HOG 5

1K 51 5
                                    

CASSANDRA

Nauna ng lumabas ng kwarto si Sir Trevon at iniwan niya ako para makapag ayos muna. Hiyang hiya talaga ako. Nakakaasar. Bakit kasi tulog mantika ako? Nang matapos akong mag ayos ay agad din akong lumabas. Dumiretso ako sa kusina tulad ng sabi niya kanina. Busy siya sa paghahanda ng tanghalian namin.

Napangiti tuloy ako. Para kaming bagong kasal at pinagsisilbihan niya ako.

Praning ka na naman, Cassandra!

"Why are you smiling?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses niya.

"W-wala po Sir."

"Just call me Trevon. Wala naman tayo sa office. Come here, for sure gutom ka na." Sabi niya at pinaghila pa ako ng upuan.

Adobong baboy ang niluto niya at infairness masarap ang luto niya ha. Tahimik lang kami hanggang sa matapos kami kumain. Nagpresinta na din ako na maghugas ng pinagkainan namin.

Pumunta ako sa sala para sana magpaalam na uuwi na pero wala siya doon. Sumilip din ako sa kwarto niyang nakabukas pero wala din siya doon. Napatingin ako sa isa pang pintuan na nakabukas. Nandoon siya, nakaharap sa computer at maraming nakatambak na files sa mesa niya. Hindi muna ako nagsalita at tinignan muna siya, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako agad napansin. Mukhang sobrang busy niya. Kahit sunday ay nagtatrabaho siya.

Nakita kong may hinahanap siya sa mga nakatambak na files pero sa sobrang pagmamadali niya ay bigla itong nagkalat sa sahig.

"Shit." Mahinang mura niya pero sapat na para marinig ko.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

"Sir Trevon." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tanong niya pero hindi ako tinignan dahil nag umpisa na siyang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.

Napatingin siya sa akin ng makitang tinutulungan ko siya.

"You can now go. Take a rest. Kaya ko na ito."

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagpulot sa mga papel. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero hindi na siya ulit nagsalita.

"Marami ka pa bang gagawin Sir? Tutulungan na lang muna kita. Wala din naman akong gagawin sa unit ko." Sabi ko sa kanya ng matapos naming pulutin ang lahat ng papel.

"No need. I can handle it."

I can handle it pero aligaga naman siya sa kakahanap ng kung anong files. Pabalik balik din ang tingin niya sa computer. Kahit ayaw niya ay nagstay pa din ako sa huli ay wala na din siyang nagawa at pinilit ko talaga na tulungan siya.

Pinahiram niya sa akin ang laptop niya dahil may kailangan daw akong iedit. Ginawa ko naman iyon. Tahimik lang kami buong oras. Ang tanging tunog lang na maririnig ay ang ingay na galing sa aircon at ang bawat pagtype namin sa keyboard.

Nang matapos akong mag edit ay saka ko naramdaman ang gutom at pagod. Medyo mahaba at madami din kasi iyon. Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas sais na ng gabi. Ang bilis talaga ng oras kapag may ginagawa ka. Napatingin naman ako kay Sir Trevon na busy pa din sa computer. Napanguso ako.

"Sir." Tawag ko sa kanya.

"Yes?"

"Gutom ka na ba? Anong gusto mong lutuin kong ulam?"

"Kung ano ang gusto mo." Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa sagot niya.

"Okay. Magluluto muna ako Sir." Nakangiting paalam ko sa kanya kahit hindi niya naman ako tinitignan.

"Okay."

Nakangiti pa din ako habang nakatingin sa laman ng fridge niya. Punong puno ang laman nito. May nakita din akong mga beer in can.

Napagdesisyunan kong magluto ng sinigang na baboy. Nakakamiss kasi ang mag ulam ng ganito. Sa unit kasi puro de lata lang ang inuulam ko since ako lang naman mag isa.

Hinihintay ko na lang na tuluyang lumambot ang karne ng biglang dumating si Sir Trevon.

"What's for dinner?" Tanong niya bago uminom ng tubig.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya. Bakit feeling ko mag asawa kami? Oh my god!

"Cassandra?" Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng tawagin niya ako sa aking pangalan at hindi sa aking apelyido. "Are you okay?" Nag aalalang tanong niya.

"Gutom lang Sir." Pilit akong ngumiti. "Hmm. Sinigang na baboy ang niluto ko."

"Great. That's my favorite."

Bakit parang gusto kong kumuha ng papel at ilista doon ang isang puntos para sa akin? Napailing iling ako.

Masama ito..

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon