang trabaho ng Tatay ko. May isa akong kapatid, siya si Cristy Perez, dakilang tambay. Nako, taliwas na taliwas ang ugali nito sa ugaling meron ako. Tamad 'yan at walang pangarap sa buhay. Lagi nga 'yan nakakaaway ng Mama ko e. Kasi imbis na tumulong ay nagiging pabigat pa.

Ako naman, kakatapos lang ng G12. Dun ako nag-aral malapit lang din dito sa amin. Hindi ako matalino pero sinisikap ko na magkaroon pa din ng matataas na grades. Sobrang taas kasi ng expectation ng magulang ko sa akin. Hindi ko nga parating namimeet e. Kasi, marunong lang ako hindi magaling. Ang hirap maging average person no? You feel me? Hahahaha! Pero wala naman masama kung mag-upgrade ka diba. Kasi matagal pa naman ako bago makapagtapos. Madami pa ako kakaining kanin at ulam. 😂

Ang dami ko na naiyak ngayong araw, kailangan ko na magpahinga. May graded recitation pa kami bukas. Lord, please help me to retain all the knowledge that I've studied earlier. Thank you. 😭

—————————————————
Hi, just a newbie here! Please vote and comment po. Tumatanggap po ako ng comments. Simula palang 'yan, mawiwindang kayo sa mga susunod na chapters. ❤️

P.S. Sorry for all the typos. 😭

-🍂

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon