chapter 52 Malapit na

237 21 7
                                    

Jessa's POV

    Kanina pa lang nagkakagulo ang mga Tao dito sa loob ng palasyo, para bang may masamang nangyayari sa labas. Tumingin ako sa bintana ng silid ko at napakaraming nagliliparang parang mga dragon na bumubuga pa ng apoy. Tumingin ako sa kalangitan, nagulat ako sa nakita ko. Ang buwan, malapit nang maging pula.

"Aaahhhhh" Sigaw ko ng may humawak sa balikat ko. Napatingin ako kung sino Yun, isang matanda

"Malapit ng maging pula ang buwan, ibig sabihin malapit narin ang Laban"

"Tama po kayo. Sana nga po mapagtagumpayan ko ang Laban"

"Sana nga." Sabi niya at umalis na. Kumusta na kaya sina Lee Ann? Sana naman ayos lang sila. Miss na miss ko na rin si Shaun, ayos lang kaya ang lagay niya? Haay sana naman oo.

"Mawalang galang na Mahal na Prinsesa,pinapatawag po kayo ng inyong ina para kumain" Sabi nung maid. Naglakad na siya, kaya naman sinundan ko siya.

Shaun's POV

     Malapit ng maging pula ang buwan, ibig sabihin malapit narin ang Laban. Minsan nga napapaisip ako kung sino nga ba ang Prinsesa Lalice na yan, ano kayang itsura niya? Maganda kaya siya gaya ni Jessa? Haay kung ano ano ang iniisip ko. Miss na miss ko na talaga si Jessa, kumusta na kaya siya? Ipapanalo ko ang Laban na ito para sa mga kaibigan ko at para narin Kay Jessa. Pagkatapos ng Laban, ipapaliwanag ko lahat Kay Jessa kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya. Sana naman Hindi pa maging huli ang lahat.

"Mahal na Prinsipe, pinapatawag kayo ng inyong Ina. Halina kayo at kayo'y kakain na" Sabi nung yaya. Sumunod na lang ako sa kanya.

Someone's pov

     Malapit na... Malapit na ang Laban. Bwahahaha ito na ang pikahihintay ko sa lahat, ang may mamaalam sa kanilang dalawa. Pagnangyari ang mga bagay na yun, mas madali ko nang masasakop ang mundong ito. Hintayin niyo ang aking pagbabalik, at sa pagbabalik ko, ako na ang maghahari sa buong mundo at lahat sila ay luluhod sa aking harapan. Bwahahahahaha. Malapit na.........



--------------------------------

Kapagod magisip grabe....

Don't forget to vote and comment.....

FIGHT FOR LOVE (Gabru)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon