chapter 39 Pansinin mo naman ako

290 12 0
                                    

Jessa's POV

      Kanina pa lang ako nabobored dito sa loob ng classroom, eh kasi naman kanina ko pa ang hinihintay si Shaun na pumasok dito sa loob ng classroom, pero wala parin siya. Sina Lee Ann naman, ayun naglilinis sila ng CR. Hahahaha nakipagaway kasi sila sa kabilang seksyon.
At kung alam niyo lang, kanina pa lang nagiingay tong mga pangit na kaklase ko. Umalis muna ako para magpahangin sa rooftop.

   Habang naglalakad ako papuntang rooftop, bigla akong may nakabanggaan.

"Aay so-----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino siya

"Shaun? " Nakangiti Kong sabi. Niyakap ko siya ng mahigpit pero hindi man lang siya yumakap pabalik
"May problema ka ba Shaun?" Tanong ko sa kanya. Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot at tinalikuran lang ako.
"Shaun, may problema ba? " Hindi siya sumagot at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Kaya naman hinabol ko siya at hinawakan sa kamay
"Shaun naman, pansinin mo naman ako"

"Gusto ko munang mapagisa" Sabi niya at tinalikuran na ako. Ano bang problema niya?
Shaun's POV

    Kahit na masakit para saakin na hindi pansinin si Jessa, ginawa ko na lang. Talagang kailangan ko ngayon ang mapagisa. Mahal na Mahal ko siya, at hindi ko siya kayang saktan. Pero kailangan ko talagang gawin ang Plano ko, alam Kong masasaktan siya sa gagawin ko pero kailangan ko na talagang tanggapin na hindi kami para sa isa't isa.

Mahal na Mahal kita Jessa.
At hindi na yun magbabago pa.


-----------------------

   Ano kayang plano ni Shaun?

Abangan..........

FIGHT FOR LOVE (Gabru)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon