chapter 43 Jessa is back

311 14 1
                                    

Lee Ann's POV

     Grabe napakaweird ngayon ni Shaun. Kanina pa lang namin siya kinakausap pero hindi kami pinapansin. Tapos tong si Jessa naman, wala parin hanggang ngayon. May problema kaya sila? Baka may LQ sila.

"Shaun, may problema ba kayo ni Jessa? " Tanong ni Martin. Pero hindi siya sumagot.

"Wag mo nang tanungin, baka may LQ lang sila" Sabi ko sa kanya

*BLAAAG*

    Halos mapatalon kami sa gulat. Kasi naman po, papasok lang si Jessa kailangan niya pang sipain ang pintuan. Halos lahat kami ay nagulat sa ginawa niya, nakatingin lang kaming lahat sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" Walang ganang tanong niya, saka umupo sa upuan niya.

"Grabe naman si Jessa manggulat" Sabi ni Andrei

"Oo nga,ano bang trip niya? " Sabi naman ni Xian

   After 30 minutes tumunog na yung bell, at Recess time na. Lumapit kami Kay Jessa para sabay sabay na kaming pumunta sa canteen

"Ahmm, Jessa Tara na sa canteen" Yaya ni Kim

"I'm not hungry" Kalmadong sagot niya.

"O-okay" Sagot ko na lang.

*Canteen*

"Grabe naman si Jessa kanina. Meron ba siya ngayon? " Tanong ni Andrei

"Mukang wala naman" Sagot ko

"May problema ba kayo Shaun? " Tanong ni Kim Kay Shaun, pero hindi niya yun sinagot

"Hayaan mo na-----" Hindi na natuloy ni Joanna ang sasabihin niya ng may sumigaw

"Guys mukang may nagaaway sa labas!!! " Sigaw ng Babae, agad namang nagsilabasan ang mga estudyante dito sa canteen, no choice naman kami kundi ang sumunod.
Pagkalabas namin agad bumungad samin ang babae na umiiyak, at teka bakit nandito si Jessa?

"Sorry talaga Jessa hindi ko sinasadya" Pagmamakaawa ng babae Kay Jessa. Bakit siya nagmamakaawa sa kanya?

"Sorry?! Can't you see? Tinapunan mo ako ng pagkain!!! " Sigaw ni Jessa sa babae.

"Sorry talaga Jessa, hindi ko sinasadya"

"Sinadya mo man o hindi, natapunan mo parin ako!!"

"Jessa, sorry talaga.promise di ko na uulitin"

"Aba dapat lang. Sa susunod wag ka na ulit tatanga tanga." Sabi ni Jessa at umalis na. Jessa is back na ba?

"Grabe naman si Jessa"

"Hala, bumalik na kaya ang dating Jessa? "

"Sa susunod magiingat na ako, baka ako naman ang mapaginitan niya ng ulo"

"Bakit kaya bumalik ang dating Jessa? "

   Marami pa silang mga sinabi, pero hindi ko na pinansin yun. Bakit ganun si Jessa? Bumalik na kaya siya sa dati? Pero bakit?

Jessa's POV

    Bwisit na babaeng yun, talagang tinapunan pa ako ng pagkain. Ang dami daming matatapunan diyan talagang ako pa. Wala na, ang dumi na ng damit ko. Bwisit, she ruined my outfit.

"Hi Jessa" Aba talagang may gana pang bumati tong lalakeng to. Eh kung sapakin ko kaya to?

"Hi mo muka mo" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Grabe, napakabwisit ngayong araw na to. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakabungguan akong lalake

"Prinsesa Lalice? "


.. ..  ..   ..

To be continued.......

FIGHT FOR LOVE (Gabru)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon