chapter 48 Humanda ka

254 17 4
                                    

Jessa's POV

      Pinaandar ko na ang sasakyan ko papunta sa bahay. Nadatnan ko dun si Daddy na nanonood ng tv. Tumabi ako kay Daddy at niyakap siya ng mahigpit, at dun ko na binuhos ang iyak ko.

"Oh anak, what's wrong? "

"D-dad t-totoo ba na a-ampon lang ako?" Tanong ko sa kanya na patuloy parin sa pagiyak

"Huh? What are you talking about? "

"Just answer me Dad"

"Haay... Totoo na ampon ka lang, pero kahit ganun, hindi kita tinuring na iba, minahal kita bilang tunay kong anak" Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam ko naman yun Dad eh. Mahal na Mahal kita Dad"

"Mahal na Mahal din kita anak"sabi niya. Hanggang sa nakatulog na ako.

Shaun's POV

      Matagal na akong hindi pumapasok sa eskwelahan, at hindi rin totoo na magtratransfer na ako, dahil sa totoo lang, tinuturuan ako ni Jana makipaglaban. Agad akong napaisip, kumusta na kaya ang mga kaibigan at si papa? Kumusta na kaya si Jessa?

"Iniisip mo na naman ba ang mga kaibigan mo? " Tanong sakin ni Jana at tumabi sakin dito sa damuhan.

"Tama ka... Miss na miss ko na sila. Kahit isang pagkakataon lang, hindi ko man lang nasabi sa kanila na Mahal na Mahal ko sila... na mahal na mahal ko siya" Sabi ko at tuluyan na akong napaluha.

"Naiintindihan kita. Pero sa ngayon, kailangan mo munang tiisin ang sakit na nararamdaman mo. Kailangan mo munang tapusin ang Laban, pagnaipanalo mo yun, malaya mo na silang makakasama. Kaya ipangako mo sa sarili mo na ipapanalo mo ang laban para sa kanila"sabi niya. Bumuntong hininga muna ako,  bago nagsalita

" Pinapangako kong ipapanalo ko ang laban, para sa kanila. Humanda ka, dahil sa laban nating dalawa, ako ang mananalo.humanda ka............. Prinsesa Lalice "

Jessa's POV

     Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, unti unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Shaun.

"Shaun? " Tawag ko sa kanya. Ngumiti siya at naglakad paalis sakin.

"Shaun!!! " Sigaw ko at bumangon sa higaan ko para habulin siya. Nakita ko ang dinadaanan ko, parang isang ulap halos lahat ng nasa paligid ay ulap, hindi ko na lang pinansin ito at nag patuloy sa pagtakbo.

"Shaun!!! " Sigaw ko ulit. Lumingon siya sakin at ngumiti, pagkatapos ay tumakbo siya ulit. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, hanggang sa napansin kong iba na ang itsura ng dinadaanan ko, may mga apoy na sa gilid nito.

"Jessa!! " Lumingon ako sa likod,at laking gulat ko ng may matalim na bagay na tumusok sa tiyan ko, isa itong sandata. Unti unti kong inangat ang ulo ko at laking gulat ko ng makita ko ang itsura ng sumaksak sakin

"Shaun? " Sabi ko at may pumatak na luha sa mga mata ko. Parang nahiwalay na yung kaluluwa ko nang marahas niyang hugutin ang espada na nakasaksak sa tiyan ko.

"Mamatay kana!!! " Sigaw niya at tuluyan na akong napahiga sa sahig

"B-bakit? " Tanong ko at tuluyan na akong nawawalan ng hininga.

***

"Aaaahhhhhhh"

"Jessa, ayos ka lang? "

"D-dad" Sabi ko at niyakap siya. Napaiyak na lang ako dahil sa napanaginipan ko. Akala ko totoo na yun, isa lang palang masamang panaginip

"Sshh tahan na, sige na matulog ka na ulit" Sabi ni Dad. Pinikit ko ulit ang mga Mata ko at natulog.

---------------

    Thank you for reading. Love you all


FIGHT FOR LOVE (Gabru)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon