CASSANDRA
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Marco na after lunch na ako papasok dahil ihahatid ko pa sa airport si Trevon. Kanina pa niya ako hindi iniimik at nanatili lamang tahimik na parang may malalim na iniisip.
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kaniyang kamay dahilan para lingunin niya ako. Nandito na kami ngayon sa airport at hinihintay na lang na matawag ang flight niya.
"Are you okay?" tanong ko.
"I want to stay but I can't." umiling siya at tinignan ang kaniyang passport. "Gusto ko sanang sabay na tayong umuwi kaso.." nilingon niya ako at bahagyang nginitian. "But it's okay. Susunod ka naman after two weeks right?"
"Oo naman." nakangiti akong tumango. "After two weeks. Hindi na ako ulit aalis."
Bumuntong hininga siya at ngumiti.
"I'll be waiting then."
Nang makaalis na si Trevon ay dumiretso na din ako sa trabaho.
"Good afternoon Sir."
"Good thing you're here." sabi ni Marco at nilapitan ako. "Nakita na ng mga tauhan ko si Mr. Wesda."
Nanlaki ang aking mga mata at napangiti.
"Talaga?" ngumiti din siya at tumango. "Mabuti naman kung ganoon."
"Yeah." bigla siyang yumuko at natahimik.
"Okay ka lang? Bakit parang hindi ka naman masaya?" nag aalalang tanong ko.
Tinignan niya ako at bahagyang nginitian.
"Actually, it's not about the money he stole from me. It's about loyalty. Wala naman talaga akong pakialam sa pera. Sampung milyon? Kayang kaya ko yun makuha sa loob ng ilang buwan, but the trust I gave to him?" umiling siya at namulsa. "Yun ang hindi ko matanggap. I hate unfaithful persons."
Tumatak sa aking isipan ang mga sinabi ni Marco. Wala naman sigurong tao ang gustong maloko lalo na ng mga taong pinagkakatiwalaan natin.
Noong mag alas dos ng hapon ay sinamahan ko si Marco sa tinutuluyan ni Mr. Wesda. Nakatingin lang ako sa kaniya na tahimik na pinagmamasdan si Mr. Wesda habang ang matanda naman ay halos hindi siya matignan sa mga mata at nanatili lamang nakayuko. Mr. Wesda is like a father to him. Base sa kwento niya ay sampung taon ng nagtatrabaho ang matanda sa kaniya at naging malapit siya dito. I know he's hurt and felt betrayed at the same time.
"Iuurong ko ang kaso." kung paanong nagulat si Mr. Wesda sa sinabi ni Marco ay siya ding pagkagulat ko.
"M-marco." naluluhang sambit ni Mr. Wesda.
"I just want to see you if you're okay. Just.. just don't come near me. Don't come see me. I'll forget about you and you do the same."
"Marco.. hijo.. I'm sorry. I'm really sorry." bigla akong naawa kay Mr. Wesda ng tuluyan na siyang umiyak pero kasalanan din naman niya. Sinira niya ang tiwala ni Marco.
Kung kailangan niya talaga ng pera ay pwedeng pwede naman siyang matulungan ni Marco. He didn't need to stole it from him.
"You're too old to be put in jail. I also treated you as my father. Siguro naman bayad na ako sayo sa lahat ng mga ginawa mo sa akin noon. Let's not see each other again." huling sabi ni Marco bago tuluyang umalis.
Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang umiiyak na si Mr. Wesda bago ko sinundan si Marco.
"Marco.. are you okay?" nag aalalang tanong ko.
Noong humarap siya sa akin ay natigilan ako ng makita ang pagpatak ng kaniyang luha. Kahit nagulat sa biglaan niyang pagyakap sa akin ay niyakap ko na din siya at tinapik tapik ang kaniyang likod.
"I.. I treated him as my own father." pabulong niyang sabi ngunit sapat lang para marinig ko. "I never thought that he'll betrayed me."
"It's okay. Tahan na. I'm sure sobrang nagsisisi siya.. hindi dahil sa pag urong mo sa kaso pero dahil alam niyang tinuring mo siyang ama." pag aalo ko.
Noong tumahan sa pag iyak si Marco ay hindi na kami bumalik pa sa kumpanya at dumiretso na sa kaniyang unit. Napangiti ako ng makita ang mahimbing na pagtulog ni Marco. Inayos ko ang kaniyang kumot at pinatay ang mga ilaw bago tuluyang lumabas sa kaniyang silid.
Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng pagkain dahil paniguradong magugutom siya mamaya paggising niya. Abala ako sa ginagawa ng marinig ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ng kaniyang kwarto.
"You're awake." nakangiting sabi ko noong makita siya.
"You're cooking?" inaantok pa niyang tanong at naupo sa upuan habang pinapanood ako.
"Yup. Baka magutom ka kasi. Uuwi na din ako after nito."
Hindi na siya nagsalita pa kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa.
"You're just making it hard for me." muli ko siyang nilingon nang magsalita siya.
"Ha?" kunot noo kong tanong.
"I think I'm falling."
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)