CASSANDRA
Nakakatatlong bote pa lang naman ako ng Tanduay Ice pero ramdam ko na agad ang pagkahilo. Sobrang baba talaga ng alcohol tolerance ko. Nilingon ko ang mga pinsan kong nagtatawanan at nagsasaya pa din. Nandito kami sa isang sikat na bar dahil birthday ng pinsan namin na si Ate Donna. Gusto ko na sanang umuwi dahil may pasok pa ako bukas sa opisina kaso ayaw ko namang sirain ang gabi namin. Naging reunion na din kasi naming magpipinsan ang gabing ito dahil palagi kaming busy sa mga trabaho namin. Ngayon na lang kami ulit nagsama sama.
"Cassy!" Dinig kong tawag ni Ate Donna. "Enjoy the night! Sayaw tayo."
Wala na akong nagawa ng hilahin nila ako papunta sa dance floor. Bahagya akong gumewang dahil sa hilo pero agad din namang nakabawi. Sinabayan ko lang ang mga pinsan kong sumayaw. They're right. I must enjoy this night dahil hindi ko na alam kung kailan pa ito ulit mangyayari. So i did what i have to do. Sumayaw ako, giniling ng kaunti ang katawan hanggang sa masanay na din. Hindi ko alam kung ito na ba yung tinatawag na epekto ng alak kaya naman ng may nabangga ako sa aking likod ay sinayawan ko pa siya.
My jaw dropped when i saw the man standing in front of me and staring at me.
Handsome face, rounded eyes that can captivate you the moment he stares at you, pointed nose, pinkish lips that you would like to taste. The triceps, and even though he's still wearing his polo I'm 100 percent sure that he has abs. Gusto ko tuloy bilangin. Ang tangkad niya, hanggang balikat niya lang ako.
"Hi there, Hottest Bachelor in town." Nakangiting bati ko sa kanya.
--------------
Ugh! Remind me to stop drinking alcoholic drinks! Ayaw ko sanang pumasok sa opisina kaso hindi ako pwedeng umabsent ngayong araw. Sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay binibiyak ito.
Paglabas ko sa apartment ko ay parang gusto ko ulit pumasok sa loob at magpahinga na lang.
"Anong nangyari sayo girl?" Tanong ng ka officemate slash friend na si Trina pagdating ko sa department namin.
"Hang over." Maikling sagot ko at napahawak ulit sa ulo.
"Uminom ka? Wow. That's new." Sarkastikong sabi niya.
She really knows about my low alcohol tolerance. Alam na alam niyang mabilis akong malasing kaya kapag sila ang kasama ko ay pinipigilan niya ako. Unlike my cousins na halos ipalaklak sa akin ang lahat ng alak.
"Birthday ni Ate Donna kagabi. I can't say no."
"Uminom ka na ba ng gamot? Naku! Bawal kang makita ng bagong boss natin kung ganyan ang kilos mo."
Feeling ko biglang nawala ang sakit ng ulo ko. New boss?
"What are you talking about?" Tanong ko at naupo na kami pareho sa cubicle namin na magkatabi lang naman. "How about Mr. Rockwell?"
"I heard na ipapasa na daw ni Sir sa anak niya ang kumpanya." Basta talaga tsismis ang bilis nito. "Hindi ako nakitsismis, okay?" Dugtong niya na parang nabasa ang iniisip ko. "Narinig ko lang habang paakyat ako. Yun kasi ang topic ng ibang empleyado."
Napatango tango ako. Mr. Rockwell is kind to us. Sobrang bait niya to the point na sobrang gaan lang ng mga binibigay niyang trabaho sa amin. Kapag bumibisita naman siya sa bawat department ay hindi pa ako nakarinig ng usapan na nakakaintimidate siya. Sobrang gaan niya kasama sa trabaho kaya sana ganun din ang anak niya.
Napangiti kaming lahat ng dumating na si Mr.Rockwell.
"Good morning Sir." We all greeted while smiling.
Totoo ngang nag iikot na siya sa buong department para ipakilala ang anak niya na papalit sa kanya bilang presidente ng kumpanya.
"Good morning guys!" Masayang bati niya. "Today is my last day as a President of this company."
"Aww." Sigaw naming lahat kaya natawa siya.
"But of course, i will visit you again kapag may oras." He assured us. "By the way, i want you to meet my son." Tinawag niya ang anak na kapapasok lang dito sa department namin. "Trevon James Rockwell."
Lahat ay nagsipalakpakan ng makita ang bagong President pero ako ay nanatiling nakatingin sa harap. Hindi gumagalaw. Hindi pumapalakpak. Nanlalaki ang mga mata.
Hindi ko na narinig ang pagpapakilala niya at parang gusto ko na lang tumalon dito sa building namin ng magtama ang aming mata. Unti unting nanliit ang kanyang mga mata na para bang inaalala kung saan niya ako nakita. Kinabahan ako ng makita ang pagngisi niya habang nakatingin pa din sa akin.
Oh my god!
I'm dead!