Jessa's pov
Nandito kami ngayon ni Shaun sa kwarto ko.hinihintay niya akong magligpit ng mga gamit ko pabalik sa mundo ng mga tao.pinayagan kasi kami ng mga magulang naming bumalik doon.
"Oh ayan tapos na,ano tayo na?"sabi ni Shaun na nakangiti.yiieehh pogi niya talaga.
"Tara"sabi ko at humawak sa kamay niya.
***
"Ano,handa ka na ba Miss Tan?"tanong niya sakin ng napakalapad ang ngiti.ngumiti rin ako sa kanya
"Oo,handa na ako Mr Kyle"
"Asnamon Voyanazar"sabi niya at biglang lumiwanag,bumukas na ang lagusan at lumakad na kami papunta dun.
Lee Ann's pov
Nandito kami ngayon sa rooftop ng school namin,dito kasi yung lagi naming tambayan noon nina Jessa at Shaun.
"Grabe guys,nakakamiss si Shaun at Jessa noh?pwede kaya tayong pumunta sa mundo nila para bisitahin si Shaun at puntahan narin ang puntod ni Jessa?"sabi ni Kim habang tumitingin sa itaas
"Oo nga.miss na miss ko na nga rin sila eh."malungkot na sabi ni Joanna
"Haay naku,tama na yang pagmumukmok niyo diyan,may dala akong pagkain"sabi ni Martin na kakarating lang,pinabili kasi namin siya ng pagkain.
Nagsimula na kaming kumain,habang kumakain kami,may narinig kaming nagsisigawan sa baba,napatingin kaming lahat at pare parehas kaming nagkibit balikat.
"Tara tignan natin"sabi ni Xian,kaya naman bumaba na kami at pumunta sa baba.pagkalabas namin,agad naming nadatnan ang mga estudyanteng nagtatakbuhan at nagsisigawan na parang natutuwa.ano bang nangyayari?
Pumunta kami sa mga maraming estudyanteng nagsisigawan,sumiksik kami para matignan kung sino yung pinagkakaguluhan nila,at laking gulat namin kung sino ang nakita namin
"Jessa?Shaun?"sabay na sabay na sabi namin,tumingin sila samin at ngumuti
"Hello Lee Ann"sabi ni Jessa,kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.
"OMG Jessa,namiss kita huhuhuhu"Naramdaman kong may nakayakap narin sakin,tumingin ako sa likod,at nakita kona sina Kim na nakayakap narin samin
"Group hug guys"sabi ni Joanna.hahahaha grabe ang saya ko ngayon,kasi bumalik na sila.
--------------------------------
Buti na lang maraming Assignment,kung hindi,my gosh hindi na ako makakaupdate.
Enjoy guys.......
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE (Gabru)
FanfictionKilalanin si Jessa Alexandrea Rhaine Tan at Shaun Tristan Kyle kung paano nila lalagpasan lahat ng problema at mapagtagumpayan lahat ng magkasama Ito ay kuwento ni Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton.Sa kuwentong ito inyong matutunghayan kung paa...