chapter 29 hospital

404 19 4
                                    

Shaun's pov

    Kasama ko ngayon sina Lee Ann, kanina pa namin hinahanap si Jessa, kung saan saan na kami naghanap at kung sino sino na ang nagtanungan namin pero wala talagang nakakita sa kanya. Nasan na ba kasi siya?
    May nakita kaming lalake kaya tinanong namin sa kanya

"Excuse me, nakita mo ba si Jessa? " Tanong ko sa lalake

"Ah si Jessa? Nakita ko kanina siya sa gilid ng pool nakaupo"

"ah ganun ba? Sige salamat" Sabi ko saka kami tumakbo papunta dun.

   Pagkarating namin dun, laking gulat namin ng may nakita kaming babae na nakalutang sa pool, hindi imposible to, bakit siya pa.

"Jessa!!!! "Sigaw ko, tumalon ako sa pool at mabilis na lumangoy papunta sa kanya.
Inalalayan ko siya pagkatapos ay naglakad na ako papunta kung nasaan  sina Lee Ann. Pagkaahon namin agad kong hiniga si Jessa.

" Humingi kayo ng tulong!!!" Sigaw ko. Kumaripas naman ng takbo si Martin para humingi ng tulong. Napatingin ako kay Jessa,at bigla na lang akong napaluha.

"Jessa please gumising ka"sabi ko na umiiyak hinawakan ko ang kamay niya at mas lalo pa akong umiyak. Sina Lee Ann naman umiiyak din habang nakatingin kay Jessa. Bigla akong may naalala, napanood ko lang ito sa mga TV, yung parang ikikiss nila sa labi yung tanong nalunod, yung parang bibigyan nila ng hangin. Kaya naman lumapit ako sakanya at sinimulan yun. After siguro ng 4 minutes hindi parin gumana,anong nang gagawin ko?

"U-Umalis ka muna diyan Shaun, m-may gagawin l-lang ako"sabi ni Lee Ann na patuloy parin ang pagpatak ng mga luha niya, umalis muna ako sa tabi ni Jessa. Pinagpatong niya ang dalawang niyang kamay tiyaka inilagay sa bandang dibdib ni Jessa (Guys hindi ko alam kung paano ie-explain yung gagawin ni Lee Ann, intindihin niyo na lang) Halos humagulgul na ng Iyak si Lee Ann dahil hindi gumagana yung ginagawa niya.

" Please Jessa lumaban ka"Sabi ni Lee Ann

"Jessa kumapit ka lang wag kang bibitaw" Sabi ko naman

"Sino ba kasing n-nagsabing mag swimming ka huh? Eh hindi ka naman marunong lumangoy eh" Sabi ni Lee Ann

"G-guys bakit may dugo yung ulo ni Jessa? " Tanong ni Kim habang nakatingin sa ulo ni Jessa. Bakit nga ba meron?

"Guys guys paparating na dito yung ambulansiya" Sigaw ni Martin

[SKIP]

*Hospital*

    Kanina pa lang ako kinakaban, halos 2 oras nang nasa loob si Jessa, pero wala paring doctor na dumarating. Sana ayos lang si Jessa, sana walang masamang nangyari sa kanya.

"Natawagan ko na si Tito, paparating na daw siya"sabi ni Lee Ann na nasa tabi ko.

" Sana ayos lang si Jessa"sabi ni Kim

"Oo nga." Sabi naman ni Kim. After 10 minutes nandito na yung Daddy ni Jessa.

"Nasaan yung anak ko? " Tanong niya na natataranta at kinakabahan

"Nasa loob pa lang Tito" Sagot ni Lee Ann. Umupo yung daddy ni Jessa sa tabi ko na nanginginig ang buong katawan.

"Ano ba kasing nangyari Ann?" Tanong niya Kay Lee Ann

"Eh kasi po Tito kakatapos lang po ng klase namin nun tapos vacant na po yung next, lumabas po siya gusto ko nga siyang sundan kaso, may ginagawa pa po akong project. After po siguro ng 20 minutes lumabas na po kami nila Shaun para hanapin si Jessa, pero wala po siya nagtanong tanong narin po kami pero wala talagang nakakita sa kanya, then may nakita po kaming lalake nagtanong po kami sa kanya, ang sabi niya nandun daw si Jessa sa gilid ng pool. Pagdating namin dun nakita na lang namin si Jessa na nakalutang sa pool"paliwanag ni Lee Ann. Maya Maya may lumabas na na doctor kaya agad agad kaming napatayo

"Kamusta na ang anak ko Samuel? "

"Ayos lang naman siya Freddy, pero masyadong malala ang pagkakapalo sa ulo niya" Paliwanag ng doctor

"Pagkakapalo sa ulo ni Jessa?"Nagugulahang tanong ni Joanna

" Hindi niyo ba alam? Obvious naman sa sugat ni Jessa na may pumalo sa kanya sa ulo"sabi ni doc na kinagulat ko. Pero sino naman ang gagawa nun?

"Pwede na bang puntahan yung anak ko? "

"Pwede na"

    Pumasok na kami sa loob, nakita ko si Jessa na mabimbing na natutulog. May nakapulupot sa ulo niya, yan na siguro yung sinasabi ng doctor.

"Hahanapin ko ang may gawa nito sa anak ko" Nagagalit na sabi ni Tito Freddy.Tumingin siya sa akin, "Shaun right?"tanong niya sa'kin tumango lang ako, " Ikaw pala yung kwinu-kwento sa akin ni Jessa na boyfriend niya"

"Opo" Tanging naisagot ko

"Gusto kita para sa anak ko" Sabi niya ng nakangiti

"Salamat po"

"Bakit ka nga pala basa? " Tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa damit ko

"Tumalon po kasi ako kanina sa pool para tulungan si Jessa" Sabi ko ng nakangiti

"Ah ganun ba? Sige salamat ijo huh? " Sabi niya at tumayo "Ann may pupuntahan tayo"

"Saan po Tito? "

"Sa eskwelahan, hahanapin ko ang may gawa nito sa kanya"sabi ni Tito Freddy saka naglakad paalis, no choice si Lee Ann kundi ang sumunod. Lumapit ako kay Jessa tiyaka hinalikan ang noo niya.

" Sa tingin mo ba bro si Yeshna ang pwedeng gumawa nito sa kanya?"tanong sakin ni Xian

"Hindi naman siguro, pero kung siya man... Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya"Sabi ko at tumingin ulit kay Jessa




------------------------

   Ayan po guys huh? Sana magustuhan niyo.


FIGHT FOR LOVE (Gabru)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon