Shaun's POV
Lumabas na si ina dito sa silid ni ama.kami na lang ni ama ang nandito. Sa totoo niyan hindi pa nga ako makapaniwala na isa pala akong Prinsipe.
"Anak, handa ka naba para sa nalalapit na Laban? " Tanong sakin ni ama
"Opo ama. Handa na po ako"
"Anak, ipangako mo sakin na ipapanalo mo ang Laban"
"Oo ama, pinapangako ko sayo na ipapanalo ko ang laban, tatalunan ko yang Prinsesa Lalice na Yan. Gagawin ko ang lahat, para lang mailigtas ka ama. "Sabi ko, ngumiti lang siya bilang sagot.
" Siya nga pala ama, sino po ba si Prinsesa Lalice na Yan! "
"Siya ang nawawalang Prinsesa ng kaharian ng Armenia. May kapangyarihan siyang tubig"
"Aah ganun po ba?"
"May kapangyarihan ka naman na apoy, ayun sa sinabi noon sa libro, magagamit mo lang ang kapangyarihan mo kapag kinakailangan"
"Kung ganun, matutuklasan ko lang ang kapangyarihan ko, pagnakaharap ko na si Prinsesa Lalice? "
"Tama ka anak. Oh sige na, pumunta kana sa silid mo para makapagpahinga" Sabi ni ama. Kaya naman umalis na ako at tinanong nalang sa mga maid ang silid ko.
Jessa's POV
Nandito parin ako sa silid ni ama,umalis narin si ina. Hindi ko alam pero, parang gusto ko laging bantayan si ama, pakiramdam ko pag iniwan ko siya, parang hindi mapanatag ang loob ko, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.
"Anak... Handa ka na ba sa Laban? ""Oo ama, wag po kayong magalala. Pinapangako ko pong ipapanalo ko ang Laban para sa inyo."
"Salamat anak. Manang mana ka talaga sa iyong ina, matapang na nga, maganda pa" Napangiti na lang ako sa si sinabi ni ama
"Ikaw naman ama, nambola ka pa, pero talaga namang maganda kami ni ina hahahaha"
"Hahahaha ikaw talaga, sige na, pumunta ka na sa iyong silid para magpahinga, Alam kong napagod ka kanina" Ngumiti lang ako bilang sagot. Nagpaalam na ako Kay ama, tiyaka lumabas sa silid niya. Pero teka, san ba ako napagod? Hala ang GM ko naman, ano pa edi sa paglalakbay. Haayyy.
--------------------------
Enjoy...............
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE (Gabru)
FanfictionKilalanin si Jessa Alexandrea Rhaine Tan at Shaun Tristan Kyle kung paano nila lalagpasan lahat ng problema at mapagtagumpayan lahat ng magkasama Ito ay kuwento ni Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton.Sa kuwentong ito inyong matutunghayan kung paa...