chapter 30 CCTV

396 21 2
                                    

Lee ann's pov

     Nandito na kami ngayon ni Tito sa office, nakikita ko sa mga mata niya ang galit, ganyan talaga si Tito masyadong protective kay Jessa.

"Good afternoon sir ba-----"

"Check the CCTV now!!!!" Sigaw ni Tito kay ma'am principal.

"Okay po Sir"

------------------------

"Teka, Ann? Anong oras niyo natagpuan si Jessa sa pool?" Tanong ni Sir Edward, siya yung tagapagcheck ng mga CCTV dito sa school

"Siguro po mga 9: 30 na po yun" Sagot ko naman

"Okay" Sabi niya at sinimulang icheck ang CCTV
"Siya ba yang nakaupo sa gilid ng pool? " Tanong sakin ni Sir Edward

"Siya nga po"sagot ko. Tinignan naming mabuti ang CCTV, may lumapit sa kanya na isang lalake at isang babae.

" Kilala mo ba sila Ann?"tanong sakin ni Tito

"Sa tingin ko po tito yung lalake ay si Kevin yung ex ni Jessa, tapos yung babae po si Yeshna ex ni Shaun"sabi ko. Pinagpatuloy namin ang panonood sa CCTV, nakita naming sinabutan ni Yeshna si Jessa at ang pagtakbo palayo ni Kevin. Tapos nahulog sila sa pool, at dun nagsabunutan. Itinulak ni Yeshna si Jessa, Tapos lumangoy paalis si Yeshna at naiwan si Jessa na humihingi ng tulong, Ayan na 9: 21 ng may dumating na babae na may hawak na malaking kahoy, at hindi nga ako nagkakali si Yeshna na yun. Inilahad ni Yeshna ang kamay niya kay Jessa, Tapos si Jessa naman pilit na inaabot ito. Pagkaabot niya dun na pinalo ni Yeshna sa ulo si Jessa, at pagkatapos umalis na si Yeshna.

"Ann? " Tawag sakin ni Tito

"Bakit po Tito? "

"Pumunta ka sa classroom niyo at papuntahin dito yung sinasabi mong Yeshna at si Kevin" Mahinahon na sabi ni Tito, pero nakikita ko sa mga mata niya ang galit. Goodbye Yeshna at Kevin na kaya ang bagsak nila?

     Naglakad na ako papunta sa classroom namin,pagkapunta ko dun naabutan ko si Ma'am na Nagdidiscuss

"Excuse me ma'am, pinapatawag po ni Tito Freddy si Yeshna at Kevin sa office"

"Bakit daw? " Tanong ni ma'am

"Pwede po bang wag ko na lang sabihin? "

"Oh sige. Yeshna,kevin pumunta daw kayo sa office"

"Bakit ba kasi kami Pinapapunta dun!? " Tanong sakin ni Yeshna

"Pwede bang pumunta na lang kayo dun at wag ng maraming tanong? " Sabi ko at nauna nang naglakad.

*OFFICE*

    Nakaupo na ngayon sina Yeshna, na nagtataka parin kung bakit sila nandito. Excited na ako sa magaganap hahahaha.

"Bakit niyo ginawa yun sa anak ko!!?" Sigaw ni Tito.

"Tito hindi ko po sinasadya na iwan dun si Jessa" Sabi ni Kevin

"Pero ginawa mo! At ikaw naman! " Turo niya kay Yeshna "ano bang kasalanan ng anak ko sayo at ginawa mo yun sa kanya?! "

"Kasalanan? Hahaha, kasi masyadong malandi at mangaagaw ang anak mo. Inagaw niya sa akin si Shaun"

"Hahaha nagpapatawa ka ba Yeshna? Diba ikaw ang nangiwan kay Shaun? At correction lang ha, hindi na ikaw ang mahal ni Shaun, dahil si Jessa na ang mahal niya" Sabi ko

"Tama na yan Ann. Kayong dalawa, mula ngayon ayaw ko ng makita yang mga pagmumuka niyo! " Sabi ni Tito

"So ang sinasabi mo ba Tito, tinatanggal muna kami dito sa University? " Tanong ni Kevin

"Exactly" Sagot naman ni Tito

"Kaya ano pang hinihintay niyo, umalis na kayo, kung hindi niyo lang sana sinaktan ang kaibigan namin hindi sana mangyayari ito sa inyo" Sabi ko naman. Umalis na silang dalawa. Bagay lang sa kanila yun noh. 😏




-------------------------------

Bye. See you on next chapter

FIGHT FOR LOVE (Gabru)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon