FF⏩
Pasukan na. Myghaaad. Kinakabahan ako. Alam ko naman na mga sosyal ang mga tao dun. E ako? Hindi naman talaga ako mayaman. 'Yung mga nag-ampon sa akin ang mayaman e. Hindi naman ako.
*beep beep*
Hala. Andiyan na si Jho. Kung ano-ano kasi iniisip ko, kaya ayun hindi ko naramdaman ang oras.
"Beatriz, anu naaaaa?" Sigaw ni Jho habang paakyat ng hagdan. Gagi, beastmode na si Jhoanna Louise.
"Eto na pooooo!" Sagot ko naman kay Jho.
"Baka gusto mong bilisan pa. Male-late na tayo. First day na first day ganiyan ka, Beatriz. Nakakabwisit naman." Sigaw ng sigaw si Jho. Napakaimpatient. Siya din naman mabagal minsan.
Nang makababa ako, hindi ako halos pinapansin ni Jho. Nainis talaga.
"Jho, sorry na oh." Apologize ko kay Jho.
"Ang tagal mo kasi. Inaantay na ako ni Thirdy kanina pa. Nakakahiya dun sa tao. " Sagot naman ni Jho. Wow, hahahaha. So, nakakaabala ako. Okay. Sabagay, una nga pala si Thirdy bago ako. Bakit kasi pinipilit ko sarili ko na mas special ako kaysa kay Thirdy e. E alam ko naman na mas matimbang si Thirdy.
"Edi sana nagtext ka nalang na ganun pala. Para nagcommute nalang ako papuntang Ateneo. Kaysa naman nakakaabala pa ako sa inyo ng bestfriend mo." Sagot ko naman. Inemphasize ko talaga 'yung salitang bestfriend para maramdaman niyang sarcastic ang pagkakasabi ko.
"Commute? E hindi mo nga alam kung paano sasakay ng LRT e. Tas commute? Wala ka pang gaanong alam sa mga lugat dito, Bea. 'Wag kang magmalaki." Sigaw ni Jho sa akin. Ouch. Nakakaoffend. Kay Jho ko pa talaga narinig. Nakakapanliit naman. Hahahahaha.
Hindi na ako sumagot pa kay Jho dahil hahaba lang ang discussion namin. Mamaya nalang siguro kami mag-uusap tsaka nandito na din naman kami sa parking lot ng Ateneo e.
*tok tok*
Si Thirdy pala 'yung kumakatok. Binuksan agad ni Jho 'yung window ng car niya. Syempre, si bestfriend e. Hahahaha.
"Hi, Bea." Bati naman ni Thirdy sa akin sabay wide smile. Bwiset ka! Badtrip ako dahil sa'yo tapos nakukuha mo pa ngumiti sa akin. Gagong 'to.
"Hi din. Una na ako ah. Baka makaistorbo pa ako e." Sabi ko sa kanilang dalawa ni Jho tsaka bumaba agad ng sasakyan. Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta dito. Onti lang ang background ko dito sa Ateneo dahil diba nung nag-enroll ako ay nilibot ako ni Jho. Kaso sa lawak naman nito hindi ko din matatandaan talaga. Hays. Paano ba 'to?
"Hi, you must be Cassie?" Tanong nung babae. Luh? Creepy nito. Alam pangalan kong totoo. Sino kaya 'to?
"Ahm. Beatriz ang pangalan ko, Miss." sagot ko naman.
"Hindi, Cassie ang pangalan mo." Insist naman niya.
"Saan mo naman nalaman 'yan, Miss?" Tanong ko naman.
"Ohhh, so you're Cassie nga." Insist niya talaga.
"Talk to me. Enlighten me kung paano mo nalaman." Sagot ko naman.
"Pag-usapan natin outside the campus. I'm inviting you to a date." Dire-diretso niyang sabi.
Luh? Inaaya ako magdate ng babae. Hindi ako tomboy o kaya bisexual. Babae ako. Pero, babae ba talaga ako? Never pa ako nagkaroon ng crush e. Masyado kasing nakatuon kasi ang isip ko sa pag-aaral ng mabuti para makaahon sa hirap e.