Shaun's POV
Hanggang ngayon naguguluhan parin ako. Bakit ba ako nagkaroon ng ganung tattoo sa braso ko? Anong ibig sabihin nun? Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa classroom ng may nakabanggga akong babae
"Aay sorry miss" Sabi ko sa kanya
"Ayos lang" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya, at hindi ako pwedeng magkamali, siya yung bagong transferee sa classroom.
"Prinsipe Ashton? "
"Aah sorry miss, pero Sino si prinsipe Ashton? " Tanong ko sa kanya
"Ikaw.ikaw si Prinsipe Ashton"
"Sorry miss pero ako si Shaun, hindi ako si Prinsipe Ashton"
"Hindi, hindi ako pwedeng magkamali, ikaw ang nawawalang prinsipe"
"Hin--------" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay bigla na lang kaming naglaho at pagdilat ko nasa Rooftop na kami. Ano yun?nag teleport siya?
"Paano tayo napunta dito? " Tanong ko sa kanya
"Gamit ang aking kapangyarihan"
"Huh? Nagpapatawa ka ba? "
"Hindi ako nagpapatawa at hindi rin ako nagbibiro. May kapangyarihan ako katulad mo"
"Ano bang sinasabi mo? "
"Ikaw si prinsipe Ashton, anak ng hari nang Albanya, ang nawawalang prinsipe na matagal na naming hinahanap. At ikaw yun, Ikaw si Prinsipe Ashton. "
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Medyo naguguluhan narin ako sa mga sinasabi niya. May kinuha siyang libro sa bag niya, medyo may kalumaan narin yung librong hawak niya. Binuksan niya ito, at napapikit na lang ako dahil sa liwanag na nagmumula mula sa libro. Biglang may nagsalita at alam kong hindi yung transferee yun
"Prinsipe Ashton. May kapangyarihang apoy. Siya ang nawawalang prinsipe ng Albanya. Nandito siya sa mundo ng mga tao. At nahanap mo na siya prinsesa Jana. Tignan mo ang kanyang braso at may nakaguhit doon na isang simbolo na magpapatunay na siya nga ang nawawalang Prinsipe"
Ibinalik niya ang libro sa bag niya, at Dali daling lumapit saakin at tinignan ang braso ko kung saan may nakaguhit na parang simbolo. Umiilaw pa ang nakaguhit doon pero hindi na gaanong kaliwanag
"Ikaw nga. Ikaw nga si Prinsipe Ashton" Nakangiting sabi niya
"Mabuti na lang at nahanap na kita""Hindi ko talaga maintindihan" Sabi ko. Kinuha niya ulit ang libro at binuklat iyon
"Ngayong nahanap ko na ang Mahal na Prinsipe, maaari mo na bang ipakita ang kanyang pinanggalingan? " Sabi niya. Bigla naman umilaw ang libro at may pinakitang mga tao
"Panoorin mo" Sabi niya, kaya naman pinanood ko itoMay dalawang Hari ang naglalaban, biglang may umilaw at bumungad sa kalangitan ang isang lalake na kung titignan ay parang diyos. Isinumpa niya ang dalawang Hari na sa pagkaanak ng dalawang Reyna ay dun magkakaroon ng matinding karamdaman ang dalawang Hari.
Nagkatotoo nga ang sinabi ng diyos. Yumanig ang buong paligid ang nagkagulo ang mga tao. Pagkatapos ng pagyanig, na bahala ang lahat dahil nawawala daw ang dalawang maharlika.
May isang matanda na nasa kagubatan at may narinig siyang umiiyak na sanggol. May nakita siyang dalawang bata. Dahan dahan niyang binuhat ang dalawa at napangiti na lamang siya.
Pumunta siya sa mundo ng mga tao, at nakita ko kung paano ibigay ng matanda ang sanggol, at hindi ako nagkakamali, si daddy ang pinagbigyan niya. Ibig sabihin ampon lang ako? Ibinalik na niya ang libro sa bag niya dahil Tapos na yun.
"Ano, naniniwala kana ba na ikaw si Prinsipe Ashton? " Tanong niya sakin. Ang totoo niyan naniniwala na ako, pero ang hindi ko lang mapaniwalaan ay ampon lang pala ako
"Kung ganun, ampon lang ako ng daddy ko? " Naluluhang tanong ko
"Tama ka. Dahil ipinabigay ka lang ng matanda. Kaya Prinsipe Ashton sumama ka na sa akin sa tunay mong tahanan, dahil naghihintay ang iyong tunay na magulang doon"
"Gustuhin ko man, pero paano si daddy, paano si......Jessa?"
"Alam kong nahihirapan kang iwan ang mundong ito, dahil marami ang napamahal sayo. Pero prinsipe Ashton, may naghihintay Rin sayo, sa'yong tunay na tahanan"
"Tama ka. Kung ganun kailangan ko ng umalis para mapagisipan ko narin kung paano ako makakapagpaalam sa mga Mahal ko sa buhay" Sabi ko at umalis na.
--------------------------------
OMG, nalaman na niyang siya si Prinsipe Ashton. Tuluyan niya na nga bang iwan ang mundo ng mga tao? Iiwan niya na ba ang mga Mahal niya sa buhay?
Pero paano na si Jessa?Abangan..........
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE (Gabru)
FanfictionKilalanin si Jessa Alexandrea Rhaine Tan at Shaun Tristan Kyle kung paano nila lalagpasan lahat ng problema at mapagtagumpayan lahat ng magkasama Ito ay kuwento ni Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton.Sa kuwentong ito inyong matutunghayan kung paa...