Shaun's pov
Lunes na ngayon at nagbibihis na ako para sa pagpunta ko ng Tan's university.7:23 palang may oras pa ako para kumain 8:30 kasi yung klase namin.pagkatapos kung kumain nagtoothbrush na ako at paalis na sana ng may naisip ako.kung tatawagan ko kaya si jessa at sasabihing susunduin ko siya?...matawagan na nga
"Hello jessa"
(Oh shaun napatawag ka?)
"Pwede bang sunduin kita ngayon para sabay na tayong pumasok?"
(Sorry shaun hihahatid kasi ako ngayon ng driver ko)
"Ahh ganun ba.sige ingat na lang"
(Sorry talaga shaun huh?hayaan mo sa susunod na lang)
"O sige bye ingat love u"
(Love you too)
*toot toot*
-Tan's university-
Naglalakad na ako ngayon papunta sa room ko ng biglang may humarang sakin
"Shaun right?"tanong nitong babae na nasa harap ko
"Oo bakit?"
"Pumunta ka daw sa garden sabi ni jessa"
"Huh?!"
"Kakausapin ka daw niya"
"O-okay"Pagkasabi ko nun umalis na yung babae.pinapatawag ako ni jessa?nakapagtataka
Pumunta na ako sa garden......
..
.
Kanina pa ako naglilibot dito sa garden pero hanggang ngayon wala pa si jessa.nasan na kasi siya?...umupo muna ako sa bench pagkalipas ng 3 minutes may tumawag sa pangalan ko,pagkatingin ko....."Yeshna?"
"Hi Shaun.pwede ba tayong magusap?"
"Sorry pupuntahan ko pa si Jessa" Aalis na
sana ako ng hawakan niya ako sa braso"Ako ang nagpapunta sayo dito"sabi niya. Pero wala akong pakealam kung sino man ang nagpapunta sa akin dito,ang mahalaga makita ko si Jessa
"Aalis na ako Yeshna, so please."Aalis na sana ulit ako ng hawakan niya ako sa kamay
"Please Shaun"
"Ano bang kailangan mo Yeshna?"
"Ikaw Shaun,ikaw ang kailangan ko"Naiiyak na sabi niya.
"Ano bang kailangan mo sa akin?"Nagagalit na tanong ko
"Hindi mo ba narinig Shaun,ikaw ang kailangan ko.Mahal pa rin kita"Nagulat ako sa sinabi niya.sa totoo lang mahal ko parin siya eh,pero nang makilala ko si Jessa nawala lahat ng pagmamahal ko kay Yeshna
"Matapos mo akong lokohin noon,tapos ngayong may iba na ako saka ka lang babalik?" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko
"Please Shaun Give me another chance" Pagmamakaawa niya sakin.Sorry Yeshna,pero mas mahal ko si Jessa
"Sorry Yeshna,pero siguro kailangan mo ng mag move on.Kailangan mo naring maghanap ng taong magmamahal sayo higit sa pagmamahal ko sayo"Sabi ko at tinalikuran ko na siya.narinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko pero hindi ko na lang siya pinansin.kailangan ko ng makita si Jessa
Jessa's pov
Papasok na sana ako dito sa classroom ng may tumawag sa pangalan ko
"Jessa!pinapatawag ka ni Shaun.punta ka daw sa pool area"Sabi ng lalake na hindi ko kilala
"Bakit daw?"
"Hindi ko po alam"Sabi niya at umalis na.bakit naman ako pinapatawag ni Shaun?
----------------------
Umupo muna ako dito sa gilid ng pool habang hinihintay si Shaun. Bakit ganun, diba dapat siya yung naghihintay sakin dito hindi ako?
After siguro ng 10 minutes na paghihintay ko,may tumabi sakin dito sa gilid ng pool at alam kong si Shaun yun,pagkatingin ko sa kanya laking gulat ko na hindi pala si Shaun ang katabi ko.Tumayo ako at tinignan siya ng masama
"Anong ginagawa mo dito Kevin?"Pasigaw na tanong ko.Tumayo siya at lumapit sakin
"Relax Jessa"sabi niya ng nakangiti.baliw
"Aalis na ako"Sabi ko.aalis na sana ako ng hilain niya ako papalapit sa kanya. Nagulat ako ng papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin mahahalikan niya na sana ako ng bigla ko siyang itulak dahilan ng pagbagsak niya sa sahig
"Ano bang problema mo Kevin?"sigaw ko sa kanya
"Problema ko?ikaw,ikaw ang problema ko Jessa. Mahal parin kita" Biglang tumulo ang mga luha sa mata niya.
"Sorry Kevin pero hindi na kita mahal" Sabi ko at aakma na sana akong aalis pero natigilan ako ng magsalita siya
"Bakit hindi mo na lang kasi aminin na hindi mo ako minahal, diba?"
"Minahal kita Kevin,pero anong ginawa mo,iniwan mo ako para lang sa ibang babae" Naiiyak na sagot ko
"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na hindi ko siya mahal,dahil sina papa lang ang pumilit sa akin na pumunta kami sa america para ayusin ang mga papeles namin para sa kasal"Sabi niya.tumayo na siya sa pagkakaupo sa sahig at lumapit sakin
"Sorry Kevin,pero kahit anong paliwanag ang sabihin mo,hindi na magbabago ang nararamdaman ko sayo, dahil mas mahal ko na si Shaun kaysa sayo"
"Please Jessa give me another chance."sabi niya at lumuhod sa harap ko
"Sorry talaga Kevin. Masaya na ako eh,nakapagmove on na ako kaya dapat magmove on kana rin"Sabi ko at umalis na.Sorry talaga kevin,pero may Shaun na ako.
Yeshna's pov
Bwisit kasi na Jessa yan eh.Siya yung panira sa love story namin ni Shaun.humanda ka talaga sa akin Jessa,kukunin ko sayo ang dapat sakin.
Kevin's pov
Bwisit,palpak ang plano namin ni Yeshna. Pero hindi ako susuko kukunin at kukunin ko si Jessa kay Shaun. Humanda ka saakin Shaun.ayos na sana eh,ikaw lang ang panira sa love story namin ni Jessa.
----------------------
Guys,masyado bang corny tong chapter na'to? Hehehehe okay lang kung oo yung sagot niyo.Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE (Gabru)
FanfictionKilalanin si Jessa Alexandrea Rhaine Tan at Shaun Tristan Kyle kung paano nila lalagpasan lahat ng problema at mapagtagumpayan lahat ng magkasama Ito ay kuwento ni Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton.Sa kuwentong ito inyong matutunghayan kung paa...