CASSANDRA
"No one can date Cassandra because I'm dating her. She's already mine."
Ang kaninang maingay na opisina ay biglang tumahimik. Kahit ako ay hindi alam ang gagawin lalo na at nasa akin na ang tingin ng mga kasama ko.
"C-cassy." nauutal na tawag sa akin ni Trina.
Tinignan ko si Trevon at inilingan siya.
"Why do you have to say it?" tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa office niya.
"What do you want me to do? Manood doon habang may pumoporma sayong iba?" inis niya ding tanong.
"Of course, I'm going to reject him!"
Ngumisi siya at umiling.
"Ganyan mo ba ako ikinakahiya?" tanong niya dahilan para matigilan ako. "Is it bad? Gusto kong tigilan ka niya. Sa tingin mo, hihinto yun kapag nireject mo ng isang beses?"
"Hindi kita ikinakahiya. God knows that I'm so proud to have you as my boyfriend pero kasi.. ayaw kong isipin nila na pumatol ka sa katulad ko. Pumatol ka sa simpleng empleyado niyo. Ikaw, bilang presidente ng kumpanyang ito ay nararapat na magkaroon ng kasintahan na may ibubuga sa buhay. I know I don't deserve you but I really love you so I risked it." lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. "Gusto ko lang protektahan yung relasyon natin. Ayaw kong mahusgahan tayo pareho."
"Don't you trust me?"
"I do. I do trust you."
"Then continue trusting me. Hindi lang ikaw ang poprotekta sa relasyon natin. You have me." seryosong sabi niya.
Tumango ako at niyakap niya ako.
"I'm sorry." bulong ko.
"It's okay."
Kinabukasan ay inulan ako ng tanong nila Trina. Lahat sila ay nagulat dahil may relasyon pala kami ni Trevon.
"I'm sorry kung hindi ko agad sinabi."
"It's okay! Kailangan niyo din naman ng privacy. Nagulat lang talaga kami." sabi ni Trina. "Pero congrats sa inyo ha."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Wala si Trevon ngayon dahil kailangan niyang pumunta sa site ng ginagawang building sa Makati. Nagtext lang siya kanina na kung hindi siya makakabalik mamayang lunch break ay susunduin na lang niya ako.
May itinatype ako ng biglang dumating si Mr. Rockwell ang Daddy ni Trevon. Ngayon ko na lang siya ulit nakita at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.
"Can I talk to you Ms. Sanchez?"
Nagkatinginan kami ni Trina ng marinig iyon. Napalunok ako bago nginitian si Mr. Rockwell.
Malamig naman dito sa conference room pero pinagpapawisan ako. Kinakabahan ako dahil walang binanggit si Trevon kung ano ang sinabi ng pamilya niya noong mamatay si Uncle.
"I heard you're dating my son." nang tignan ko siya ay seryoso ang kaniyang mukha. Ni hindi ko makita yung palangiting Mr. Rockwell noon.
"Opo Sir." sagot ko at bahagyang ngumiti.
"To tell you honestly, noong malaman ko na kamag anak mo ang pumatay sa Mama ko ay nagalit ako. Gusto kitang tanggalin sa trabaho pero sinabi ni Trevon na wala ka namang kasalanan. Pumayag ako, that's why you're still here." parang alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito kaya mas lalo akong kinabahan. "But being in a relationship with my son is too much for me." naikuyom ko ang aking mga kamay na nasa aking hita. "I'm sorry Ms. Sanchez but I want you to break up with my son. Resign here and stay away from him." diretsahang sabi niya. "Kung hindi sana ang Uncle mo ang pumatay sa Mama ko ay baka tanggapin pa kita sa pamilya ko. I hope you understand."
Tulala ako at halatang wala sa sarili habang naglalakad. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Kanina noong umalis si Mr. Rockwell ay kinuha ko lang ang mga gamit ko at umalis na din. Hindi ko na nasagot pa ang mga tanong nila Trina kanina. Sinabi ko na lang na may emergency kaya kailangan ko ng umuwi.
Nang may madaanan akong playground ay naupo ako sa duyan. Tumingala ako at pinagmasdan ang langit. Inaasahan ko naman na mangyayari ito pero siguro ay hindi ko nahanda ang aking sarili lalo na at sinisigurado ni Trevon na okay lang ang lahat. Na magiging maayos lang ang lahat.
Napangiti ako ng mapait. I know I don't deserve Trevon. Alam kong hindi talaga kami pwede pero sinubukan ko pa din. Agad kong pinunasan ang aking pisngi dahil sa tumulong luha. Nakagat ko ang aking labi hanggang sa hindi ko na nakayanan at tuluyan ng napahagulgol.
Ang sakit. Sobrang sakit dahil hindi kayo pwede ng taong mahal mo. Dahil yung pamilya niya ang humahadlang sa inyo.
Anong gagawin ko, Trevon?
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)