Shaun's POV
Kanina pa lang ako dito sa garden, hinihintay ko si Jessa, mukang oras na para gawin ko ang plano ko. Pero ang totoo niyan hindi ko pa talaga kayang gawin yun. Alam Kong masasaktan siya sa gagawin ko, pero wala na akong magagawa.
After 5 minutes, nandito na siya, lumapit siya sakin ng nakangiti at umupo sa tabi ko.
"Shaun bakit gusto mo akong pumunta dito? ""Gusto ko sanang mag bonding tayo, yung tayong dalawa lang" Sabi ko. Ang totoo niyan hindi naman talaga ito ang plano ko, kaso gusto ko pa siyang makasama kahit sandali lang.
"Oo naman. San mo gustong pumunta? " Tanong niya na napakalapad ang ngiti. Ngiti na hindi ko na makikita kailan man."Sa park na lang" Sagot ko
"Tara" Sabi niya at hinila ako paalis
*PARK*
"Tara Shaun, bili tayo ng ice cream" Sabi niya at hinila ako papunta sa nagtitinda
"Manong, dalawa nga pong ice cream" Sabi ko at binigay sa kanya ang bayad
"Kuya, Chocolate po nang akin huh? " Sabi niya na parang nae-excite, para siyang bata. Ang cute cute niya.Binigay na saamin ni manong ang ice cream, umupo kami ni Jessa dito sa bench
"Ngayon lang ulit ako nakakain ng ice cream" Sabi niya. "Balik tayo ulit dito Shaun huh? " Napatingin ako sa kanya, dahil sa sinabi niya. Sorry Jessa pero mukang ito na ang huling pagsasama natin. I think this is the last moment na makakasama kita
"Uuhmm.... Siguro" Tanging nasagot ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti, anong meron at ngumingiti siya?
"Bakit? " Tanong ko
"May ice cream ka kasi sa ilong hahaha" Sabi niya at may kinuha sa bulsa niya, panyo yun na kulay pink. Lumapit siya sakin at pinunasan ang ilong ko na may ice cream daw. Nakatingin lang ako sa kanya, habang ginagawa niya yun. Napakaganda niya talaga, kaya nga nainlove ako sa kanya eh. Minahal ko siya minahal niya ako, pero lahat ng yun sasayangin ko. Unti unti na lang pumatak ang mga luha ko. Natigilan naman si Jessa sa ginagawa niya at tumingin sa akin
"Bakit ka naman umiiyak Shaun? " Nagaalalang tanong niya saakin
"Ah wala lang to, masaya lang dahil kasama kita" Pagdadahilan ko.
"Hahahaha yun lang pala eh, wag kang magalala hindi naman kita iiwan eh... Hindi mo rin naman ako iiwan diba Shaun? " Seryosong tanong niya sakin. Hindi ko alam pero wala akong maisip na maisagot sa kanya. Bakit ba kasi ako pa si Prinsipe Ashton? Bakit kasi ako pa? Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Agad naman niya akong niyakap, yumakap din ako pabalik at hinigpitan yun.
"I'm sorry" Sabi ko
"Bat ka nagsosorry? "
"Mahal na Mahal kita at ayaw Kong mawala ka saakin"
"Hindi ka naman mawawala sakin diba? "
"I'm sorry Jessa, pero this is the last moment na makakasama mo ako" Sabi ko. Kumalas na siya sa yakapan at seryosong tumungin sa mga Mata ko
"Bakit? San ka ba pupunta? Sa ibang bansa? Okay lang naman eh hihintayin kita kahit anong katagal pa Yan" Dere-deretsong sabi niya
"Hindi."
"Eh ano? "
"Ito na ang huling pagkakataon na makakasama mo'ko" Sabi ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha niya.
"I'm so sorry Jessa"
--------------------------------
Ano kayang ibig sabihin ni Shaun? Huhuhuhu umiiyak NGA ako habang sinusulat ko'to hahaha.
Enjoy reading guys.....
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE (Gabru)
FanfictionKilalanin si Jessa Alexandrea Rhaine Tan at Shaun Tristan Kyle kung paano nila lalagpasan lahat ng problema at mapagtagumpayan lahat ng magkasama Ito ay kuwento ni Prinsesa Lalice at Prinsipe Ashton.Sa kuwentong ito inyong matutunghayan kung paa...