Jessa's POV
"Prinsesa Lalice?"
"What are you talking about?"
"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw nga" Masayang sabi niya. Nababaliw na ata. May kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na bote na may lamang tubig at unti unting nagkulay berde.
"Ano Yan? " Tanong ko sa kanya
"Isang bote na may lamang tubig. Pag naging kulay berde ang tubig, ibig sabihin kaharap ko na ang nawawalang prinsesa, at ikaw Yun"
"Pasensiya kana huh? Pero hindi talaga ako si Prinsesa Lalice. " Sabi ko at umalis na. Grabe!nagkalat na yata ang mga baliw. Pumunta ako sa locker ko at kumuha ng damit. Tapos pumunta ako sa CR para magpalit. Pagkalabas ko, nakita ko si Shaun na may kausap na babae. Tsss kung makapaglandian wagas. Eh kung sipain ko kaya sila diyan. Aah alam ko na. May nakita akong dalawang babae na may hawak na pagkain. Hahahaha ayos
"Hoy kayo" Tawag ko sa kanilang dalawa, napatingin naman sila sakin at lumapit
"Bakit po? " Tanong nilang dalawa
"Gusto kong tapunan niyo yung dalawa ng pagkain" Sabi ko at tinuro yung dalawa
"Pero Jessa----"
"Gagawin niyo oh hindi? "
"Gagawin na po namin" Sabi nila. Lumapit sila doon at kunyaring naghabulan, kaya natumba silang dalawa, hahahaha natapunan ba naman yung dalawang maharot. Mission accomplished.bwahahaha
"Ano ba! Hindi ba kayo tumitingin sa dinadaanan niyo?! " Rinig kong sigaw ni Shaun
"Sorry po, naghahabulan po kasi kami kaya natumba kaming dalawa" Paliwanag nung isa
"Tara na nga" Sabi ni Shaun, at ang putek holding hands pa talaga sila huh? Paalala lang, Hindi ako nagseselos sadyang Naiinis lang si ako. Lumapit ako sa dalawang babae.
"Tara" Yaya ko sa kanila
"San tayo pupunta?" Tanong nung parang nerd. Nerd ba tawag dun sa nakasalamin? Basta!
"Sa mall" Simpleng sagot ko
"Pero wala kaming pera" Sabi naman nung isa
"Libre ko" Sagot ko at naglakad na, sumunod naman sila sa akin
*MALL*
"Pili na lang kayo, kahit ano diyan" Ngumiti na lang sila sakin at nagsimula na silang mamili. Wala ako sa mood ngayon para sa shopping shopping na yan
Pagkatapos ni lang mamili, binayaran na namin yun.
"Salamat Jessa huh? Sige uuwi narin kami ng kapatid ko" Paalis na sana sila ng pigilan ko sila
"Wait... Anong pangalan niyo?"
"Ahmm ako po si Joy siya naman po si Jane"
"Aah ganun ba? Sige nice meeting you" Sabi ko. Umalis na sila.
*PARK*
4: 00 na nang makapunta ako dito. Gusto ko lang mapagisa ngayon. Bumili narin ako ng alak, pampabawas ng sakit ng nararamdaman.
-------------------
Enjoy reading guys.
Love u all:)
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE (Gabru)
FanfictionKilalanin si Jessa Alexandrea Rhaine Tan at Shaun Tristan Kyle kung paano nila lalagpasan lahat ng problema at mapagtagumpayan lahat ng magkasama Ito ay kuwento ni Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton.Sa kuwentong ito inyong matutunghayan kung paa...