HOG 16

561 22 0
                                    

CASSANDRA

Nanlaki ang aking mga mata at sa sobrang pagkataranta ay inapakan ko ang kaniyang paa dahilan para bitawan niya ako. Ikaw ba naman ang apakan na ang suot ay high heels eh! Handa na sana akong sumigaw pero natigilan ng marinig ang boses ng taong nasa aking likod.

"Ouch! That hurts baby!"

Agad akong napalingon at nakita si Duke na namimilipit sa sakit habang hawak ang kaniyang kanang paa.

"Duke!"

"Hi?" nakangiwing bati niya.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" panenermon ko sa kaniya habang tinutulungan siyang makatayo ng maayos.

"I want to surprise you." napailing na lang ako ng marinig ang kaniyang sagot. "Why are you alone here?"

"Hinihintay ko ang kapatid mo." tumango tango siya at sumandal sa sasakyan ni Trevon. "Masakit pa ba?" tanong ko at tinignan ang kaniyang paa. Nakatsinelas pa naman siya. Tsk.

"I'm fine." sagot niya.

"Saan ka galing?" pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot.

Nakaputing vneck siya, sweat pants at itim na tsinelas.

"Pupuntahan ko din sana si Trevon then I saw you kaya naisip kong gulatin ka." nakangising sagot niya na ikinailing ko.

"Tss. Nasaktan ka pa tuloy." nakukunsensiyang sabi ko.

"It's fine as long as it's you who's hurting me." natigilan ako sa aking narinig at tinitigan siya na seryosong nakatitig sa aking mga mata.

"Duke." ngumisi siya pero nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Duke." ulit kong pagtawag sa kaniyang pangalan.

"Just let me for now. Believe me, I'm trying my very best to forget you."

Magsasalita pa sana ako ulit pero hindi natuloy ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Trevon sa aming gilid.

"What's happening here?" nang nilingon ko siya ay kunot noo siyang nakatingin sa amin.

"Hi baby brother!" masiglang bati ni Duke bago lumapit sa kaniya at inakbayan siya. "I missed you!" halos matawa ako ng makita ngumuso si Duke.

"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Trevon ng lingunin si Duke. Hindi man lang pinansin ang sinabi ng kaniyang Kuya.

"I saw her alone kaya nilapitan ko at nakipagkamustahan." sagot ni Duke. "Chill baby brother!" natatawang sabi niya ng hindi pa din humupa ang pagkakakunot ng noo ni Trevon.

Napailing naman si Trevon bago ako tinignan. Napabuntong hininga siya bago muling nilingon ang kapatid.

"We're having our dinner outside. Wanna come?" tanong niyang agad ikinangiti ni Duke.

"Of course! Mauna na kayo I'll just follow you." tinapik niya sa balikat si Trevon at nginitian naman ako.

"Let's go hon." dinig kong sabi ni Trevon na agad kong ikinatango.

Seryoso sa pagmamaneho si Trevon habang hawak hawak ang kaliwang kamay ko.

"Baka hindi ako papasok sa office bukas." agad ko siyang nilingon ng marinig iyon.

"Why?" tanong ko at umayos ng pagkakaupo paharap sa kaniya.

"May tatlong meeting akong pupuntahan bukas." sagot niya at nilingon ako saglit. "Pero susunduin kita."

"Okay." nakangiting sagot ko.

Nginitian niya din ako at hinalikan pa ang aking kamay na kanina pa niya hawak.

Nang makarating sa restaurant kung saan nagpareserve si Trevon ay agad nalungkot si Duke.

"Dapat pala hindi na ako sumama. Mukha akong bodyguard niyong dalawa." naiiling na sabi niya at pinasadahan ng tingin ang kaniyang suot.

Natawa kami pareho ni Trevon.

"It's okay. Di ba sabi mo gwapo ka naman?" nang aasar na sabi ni Trevon.

"Tss. Kung hindi lang ito libre ay hindi ako sasama." pinangkitan niya ng mata ang kapatid saka ngumiti. "Oorder ako ng marami." kinuha niya ang menu sa kaniyang harapan at agad ng namili ng kakainin niya.

Namili na din kami ni Trevon at habang hinihintay ang order ay nagkwentuhan na lang muna kami.

"By the way, bakit ka pala nasa office kanina? May kailangan ka ba?" tanong ni Trevon na ikinaayos naman ng upo ni Duke na parang may naalala.

"Oh! Oo nga pala. It's about Lola's case." natigilan ako ng sumeryoso ang boses ni Duke. Bago pa niya ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin ay sumabat na ako.

"Aalis ba muna ako? I mean, mukhang seryoso kasi ang pag uusapan niyo." pareho silang napatingin sa akin bago nagtinginan.

"It's okay Cass. You're part of the family anyway." nakangiting sabi ni Duke.

Nanahimik na lang ako at nakinig sa kanilang pag uusap.

"Nahanap na ba ang suspect?" seryosong tanong ni Trevon.

Tumango si Duke bago magsalita.

"Nahuli siya kaninang umaga sa Cavite." para namang nakahinga ng maluwag si Trevon dahil sa narinig.

"Thanks God."

"Ako na ang bahala sa kaniya. You don't have to be stressed about it."

"No. I want to see him." tumango naman si Duke at ayaw ng kontrahin ang kapatid. "What's his name?"

"Nicandro Palero."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang pangalang iyon. No way!

"Wait." agad silang napalingon sa akin dahil sa biglaan kong pagsabat. "Nicandro Palero? Ano ang buong pangalan niya?" kinakabahang tanong ko.

"Nicandro Sanchez Palero." kunot noong tanong ni Duke. "You know him?"

Oh shit! Anong ginawa mo Uncle?

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon